𝔠𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 4

42 6 0
                                    

"Na miss kita, loser" sabi ni Damiano pagkatapos nya akong yakapin. "Damiano? Kelan ka pa nakauwi?" sabi ni Paps na kakarating lang dito sa presinto, may dala-dala pa syang pandesal at medyo haggard dahil sa pag byahe. "Kahapon lang po tito, medyo na traffic pa nga po e" sagot ni Damiano. Tumangkad pa lalo tong' si Damiano at lalo pang pumuti. "May balak ba kayong lumabas ng anak ko? Pwede ko muna syang i'absent ngayong araw para makapag bonding naman kayo. Matagal-tagal na rin simula nung magkasama kayo" sabi ni Paps pero kaagad akong umiling.

Kakapasok ko lang ng trabaho mag-aabsent agad ako? Di naman pa VIP tong' si Damiano. Di pa naman sya mamatay kaya marami pa kaming panahon para makapag bonding. Oo, alam kong di pa mamatay tong' si Damiano. Na aamoy ko na masamang damo sya kaya immune sya sa kamatayan. "Pero anak-" mag sasalita pa sana si paps buti na lang may tumawag sa hotline ng station. Yes!

"Cap Guererro, may crime scene po" sabi ni Sargeant Tapia kaya napangiti ako. Di naman ibig sabihin non na masaya akong may krimeng nangyayari, kundi may excuse ako para makapag trabaho ako. Ibinaba kaagad ni paps yung tinapay nya sa desk nya at nagmadaling pumunta sa kanilang police car, syempre na ka sunod ako sa kanya. 

Hinarang ako ni Sargeant Tapia papasok sa kabilang police car. "Sabi ni Cap, wag na daw po kayong pasamahin" sabi nya habang seryosong nakatingin sakin saka dumako sa likuran ko. "Detective ako, dapat kasama nyo ako" pangangatwiran ko sa kanya. Yung ibang mga police car ay humarurot na paalis habang kami na andito parin. 

"Yun po ang order ng Captain, Detective" sabi nya at sumakay na ng kotse. Na pabuntong hininga ako ng makaalis si Sargeant Tapia. "So, can we go to Mall of Asia now?" tanong ni Damiano na nakasunod pala sakin. Eto na nga ba ang sinasabi ko kapag na andito tong' si Damiano e'

"Damiano, sorry ha pero may trabaho kasi ako. Priorities" sabi ko ng may pagmamakaawa. "Alam mo, Tito can handle it on his own. Tsaka di na naman masyadong kailangan ng mga detectives sa panahon ngayon" sabi nya at halatang confident sa sinasabi nya. Kinuyom ko ang kamao ko ng marinig ko yun sa kanya, hindi ako nag aral ng napakatagal para lang sabihan na hindi ako kailangan sa serbisyo. 

"Do you have a car?" tanong ko. "Yes, pero hindi sya ganon ka bilis. Iniwan ko yun sa classmates ko bago ako umalis." sabi nya kaya tumango ako. "Okay deal, you'll spend your day with me. And we need your car" sabi ko kaya napangiti sya. "Yes! Alam kong malakas ako sa'yo e'." sabi nya. 

----------------

"Sa kaliwa," sabi ko sa kay Damiano kaya kumaliwa kami. "Saan ba tayo pupunta ha?" tanong nya. "Basta, surprise..." sabi ko. Nang makarating kami sa location ng crime scene lalabas na sana ako ng biglang maglock yung pintuan. "This is not a good place to start our day, " sabi ni Damiano habang tinitignan ang nagkalat na mga police car. 

"Damiano, palabasin mo ako!" sigaw ko sa kanya habang pilit na binubuksan ang pintuan palabas. "I don't like here, tara na lang mag mall" sabi ni Damiano at hindi pinapansin ang mga sinasabi ko. Mag u-turn na sana kami ng biglang harangin ni Basilio ang sasakyan dahilan ng paghinto ni Damian sa pag drive. Dahil hindi masyadong tinted ang salamin kita nya ako, at kita ko ang nagaapoy na tingin ni Basilio kay Damiano. 

"Sino naman to'?" tanong ni Damiano saka binusinahan si Basilio na nakapamulsa pa habang nakatayo. Lumapit si Damiano sa bintana ko kaya binaba iyon ni Damiano, kita ko ang pagbago ng ekspresyon ni Basilio ng makita ako. "Uy, Commander! Ang tagal mo dumating, hinahanap ka kanina pa ni bossing" sabi nya. "Salamat pala sa paghatid kay Commander, tara na Commander Guererro" wika ni Basilio. 

"What? Hell no, we're going somewhere. Nag leave sya kaninang umaga" sabi ni Damiano. Kanina pa to' ah. "Excuse me, di ako nag leave!" sabi ko. "Ano meron dito, kambal?" tanong ni Crispin na nakatayo na sa bintana ni Damiano, kita ko ang pagkagulat nya ng makita si Crispin. 

