Kabanata 27

54 18 0
                                    

Sherine

"I heard you got a big project in here in Manila, " tumango ako. "Then?" Tanong ni Jen.

I took a sip to my orange juice looked at her in disbelief. "wala akong mapag-iiwanan kay, Astraea, dinala ko muna siya dito sa pilipinas para iwan sa'yo." Aniko.

Nanlaki ang mata ni Jen sa tuwa. "Talaga ba? Baka naman prank lang 'yan, a? Naku, 'di na talaga kita kaka-usapin." Aniya, kapag kuwan ay bumaling kay Elias na nasa tabi namin kumakain. "Musta flight?"

"Flight pa rin naman." Pamimilosopo nito.

"Alam mo? Napaka saya mong kausap!" kinuha ni Jen at hipon at sinasksak sa bibig ni Elias. "Ayan, kainin mo. Kumain ka para ma highblood ka!"

Natawa ako at nap iling sa kanilang dalawa. Kaka baba lang ni Elias mula sa flight niya, Jen is still wearing her robe while I have my papers beside my seat. Galing kaming tatlo sa trabaho ay nagkita kami dito sa kalapit na restaurant para kumain.

"Sasama ba kayo pauwi sa akin?" tanong ni Elias. "Nagpasa ako ng letter kay West para mag leave at uuwi ako sa San Vicente; sama kayo?"

Agad nagsalita si Jen, "Sama ako! Sabay na ako sa'yo," tapos ay bumaling siya sa akin. "Kunin ko si Astraea - isasabay ko na siya pauwi."

Tumango ako at tinapos ang pagkain ko. Inantay muna namin si Jen matapos sa kinakain niya bago kami sabay-sabay na umalis sa restaurants. Dahil may sarili akong sasakyan ay humiwalay kami ni Jen at nauna kami sa condo. Hindi kasi madala ni Jen ang sasakyan niya dahil ako ang sumundo sa kaniya kanina.

Naka lagay sa backseat ang mga blue print mula sa trabaho ko at ibang materials na gagamitin ko mamaya.

"Susunod kaba sa San Vicente? Balita ko may tinanggihan kang proyekto ro'n?" sabi ni Jen.

"Oo, kaso tinanggihan ko nga, si Engineer Ortiz na ang bahala roon ." Sagot ko sa kaniya at iniliko ang sasakyan.

"Magkasama kayo sa company? "

Tumango ako, "Oo, mas matagal nga lang siya sa akin."

Nang makarating kami sa condo ay agad kong maabutan si Elias na nasa sofa at naka kandong sa kaniya si Astraea habang naglalaro. Nakita ko rin si Levi galing sa kusina dala-dala ang tray ng pagkain at juice.

"Mamá!" sigaw ni Astraea nang makita ako. Agad siyang bumaba mula sa pagkaka kandong kay Elias at tumakbo papunta sa akin. "I thought you will be home late again."

Nakagat ko ang akong ibabang labi dahil sa nakaka awang boses ng aking anak. Lagi ko siyang napag-aantay tuwing gabi sa akin dahil sa daming trabaho ah ginagabi ako sa opisina.

Ngumiti ako at binuhat siya. Mabigat na.

"Hayaan mo, sasama ka muna kay mama Jen at papa Elias mo, a? Uuwi kayo kila lolo at lola!" balita ko sa kaniya na ikina tuwa nito. "Kaya mag bihis kana at mag empake ng mga gamit mo."

Tumango sa akin at ibinaba tsaka nagtatakbo papunta sa kaniyang kwarto. Napabaling ako sa mga kasama ko at malungkot na ngumiti, lalo nakila Jen at Elias.

Nang mag-apat na taon si Astraea ay katuwang ko si Jen sa pagpapalaki sa anak ko. Kapag may free time si Elias ay siya ang nagbabantay kay Astraea noong tumuntong ito ng pitong taon. Ngayon mag s-siyam na taon na siya, ang bilis ng panahon.

Every days that passed si Astrea ay nagiging Jade's look a like. Hindi maitatanggi, nasaksihan ko rin ang paglaki ni Jade- lalo na si Elias. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal rin ni Elias si Astraea.

"Kami na muna ang bahala kay Astraea, mag text ka nalang kung babalik ka kung gusto mo magpa sundo." Ani Elias. Tumango ako sa kaniya.

"Thank you, Elias." I said.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon