CHAPTER 7

6 1 0
                                    


"Good Afternoon po, Tita!" masiglang bati namin ni Kyline sa Mommy ni Lesly.

"Oh, pasok basang basa na kayo ng ulan." agad naman kaming pumasok. Naghubad na kami ng sapatos at pinahiram kami ni Lesly ng tsinelas.

"Gagawa lang ako ng merienda, iwan ko muna kayo dyan sa kwarto ha. Lesly, pahiramin mo muna sila ng shirt mo at basa na ang likod oh." tumango naman si Lesly at hinanapan kami ng tshirt.

Tahimik lang kami habang naghihintay sa Mommy ni Lesly. Tamang scroll lang ako sa twitter, matagal ko na kasi yong di binubuksan, baka may bago nang chika di ko pa alam, nanghihina na ako dahil wala na akon tsismis sa katawan.

"Hoy, mga babaita, dito na daw kayo matulog nagtext sakin sila Tita." biglang sabi samin ni Lesly. Lintek na yan, di ako nainform sana nagdala ako extra uniform charet.

"Totoo ba? Tingin nga." lumapit naman si Kyline at inagaw ang phone ni Lesly at natutuwang binasa ang text ng mommy niya at dinamay na din ang akin. Umirap lang si Lesly at inagaw ulit ang phone niya.

"Pwede ka nang snatcher, pag-igihan mo pa para pag di tayo nakapagtrabaho yan na lang hanap buhay naten." suggest ni Lesly at sinabunutan naman siya ni Kyline dahil sa naakapanget na suggestion niya.

Tinuloy ko ang pagsscroll sa twitter nang mapatili ako sa nakita ko.

"Andrea, ano meron!?" dali dali silang lumapit sakin at lalo kong nilakihan ang mata ko sa kanila na parang gulat na gulat sa nakita.

"Hoy yawa naman ano nga meron!?" curious na tanong nila.

"Shit." nag-iba ang reaksyon ng mukha nila nang bigla akong umaktong kinakabahan. "Nag Top 1 na naman sa billboard BTS HAHAHAHHA!" Binatukan naman nila ako bigla. Ang sakit non ah pero mas masakit ang tiyan ko kakatawa. Kasalanan ko bang magulat ako sa nakita ko at macurious sila sakin? Mga chismosa kasing tunay, nagagawa ng chika.

"Matutuwa sana ako kaso panget ng reaksiyon mo bwisit ka." inis na inis si Lesly at inirapan pa ako. Nag peace sign na lang ako sa kanilang dalawa.

"Oh eto, natagalan kasi spaghetti ang naisipan ko. Gumagawa pa si Manang ng hotcake pahintay na lang daw." sabi samin ng Mommy ni Lesly kaya naman nagpasalamat kami at lumabas na siya ng kwarto dahil tutulungan daw niya si Manang.

"There's a new rant." npaatingin kami ni Lesly kay Kyline. "Sa facebook. Crisha and her earthworms." sabi pa niya.

Nagpunta kami sa timeline ni Crisha kaso hindi ko na makita ang account niya.

"Nasan? Nagbago ba siya ng name?" tinignan sakin ni Kyline ang sinearch ko.

"Weak. Nakablock ka na hahaha. Wag na tayo magulat Lesly kung ibblock din tayo." sumisiring pang sabi niya samin.

Pinakita niya na lang sakin ang post ni Crisha at ang comment ng alagad niya. Sinabi niya kasi sa post na nag-uumpisa na naman daw akong mang-agaw.

"Kasalanan ko bang ipapahiram sakin yung jacket? Edi sana kinuha niya sakin para siya ang maglaba." sabi ko habang naiinis na rin pero kinikilig din habang naaalala ang nangyari kanina.

'Paano ko nga pala lalabahan to e naulan at wala ako sa bahay. Di to agad matutuyo.'

"Nagcomment ako kay Crisha sabi ko weak nambblock hahaha." tawa ni Lesly na nakipag-apir pa kay Kyline.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon