Jero's POV
*Alarm clock rings*
Hayyss inaantok pako. Kaimbyerna naman nito ang aga-aga mangbulabog. Anong oras naba?(sabay tingin sa orasan)
"Holy Shit. Malalate nakooo" sabay takbo sa banyo para magmadaling maligo.
Hmm. Ano kayang mangyayari sa unang araw ko sa SPES(special program for employment of students)? May makikilala ba akong maraming kaibigan don? Pero bahala na basta excited nako. First time ko kaya sa mga ganito. Tsaka may pera nako pagkatapos nito. By the way I am Jero Brios 19 years old and second year college nako sa pasukan taking up Business Administration. Summer ngayon Kaya imbis na maglakwatcha why not try something new. At least dito may magiging bagong kaibigan pako,may matutunan pako at higit sa lahat may sahod pa. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa tatrabahuan ko. Syempre andun na yung kaba. Baka first day ko magkamali pako pero di ako nag iisa. Andun yung mga kaibigan
ko. Si Mae at si Jay, solid tong dalawa natu ang sarap kotosan bitter Kasi ako. Alam nyo yun ako walang jowa tapos kasama ko mga walang hiya. Di joke Lang, supportive Kaya ako dun. Kapag nag aaway sila ako agad yung matatakbuhan nila, taga advice kunwari. Bakit ganun no? Yung Alam na Alam mong mag advice pero Wala kanamang experience well NGSB ako kaya nagtataka nga ako eh Kung saan ko nakukuha yung hugot eh di kopanaman yun naranasan.
So nandito nako andami na pala nila. Yung iba kilala ko na pero di ko close, yung iba naman kilala ko Ang mukha pero di ang pangalan. Kaya hinanap ko na Ang dalawa baka Kasi naghaharutan na naman yun. At ayon nga di nga ako nagkakamali.
"Huyyy ang aga-aga . Ang sakit nyo na sa mata." Ako habang naka crossed arms.
"Uyy andyan kana pala. Di namin Alam. HAHAHA" Mae habang tatawa.tawa
"Eh Kasi naman Kung magsama kayo parang kayo lang dalawa. Daaah."
"Maghanap kana kasi para naman di kana bitter." Jay habang tinapik.tapik pa Ang balikat ko. Tinabig ko nga hehe atsaka nakiupo narin.
"Ano pala pipiliin natin?" Tinutukoy ko yung mga gagawin namin. Bale pinapipili Kasi kami Kung Ano yung gagawin like plastic recycling, hanggang sa makabuo ka na ng isang unan na gawa sa plastic. Paper recycling, yun yong gugupitin mo ng maliit pero mahaba(HAHAHAHA YUNG UTAK KOOO) hanggang sa maging parang kurtina na. Basta yun na yun. Plastic bottle Kung saan gagawa ka ng isang bulaklak. At lahat ng Yan ay gagawin namin pero pipili kami ng isa na maging Permanente naming grupo.
"Dun nalang tayo sa plastic recycling." Sabi ni Mae.
"Dun ako Kung saan ka." Jay sabay kindat.
"Langya hanggang dito ba naman. Hali na nga kayo nakakawalang gana kayong dalawa eh!" habang sabay naming tinahak ang grupo na pipiliin namin. At ayun nga nasa may pintuan na kami ng may makabangga ako.
"Shit. Sakit nun ah!" Sabay Sabi ko. Eh Kasi naman ikaw ba naman biglang banggain, Ang sakit tuloy ng balikat ko.
"Hala sorry. Ok kalang?" Yung mama. Pake nyo ba Kung mama tawag ko sakanya, eh sa Hindi ko kilala eh.
"Mukha ba akong okay? Tatakbo takbo pa kasi eh Alam mo namang maraming tao. Tch." Habang nakasimangot. Taena Ang sakit talaga. Ang lakas ba naman ng pagkabangga.
"Sorry na. Nagmamadali Kasi ako dahil late nako. Sorry talaga huh? By the way, Leo nga pala, Leo Luendel." Sabay abot ng kanyang isang kamay para makipag shake hands.
"Tss. Sorry pero Wala akong pangalan." Eh sa badtrip ako ehh. Kapag talaga bad trip ako wala akong sinasanto. Kaya ayun tinalikuran ko sya. Bahala syang mangawit dyan. Pero infairness ganda ng pangalan pero mas maganda Lang yung akin. HAHAHAHAGime's Note: kindly vote and comment po para ganahan mag UD si ako. Tanchuuuu😉. Lovelots ❤️✨
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
RomanceThis is a BL story. Sana suportahan niyo bago lang po kasi ako sa Wattpad world. And also subaybayan niyo po ang kwento ni Jero at Leo. Lovelots❤️✨