"She doesn't like here, bud" sabi ni Damiano. "No! Let me go, Damiano" sigaw ko pero patuloy parin si Damiano sa pag paandar ng kotse. Bakit ba kasi ako pumayag na sumakay sa kotse nya?

"Di ka ba makaintindi ng no? Sabi nya nga no eh! No means NO!" sigaw ni Basilio mula sa labas. Papaandarin na sana ng mabilis ni Damiano ng biglang magbagong anyo sina Crispin at Basilio sabay tutok ng baril sa kay Damiano. Na pahinto na sya saka binuksan ang lock ng pinto. Pagkabukas ko ng pinto hinawakan ni Basilio ang siko ko at dahan-dahang nilapit sa kanya. 

"Marunong ka naman pala sumunod pare e' edi sana di na umabot sa ganito" sabi ni Basilio sa kay Damiano. Mukhang natakot si Damiano sa nangyari kaya pinaharurot nya ang kotse nya palayo. "Bastos yun ah!" sabi ni Crispin habang papalapit samin. Napailing si Basilio habang nagbabagong anyo. 

"Ayos ka lang, Commander?" tanong nya. Tumango ako saka inayos ang damit, buti na lang at nakita ako ni Basilio. Pumunta kami sa crime scene at pinanood ang pag iimbestiga nina Paps at Ate Alexandra, sumandig ako sa hood ng police car habang malalim ang iniisip ko. Nawala ako sa huwisyo dahil sa nangyari kanina, ni hindi ko nga napansing na sa tabi ko na pala si Basilio at inaalok ako ng tubig. 

"Earth to Commander" sabi nya sakin. Kinuha ko ang bote ng tubig at uminom. "Di ka naman ayos e'." sabi nya. "Ha?" tanong ko. "Di ka naman ayos kausap," sabi nya na may bahid ng konting galit. Nakatingin sya sa kung saan, siguro na inis sya kasi di nya ako makausap ng ayos. 

"Sorry.." sagot ko. "Sabi ko intayin mo ako kanina para mahatid kita pero tinakbuhan mo ako, you don't keep promises" sabi nya, mas lalo tuloy akong na guilty. "Pero ayos na rin naman nung makaalis ka, dumating si Bagyon Lektro tapos sinira yung bahay namin" sabi nya. 

"Okay na di ka na saktan don.." sabi nya. "Galit ka ba sakin?" tanong ko kaya napatingin sya sa akin. "Hindi noh, di ko naman kaya magalit sa'yo. Kasi mas na uuna yung pag apoy ng puso ko kapag titingin ako sa'yo" sagot nya na para bang nagsasabi sya ng totoo. 

"Muntik mo na akong mapatawa, buti na pigilan ko" sabi ko sa kanya kaya napakunot ang noo nya. "Totoo tong' sinasabi ko kahit di ka na niniwala" sabi nya habang nakatingin parin sakin na may halong tampo. "Detective Guererro? Akala ko kasama mo si Damiano" pag putol ni Paps sa tensyon na nararamdaman ko. Mukhang tapos na ang pag iimbestiga nila, mukha ngang di naman nila kailangan ng Detective sa team. 

"Paps naman e' ayoko nga kasing kasama si Damiano" sabi ko sa kanya na may konting tampo. "Pinsan mo yun, ano bang problema? Dalawang taon syang na wala tapos ganyan ang pag tangkilik mo sa kanya? Be professional " tanong nya na may mataas na tono. Medyo nahihiya na ako kasi na andito parin si Basilio at pinapanood kami. 

"Sa pagkaka alam ko professional ako paps" sabi ko ng mahinahon. "Then act like one! Manunuluyan muna sa atin si Damiano for the mean time" sabi nya. "What? Pumayag kayo?" inis na sabi ko. 

"Bakit ka ba ganito, Detective?!" sigaw nya. Nakatingin na samin ang lahat ng mga tao. Hindi nya din ako tinatawag sa pangalan ko, this means pinapagalitan nya ako as a co-worker at hindi nya ako iniintindi bilang anak nya. "You don't understand.." mahinahon kong sagot, pimipigilang umiyak sa harap ng maraming tao.

Just because that damn cousin of mine is here doesn't mean he can boss around us! Ni hindi nakikita ni paps tong' ginagawa nya. He's out of his body!

Umalis na sya sa harapan ko kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Mainit ulo ni Cap ah" sabi ni Crispin kay Basilio. "Detective, kung maglalayas ka. Bukas ang pintuan sa likuran ng bahay namin" sabi ni Crispin kaya napangiti ako saka tinapik yung dibdib nya. "Ayos yun ah" sabi ko at inirapan sya.

Notice:
(credits to the owner of the picture)


Americana // Reader x Basilio // FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon