Abala ang lahat sa pagpili ng kung anong club ang sasalihan nila ngayong taon. Ang iba ay tulad lang din ng club nila last year samantalang ang iba ay gustong lumipat sa iba.
Last year I took theatre because of my friends. Ngayon siguro hindi na muna ako magsisign up para doon. Busy na ako sa review ngayon at wala na akong oras para doon. Hindi naman required iyon. Plus points lang din.
"Reese! Theatre ka ulit?" Si Pene.
Umiling ako na ikinasimangot naman nila.
"Bakit? Sayang naman 'yung last year kung hindi mo itutuloy!" Si Jandy.
"Baka hindi na ako makaattend sa mga practice. May review ako eh" dahilan ko.
"Tsk, dapat hindi ka na lang sumali dyan eh! Lagi ka na lang busy" si Aaron.
And they go on and on complaining about me joining the quiz bee. Little did they know I joined the quiz bee because I don't want to see their faces.
P. E. namin kaya nagbihis kami ng P. E. Uniform. Ipinusod ko nang mataas ang buhok ko habang pinagmamasdan ang mga kaklase. Napakunot ang noo ko nang mapansing nagreretouch pa ng make-up ang iba doon. May maaambag ba sa page-exercise ang pagpapaganda nila? Baka magsitulo lang kasama ng pawis nila ang mga make up nila.
Nagtungo kaming lahat sa field at dahil last subject na din namin to, may iba na ring estudyante ang nagkalat. Iba'y nanonood at iba naman ay naglilibot.
Mukhang lalaruin yata namin ngayon ay volleyball. Iginrupo kami sa apat na team at si Pene ang isa kong kagrupo. Ang unang dalawang grupo muna ang mauuna at isa doon ay ang kasama si Zillah.
"Talunin mo sila!" Sigaw ko sa kaibigan na ngumuso lang at natawa.
"Bias ka Reese!" Sigaw ni Jandy sa kabilang team.
"Go Jandy! Magpatalo kayo" sabi ko naman na ikinairap nito.
Napuno lang ng tawanan at sigawan ang laro lalo na't madalas ang pagsasagutan nila Jandy at ang grupo nila Zillah.
"Group 3 and 4" anang teacher namin kaya pumwesto na kami.
"Madadaya kayo, Zillah!" Reklamo ni Aaron nang makaalis sila doon.
Napapikit naman ako at hinarang ang kamay sa mata nang tumama ang araw sa akin. Nagsimula naman ang laro at hindi ako makaconcentrate sa pagsigaw nila Zillah tuwing makakapuntos ang grupo namin.
Lalo na ngayong ako ang nagserve.
"Nice one babe! Hampasin mo!" Si Zillah.
"Ganyan bakla! Dyan ka magtaray!"
Napailing ako sa mga kaibigan at tinuon ang atensyon sa laro. Nakapuntos ulit kami at nalipat ako ng pwesto. Hindi ko sinasadyang mahagip ng tingin ang lalaking nakaupo mag-isa sa bench malapit sa room namin.
Sakop ang buong upuan na bato, nakapatong ang bawat kamay sa sandalan noon, nakatanaw sa gawi ko si Art. Nang mapansin niya akong bumaling sa kaniya ay kumaway pa siya.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil nadidistract ako masyado. Nagserve ang kakampi namin at nareceive naman iyon nang maganda ng kabilang grupo. Naibalik iyon sa amin at sa gawi ko napunta kaya tinira ko iyon pabalik.
Nang mabalik sa amin ay tinira iyon ng kaklase ko sa likod na malapit sa akin. Mukhang namali ito ng balanse at nabangga ako na naging sanhi ng pagkadapa ko. Rinig ko agad ang pagsigaw nila Penelope.
Inangat ko naman ang sarili at ininda ang bahagyang hapdi sa tuhod. Gusto kong magreklamo na bakit kasi shorts ang pang ibabang uniform ng mga babae.
"Reese, pasensya na!" Biglang lumapit sa akin ang kaklaseng lalaki na nakabunggo sa akin at nagbigay ng kamay. Sinamaan ko lang ito ng tingin at hindi iyon tinanggap. Tumayo ako mag-isa at pinagpag ang sarili.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomansaJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...