Chapter 7

32 7 2
                                    

Nahiga ako muli sa aking kama ng makabalik ako sa dorm. Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayong umaga.

Pagkadating namin ng Food hub ay dali dali kaming kumuha ni Adrellano ng pagkain. Mabilisang breakfast lang iyon. Pancakes and hot choco.

Nagulat ako ng tumambad ang mukha ni Mapple sa harap ko. Nakadungaw sya sa akin habang salubong ang mga kilay.

"What?" Tanong ko sa kanya. Sinilip ko ang orasan na nakapatong sa bed side table ko.

Napansin kong nakaready na si Mapple para sa pagpasok namin. I only have 45minutes to prepare.

Dali dali akong bumangon at kinuha ang aking towel. I took a quick shower, wala ng pang morning rituals at mas lalo akong matatagalan. For sure Mapple will wait for me at ayoko syang madamay sa pagka late ko.

Lumabas ako ng bathroom suot na ang all black uniform namin. Binlow dry ko saglit ang buhok ko para di ako mag mukhang basang sisiw.

Kumunot ang noo ko ng makita kong nakasandal sa pader si Mapple at naka krus ang mga kamay. Mukhang inaantay ang paglabas ko.

"Nag madali na ko para di tayo ma late. Wag ka na mainis ang aga aga." Ani ko sa kanya at kinuha ko ang aking satchel bag and coat.

Diretso akong naglakad patungo sa labas ng aming kwarto. Naramdaman ko ang presensya ni Mapple na sumusunod sa akin.

"Mapple anong problema mo?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong sumusulyap sulyap sya mula sa aking gilid.

"Kasama mo si Adrellano kanina?" Tanong nito sa akin. Tumango lamang ako bilang sagot.

Ngumuso sya na parang nagtatampo. "Why?"

"Ang daya daya mo! I'm your bestfriend tapos hindi ko alam na may ganap ka sa lovelife mo! Akala ko bulag ka! Akala ko walang dating si JT sayo." Pagmamaktol ni Mapple.

"What? Don't tell me you like Adrellano? Paano si Andrew?"

Nakita ko ang pag irap nya. "No! I admit, JT is so so so hot. Si Andrew friends lang kami."

Tuloy tuloy lang ang aming paglalakad patungo sa aming building ng mapansin kong nagbubulongan ang ibang mga estudyanteng nakakasalubong namin habang nakatingin sa amin.

"Problema ng mga yan?" Laglag pangang tumingin si Mapple sa akin.

"You mean hindi mo alam?" Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Ang alin?"

"Sa tingin mo paano ko malalaman na kasama mo si JT kanina?" Ngayon ko lang narealize yon ah. Paano nga ba?

She handed me her phone. Tumambad sa akin ang mga pictures namin ni Adrellano kaninang umaga.

He was sitting at ako naman nakatayo hawak hawak ang kanyang kamay. The other picture naman ay pareho kaming nakatayo ni Adrellano at hawak nya ang kamay ko habang nauuna syang maglakad.

The photos were posted at McKinley Confession Wall page. May caption itong: The Future Captain and The Volleybelle.

Napakaaga pa pero ang dami agad nakakita nong post. There are so many heart reacts and angry reacts. Napabuntong hininga na lamang ako, why are there people who give to much attention to such things?

Ibinalik ko kay Mapple ang cellphone nya.

"That's it?" Tanong nya sakin habang papasok na kami sa loob ng classroom.

Sinalubong kami ng mga blockmates naming nag kukumpolan. Napansin ko din ang pag ngisi sakin ni Kiro.

"Anong that's it?" Pabalik na tanong ko sa kanya nang makaupo na ko sa aking upoan.

Through Wattpad: FrustrationWhere stories live. Discover now