VERONICA'S POV
Nandito ako sa kusina ngayon , naghuhugas ng plato. Hindi dapat ako lalabas ng kwarto pero dahil ayokong maipunan ng hugasin , labas ako para maghugas.
Si Blaze naman , ayun nanonood na naman ng T.V.
"Nakakainis naman kasi. Napakatamad na , napakautusero pa." Bulong ko.
"What are you saying?." Saad niya sa tenga ko. Nandito na pala siya sa likod ko!!! Bigla akong nanigas , hindi ako makagalaw!
"W-wala."
"Are you sure?." Bulong niya pa.
"Ang kulit! Sabing wala nga!." Inis kong sabi. Dahan-dahan niyang kinuha ang sponge sa kamay ko. Akala ko tutulungan niya ako , yun pala pipigain niya sa Ulo ko!
"Arghhh! Why did you do that!?" Inis kong sabi. Tumingin siya sa akin na parang nagtataka.
"Your Voice is so very Familiar." Saad niya habang nag-iisip. Oh my!!!
Isip ka Veronica! Kung anong dapat mong gawin para hindi niya maalala.
"I-ipagluluto nalang kita ng R-red Veron Chocolate C-cupcake." Utal-utal kong sabi. Kumunot ang noo niya.
"Tss. Baka lasunin mo pa ako." Masungit niyang sabi at bumalik na ulit sa Sofa.
"Edi wag , sobrang sarap pa naman nun." Saad ko at nagpatuloy na ulit sa paghuhugas.
"Nagugutom na ako. Ipagluto mo na ako." Sigaw niya. Hindi ko siya pinansin.
"Hey! Do you hear me? I said ipagluto muna ako." Sigaw niya.
"Yuhuuu! Are you Deaf?" Sigaw pa niya.
"Hoy wala ka bang naririnig!"
"Panget!!!" Sigaw niya.
Natapos na ako sa paghuhugas ng plato pero sigaw parin siya ng sigaw. "Fine! Patikim na ako ng Red Veron Chocolate Cupcake na yan! Nagugutom na talaga ako!" Sigaw niya at biglang pumasok sa kwarto.
"Tss , paayaw ayaw pa , gusto din naman. Kala niya naman hindi ko siya nahuli kaninang nakain ng ginawa kong Cupcake." Natatawang bulong ko sa sarili ko.
Sinimulan ko na ang paggawa ng Cupcake. Sobrang naeenjoy talaga ako kapag ginagawa ko 'to. Pag nakaroon ng pasok magtitinda talaga ako sa School! Tiyak na madami akong kikitain na pera! Pag nangyari yun may panggastos na ako sa Araw-araw at pwede na ako ulit magrent kina aling marites!
Sana lang talaga may bumili. Sabi naman sakin ni Blaze , kada katapusan daw ng buwan ang sweldo ko. Kaya paniguradong makakaalis na ako dito!
Nilagyan ko ng Icing ang ibabaw ng bawat Cupcake.
"Hmm! Ang bango!" Saad ko.
"Tapos na ba? Ang bagal naman!." Sigaw niya. Nakakainis talaga ang lalaking 'to! Wala na ngang ginagawa dito sa Condo niya tapos hindi pa makapaghintay!
"Wait lang naman!"sigaw ko.
Wala na ngang ginawa maghapon ! Napakareklamador pa. Hay nako! Napakagwapo nga napakasama naman ng ugali!
Ay hindi pala siya gwapo! Che!
Nilagyan ko ng Toppings ang ibabaw. Buti nalang talaga naalala ko pa ang Paggawa nito. Tagal ko na rin kasing hindi naggawa nito.
Lumabas siya ng kwarto. Basang-basa ang buhok at katawan niya ,topless siya! May abs din pala at muscles ang lalaking 'to? Medyo payat siya pero may abs at muscle siya.
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Teen Fiction𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...