Christmas Day!!!
Dec2012
Omg! Christmas naaa. Im so excited talaga tuwing dadating tong 12/25. Ang saya saya lang! Gusto kong maging bata ulit. Mag eend of the world na after... Oopps. End of the year pala. Mehehe~
Its 6o'clock in the morning palang pero goodvibes na goodvibes na ko! Sana tuloy tuloy hangang midnight! :) Kaya naligo na ko at nag ayos ng sarili.
7:35am lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Binati ko ng "MERRY CHRISTMAS" sina Kuya, Mama and Papa.
"Mukang maganda ang gising ng baby namin ah..." Si Mama. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Di naman obvious na excited ka huh? Naka bihis ka kaagad? Hahaha!" Si Kuya.
"Papa! Si Kuya nga oh..." Pag susumbong ko kay Papa. At tinawanan lang ako. -_- Dat kay Mama ko nalang pala sinumbong.
"Baka ayaw mo lang tumulong dito sa pagluluto? Kaya nag bihis ka agad..." Si Kuya. May pangaasar ng ngiti na gumuhit sa kanyang labi.
"Onga 'noh?..." *Giggle* "...ikaw Tin ahh. Totoo ba yun?" Ginatungan pa ni Papa itong si Kuya.
"Haynako! Ewan ko sa inyong dalawa!" Nag pout ako. Kase naman eh. Gusto lang talaga akong bwisitin ng kuya ko. Asar eh!
"Tin!!!"
"What?" Inis kong sabi.
"Kung naaasar ka na sakin... Wag kang mag alala... INTENSYON KO 'YON!" *Laugh*
"Ugggh! Tse." Inirapan ko lang si kuya. Napaka eh. -_-
"Anton... Tigilan mo na yang si Tin. Mag focus ka sa niluluto mo." Pag tatanggol sakin ni mama at binelatan ko si Kuya. Hahaha!
Halos limang oras sila Mama at Kuya sa pag luluto. Si Papa naman nag aayos ng mga decoration sa sala. Yung mga regalo sa ilalim ng christmas tree inaayos na din ni Papa. Oo nga pala, kaya si Kuya ang katuwang ni Mama sa pagluluto kase culinary ang course ni kuya kaya madami syang alam sa pag luluto. Ako naka tayo sa pintuan namin inaantay yung mga bisita.
Natapos din sa pag luluto si Mama at si Kuya. Ang dami nilang niluto... Madami dami akong kakainin mamaya. *evil laugh* Inayos na nila yung mga niluto nila sa lamesa...
12:34am Unti unting dumarating yung mga bisita... Yung mga inaanak ni Papa tsaka ni Mama, nag sisipunta na sa bahay.
5:20pm medyo wala na masyadong pumupunta sa bahay. Nasa sala ako ngayon at nag hihintay. May hinihintay akong bisita. Nasa dining area yung mga classmate at kaibigan ni Kuya. Nasa kusina naman yung mga amiga ni Mama at nasa garden naman sila Papa at nag iinuman.
9:06pm Umuwi na bisita ni Kuya pati ni Mama kaya nasa sala na din sila at nanonood.
"Baby... Di pa ba dumadating bisita mo?" Si Mama.
"Di pa po mama eh... Hintayin ko nalang ng 20mins. Baka natraffic lang eh." Tumango lang si Mama.
"Di na dadating yun." Pang aasar ni Kuya. Inirapan ko sya. "Itext mo kaya..." Dagdag nya.
"Natext ko na. Tinadtad ko pa. Ayaw sagutin yung mga tawag ko..."
"Wag mo kaseng hintayin kaya di dumadating eh..."
"Tss..."
10 minutes...
Wala padin... Baka malapit na! :) be POSITIVE!
15 minutes...
Wala padin... Darating pa kaya yun? Sayang naman yung hinanda ko sa kanya.
20 minutes...
Hayss. Hands up na ko... Di na talaga sya darating. :( Nakakalungkot naman. :(
"Ma! Akyat na po ako. Goodnight Ma, Kuya..." Tumango lang si Kuya. Busy sa pag lalaro ng PSP nya na regalo ni Papa sa kanya.
"Are you okay baby?..." Tumango ako. "Goodnight" kiniss nya ko sa noo.
