•72

2 1 0
                                    

"Two million." Anas na naman ng unang nagsalita

"Two point one million!" Animong naggigigil pang anas ng koryano habang nakataas ang isang kamay at nakaturo ang hintuturo sa kalangitan.

Bawat anas nila ay nagpapalakpakan ang mga tao na may iba't ibang reaksyon pa ng paghanga sa laki ng perang inilalabas nila.

"Two million and two hundred thousand.." mapang-asar pang aniya ng isa. Prente pa rin siyang nakaupo.

"Two point f-five million!" Lalong lumakas ang palakpakan ng lahat sa anas ng koryano at nakangisi pang siniringan ng tingin ang lalake na napa-iling iling lang sa kanya na animo'y pinagtatawanan ang kahayukan nito para lang makuha ako.

Bakas sa mukha ng koryanong ito na gusto niya akong makuha! Psh!

Babe, nasa'n ka na ba?

"Two million and six hundred thousand." Tumayo na ang lalake habang inaayos pa ang suot niyang suit.

Napatikhim naman ang koryano at napapikit pa sa inis bago magsalita.. "T-Two million and eight hundred t-thousand!" Nagpunas pa siya ng pawis na tumatagaktak na sa gilid ng mukha niya.

Tiningnan lang siya ng lalake at napa-make face sabay kibit balikat at muling umupo. Senyales na ayaw na niyang lumaban pa!

"Sold for two millipn and eight hundred thousand!! Mr. Cho, Ms. Coleen is yours.." nakangisi pang anas ng mcee at giniya pa ako papalapit sa koryanong nakabili sa 'kin.

Hindi ko na napigilan pang ipakita ang takot na nararamdaman ko dahil sa hayok na hayok na pagmumukha ng koryanong ito! Ilang beses pa niyang binasa basa ang labi niya gamit ang dila niya habang pailalim kung tumingin sa 'kin na animo'y hubo't hubad na ako sa paningin niya!

"Maeu yeppeuda.." nakangisi pang anas ni Cho nang makalapit ako sa kanya at maselang hinaplos ang balikat ko baba sa may braso ko!

*translation: so pretty..*

Putanginamo! Tanginaka! Gago!! Peste! Peste!! Amoy peste!!

"Neomu segsi hae... hahaha come to me lady!" At tuluyan na nIya akong sinakop ng yakap nIya!

*translation: so sexy..*

Gusto kong kumalas! Gusto ko siyang hambalusin! Gusto ko siyang duruin at pagmumurahin sa mismong mukha niya! Pero nakapalibot ang mga mayayamang tao sa 'min at na sa 'kin ang tingin ng nga kasamahan ko at ni Madam!

Maling kilos ko lang, ako ang mapapahamak.

B-babe...

Kanina ko pa gustong humagulgol sa iyak! Hindi na nawala ang takot sa katawan ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko!

Nang sa wakas ay pakawalan ako ni Cho ay mariin pa niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko habang nakangisi pa rin siya at marahang hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko!

Bagamat malambot ang pagkakadampi ng labi niya sa pisngi ko ay hindi ko maiwasang mandiri sa kanya! Nandidiri ako sa ginagawa niya!

Oo, hindi ito ang unang beses na may maselang ginawa sa 'kin ang isang lalake. Wala akong pake noon dahil bayad naman ako-- bayad rin naman ako ng isang 'to pero iba na ang sitwasyon ngayon. May boyfriend ako.. at siya ang inaalala ko ngayon.

May sinabi pa 'yung mcee na hindi ko na narinig pa sa lakas ng kabog ng dibdib ko! Mukhang nagbigay lang ng pagpapaalam para sa pagtatapos ng event ang mcee at isa isa nang mamatay ang ilaw sa stage!

Isa isa na ring nagsisitayuan ang mga kasamahan ko at ang mga lalakeng binili ang katawan at buhay nila!

Tahimik lang akong nagmamasid habang kasabay kong naglalakad si Cho na nakahawak pa sa bewang ko! Gustong gusto ko na talaga siyang bigwasan pero may mga kasama rin siyang security!

Here Without You (EUPHORIA series #4)Where stories live. Discover now