Pagkatapos naming mag-agahan ay tinulungan ko si Astriel na maghugas ng mga pinggan habang ang mga bata ay nasa sala at manonood daw kuno sila ng cartoons.
Pareho kaming walang imik hanggang sa lumipas ang sandali at basagin ni Astriel ang katahimikan.
"Kamusta ka na?, nagkita ba kayo ng kapatid ko?" pinigil kong maluha ng maalala ang tagpo kahapon sa parking lot at dito mismo sa kusina.
"oo nagkita kami" bumuntong hininga ako kaya napatingin siya sa akin.
"hindi naging maganda ang pagkikita nyo?, umepal na naman ba si Xie?" tanong nito na parang naiinis.
"ako yata yung umepal," tuluyan ng tumulo ang luha ko ng maalala ang tagpong iyon "Astriel, hindi nya ko naaalala" agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang manggas ng suot kong three fourth at pekeng tumawa "ano ba yan!, nakakainis naman, ang babaw ng luha ko pagdating sa kanya" tumawa pa ako pero si Astriel ay seryoso lang na nakatingin sa akin...
senyales na hindi siya natutuwa sa asal ko at sa asal ng kapatid niya.
"hindi kasi tamang ako ang magsabi sa'yo ng lahat dahil ayoko'ng pangunahan ang kapatid ko" bumuntong hininga siya at muling nagwika
"matatapos din ang lahat, yung lahat ay magiging masaya, if you want to chase him then go and chase him, but if he hurts you, i swear I'll break his bone, kaya don't be sad, Ate Astriel is here"Hindi ko alam kung talaga bang tanga ako o marupok lang talaga pagdating kay Castriel .
Dahil papunta ako ngayon sa kompanya na pinapatakbo na niya ngayon na dati ay sa daddy niya para dalahan siya ng tanghalian.
Napatingala ako at napangiti dahil sobrang tayog ng building, simula ng maging isa akong ina ay nalilimitahan ang gusto kong gawin'kaya kahit na gustong gusto ko ay hindi ko magawa dahil may inaalagaan akong limang anghel noon at nadagdagan pa ng isa ngayon
akala ko dati na ang katagang "enjoyin mo ang buhay mo habang dalaga ka pa dahil kapag isa ka ng ina malilimitahan na lahat ng gagawain mo" ay hindi totoo pero noong maging ina ako yon na lang ang pinanghawakan ko dahil sinapol ako ng katagang iyan simula ng ipagbuntis at ilabas ko ang lima.
Malaya akong nakapasok sa kompanya at medyo naguguluhan din ako dahil lahat sila ay yumuyuko kapag nakakasalubong ako o kaya naman ay binabati ako ng magandang araw kaya lahat sila ay nginingitian ko.
Kung may nagbago man sa ugali ko noong wala pa akong anak at ngayon...
Mas natuto akong ngumiti ngayon kaysa noong palagi akong seryoso at nakabusangot.
Nang makarating ako kung nasaan ang opisina ni Castriel ,kinakabahan akong kumatok sa itim nitong pintuan na may nakasulat na "CEO's Office"
Walang sumagot at hindi din naman naka lock kaya pinihit ko ang doorknob at nagulat sa aking nakita.
Naramdaman ko ang unti-unting pagdaloy ng kirot sa puso ko,
Nagulat sila ng dahil sa akin kaya sila na ang nag decide na putulin ang halikan nila.
Xieralizabeth Atienza...
ang pinsan kong kaagaw ko sa lahat.
"Cryaier" pagtawag sa akin ni Castriel, nginitian ko siya para ipaalam na okay ako, im not an Atienza Nam for nothing.
"who are you?" malanding saad naman ng isang babaeng halos magluwaan na ang suso sa sobrang bulgar ng damit niya.
"oh? andyan ka pa pala?, akala ko wala ka na?" nginisihan ko siya, hindi ko pinansin ang pagsaway sa akin ni Castriel.
"you b*tch!" galit na saad nito.
"you witch" nakangising saad ko dito na mas lalong nagpainis sa kanya.
"how dare you!" sigaw nya at akmang sasampalin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang palapulsuhan niya at gigil na pinisil ito, kita ko sa muka niya ang sakit, kaya mas lalo ko itong hinigpitan.
"sa susunod, wag puro suso ang pairalin ha, may utak ka naman siguro, kahit gagamunggo, yang kalakihan ng fake mong suso edi sana sa utak mo na lang nilagay, Xiera" rinig ko ang impit na daing niya, naawa naman ako kaya pabato kong binitiwan ang kamay niya at bumaling kay Castriel na nagugulat pa rin hanggang ngayon.
"tsh" angil ko tyaka pumitik sa may muka niya, halata ang gulat niya pero pinanatili niya ang malamig niyang tingin tyaka bumaling kay Xiera na namimilipit sa sakit.
"are you okay?" tanong niya nang daluhan ang babaeng iyon
"babe she hurts me" pagpapaawa neto
"kasi nga gagamunggo yang utak mo!" pagsabat ko dito.
"pwede ba Cryaier!,ayusin mo yang basura mong ugali!, grow up woman! anim na ang anak mo!" hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga salitang binitiwan ni Castriel, sa isang iglap naramdaman kong nasa sahig na ang lahat ng pinaghirapan kong iluto.
"gusto lang naman kitang dalahan ng lunch-"
"who cares! pwede ba?! kung may dangal ka pang natitira dyan sa sarili mo, umalis ka na dito at tigilan mo ang paghahabol sa akin!, alagaan mo na lang yung mga anak mo!" pinigilan ko ang mga luha ko at muling nagsalita
"pero, anak mo din sila Castriel" mahinang saad ko, sapat lang para madinig niya
"sigurado ba akong akin Cryaier?,imposibleng mabuntis kita in just a one night stand"
"Castriel..."
"get out" nagmamakaawa akong tumingin sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin.
"mahal mo pa ba ako Castriel?" kahit kaunting pag asa lang umaasa ako sa kakaunting pag asa na sana ako pa rin.
"bakit mo ba inisip na mamahalin talaga kita Cryaier?, akala ko ba matalino ka?, nasan din ang utak mo?" hindi ko na natiis ang lahat ng sinasabi niya at tumakbo ako palayo sa building na iyon, hanggang sa makarating ako sa parking lot, napahawak ako tuhod ko at humagulhol na parang bata, hanggang sa may yumakap sa akin, amoy pa lang ay alam ko na kung sino..
'Davon'
"umiyak ka lang, umiyak ka lang hanggat gusto mo, nandito ako Cryaier, hindi kita pababayaan," mas lumakas ang hagulhol ko, at mahigpit na napayakap kay Davon.
"Davon, akala ko totoo ang lahat" nanghihinang saad ko habang umiiyak..
"akala ko mamahalin niya din ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya"
ngunit ang lahat ay akala ko lamang pala
TO BE CONTINUED....