10:30pm Nasa kwarto na ko at kasalukuyang nag bibilang ng perang napamaskuhan. Naka 3.7k pala ako. Not bad... Ang laki na din nito...
Hayss. Roy sana manlang tinext mo ko kung pupunta ka ngayon o hindi para di na ko umasa sa wala. Sana kaninang umaga palang. :( Di mo pa ko binabati ng merry christmas... Text mo naman ako o kaya ichat mo ko. :( Yung Gift ko sayo gusto kong buksan mo iyon sa harap ako. :(
Mga ilang minuto lang nag ring yung phone ko at lumabas ang pangalan ni Roy... Napatayo ako sa sobrang excitement. :)))))
"Omg babe! I miss you na... San ka na ba? Natraffic ka ba? Kanina pa kita inaantay. Nag aalala na ko sayo. You dont even texted me.Yung pagkain mo na hinanda ko malamig na. Yung gift ko sayo hawak ko ngayon. Sana oka---"
"Uhh... Sorry ma'am. Si Miss Tin po ba 'toh? Yung may ari po kase ng cellphone na to nandito sa Hospital critical ang lagay..."
Di ko na narinig yung ibang sinabi nung babae sa kabilang linya. Bigla nalang akong napaupo sa kama at humagulgol ng iyak.
Bakit? Bakit nangyari sakin to? Bakit si Roy pa? Bakit ngayong Christmas pa? Bakit! "Bakit!!!" Nasabi ko ng pasigaw.
Nasa hospital kami ngayon. Hinihintay lumabas yung doctor. Nandito sila Tita at Tito yung magulang ni Roy. At nandito din yung kapatid nyang mas bata sa kanya. Kasama ko sin dito si Mama.
Iyak ako ng iyak. Di ko kinaya yung nalaman ko... Napayakap nalang ako sa kapatid ni Roy. Umiiyak padin ako. As in iyak...
Nabunggo yung kotse ni Roy sa isang poste dahil biglang may tumakbong bata sa highway para kunin yung bola na napunta sa gitna ng kalsada. Iniwas ni Roy yung kotse sa bata at tumama yung kotse nya sa poste sa gilid ng highway. At kung titignan mo yung unahan ng kotse... Yung driver seat kung saan sya nakaupo... May mga bakal na naka tusok sa harapan ng kotse... Parang wala talagang mabubuhay...
Lalo akong humagulgol sa iyak nung naalala ko yung nangyari sa kanya. Natigilan ako sa pag iyak nang lumabas yung doctor mula sa ER. Malungkot na muka....
"Sorry. Ginawa na namin lahat pero ang daming dugo na nawala sa kanya at... Nahirapan din kami sa pag tanggal ng bakal sa dibdib nya na malapit sa puso. Sorry pero he's gone..."
Tuluyan akong naiyak sa sinabi nung doctor. Umiiyak na din sila... Bakit? Ganun? Kanina lang ang saya saya ko... Tapos biglang ganto pala? Totoo nga yung sinasabi nila na kapag masaya ka ngayon kinabukasan may kapalit. Bakit ganto yung kapalit? Bakit? Ang sakit sakit. 3years na sana kami sa 27. Bakit? Bakit? Bakit!!!
4years ago after nung naaksidente si Roy. Medyo nakaka moved on na din ako sa pag kawala nya. Nandito ako ngayon sa puntod nya.
"Hi Babe, alam mo bang ang kulit kulit na ni Yro... Hahaha! Manang mana talaga sya sayo! Kamukang kamuka mo pa. Lahat ata nakuha nya sayo eh. :3" tumahimik ako. Himangin. Alam kong nasa tabi ka namin palagi Roy. "Baby Yro! Come here. Kausapin mo si daddy mo! :)" tawag ko sa baby namin ni Roy.
Oo anak namin ni Roy... Kase nung pumanaw sya 5weeks na akong buntis nun. At yung ultrasound picture dapat ang gift ko kay Roy nun, nung araw na pumanaw sya. Kaya sobrang mahal na mahal ko tong si Yro eh. :) He's only reminds me of Roy.
"Hi Daddy! Kelan tayo mag lalaro? Miss na kita daddy! :))" sabi ni Yro na may ngiti sa muka. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Yro yung tungkol sa daddy nya. Masyado pa syang bata para maintindihan ito. Sa tamang panahon nalang.
Roy Plardin, mahal na mahal kita. :)