𝔠𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 3

51 6 0
                                    

Team Trese Nambawan
(4 members online)

Crispin
:HAHA! Crush ni Detective si Maliksi, uyyyy! :))

Reader
:Ano na naman ba to' Crispy

Crispin
:Nakita ko kasama mo si Maliksi habang na nunuod ng karera😌 <//3

Reader
:Eh kalaban nga ni Ate Alexandra si Maliksi sa karera🤦‍♀️ pano ko magiging kasama yun?

Crispin
:Eh sino yung nakita kong kasama mong kabayo? Ang haba nga ng buhok e' :/

Basilio
:Tinatawag mo ba akong kabayo, Crispin 🤨

Crispin
:Ikaw ba yon? Hehe sorry na Bro akala ko kabayo e' akalain mo yon? Sa sobrang gwapo mo pati kabayo kamukha mo, blessing yan Bro :3

Bossing
:Nailigtas ko na ang biktima, kailangan ko na kayo dito Basilio at Crispin

Crispin
:Ayos! Galing mo talaga, Ssob! :D

Bossing
:Saka na tayo mag usap, Crispin. Tapusin muna natin ang trabaho.

Basilio
:👀 Grabe, may premyo ba kami Bossing?!

Crispin
:Yun oh!

Bossing
:...

Bossing
:Salamat sa pagpunta, Detective Guerrero.

Reader
:Walang anuman, na andito ako para sa serbisyo

Bossing
:Kung ganon ay inaanyayahan kita na mag hapunan sa aming tahanan. Alam ko ang pagod mo ngayong araw kaya sana ay pumayag ka.

Reader
:Naku, pasensya na.. Babawi na lang ako sa inyo, kailangan ko pang magbigay ng pakikiramay sa mga pamilyang na apektuhan sa mga nangyayari ngayon.

Bossing
:Na iintindihan ko, bukas ang tahanan namin para sa'yo.



Detective Guerrero's POV

Pagkatapos ng karera ay na pagpasyahan ko munang umuwi sa aming bahay para mag luto ng hapunan namin ni erpats. Ayoko namang iwan sya ng walang mandang pagkain bago ako pumunta sa padalahan ng sulat upang magbigay ng kaunting tulong.

Tagkatapos kong mag luto, tinakpan ko ang pagkain sa hapag kainan. Sakto namang kakauwi lang din ni paps, pagkatapos kong uminom ay ibinaba ko na sa lababo ang baso saka lumapit kay paps para mag mano.

"Di ka na naman ba kakain?" tanong nya pagkatapos kong magmano. "Kailangan ko pa pong ihatid tong mga sulat paps" sabi ko at tumango sya. "Mag iingat sila sa'yo" sabi nya at tumawa, napangisi na lang ako.

"Hindi ko na ata kailangan pang sabihin na mag iingat ka sa daan dahil ang daan na ang mag iingat sa'yo, anak." wika nya at tinapik ang balikat ko. Tumango ako at isinuot ang trench coat ko bago ako sumaludo sa erpats kong mag isang kumakain sa hapag.

Sumakay ako sa jeep na nagpapatugtog ng touch by touch. Himala at ako lang ang tao sa jeep, mukhang takot na ang mga tao ngayong lumabas. Pagka dating ko sa padalahan ng sulat na walan ng kuryente saglit pero agad din namang bumalik.

"Weird" sabi ko sa sarili ko saka nagpatuloy sa paglalakad papasok. Bigla ko namang naka sabay si Hank na isang bartender dito, kilala sya ni Paps at Ate Alexandra.

Americana // Reader x Basilio // FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon