𝔠𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 5

49 4 0
                                    

Alasdose na ng gabi pero rinig ko parin yung tawanan nina Paps at Damiano sa salas. Naka lock ang pintuan ko at mag isang pinapanood yung buwan sa bintana ko, para na naman akong bata na nagmamaktol pagkatapos pagsabihan.

Pero minsan lang naman ako magtampo.

Napansin kong may papalapit na bulto na nakalutang. Oo, galit ako pero may time ako para matakot, kinuha ko kaagad yung baril ni paps na tinatago nya sa kwarto ko incase of emergency. Tinutok ko ito dun sa papalapit pero huminto ito.

"Sige iputok mo lang, Commander!" rinig kong sigaw ni Basilio na nakatigil ngayon. Napabuntong hininga ako ng malamang si Basilio lang pala yon. Nang makalapit ito ng tuluyan naupo sya sa hamba ng bintana ko at ibinaba ang dala nyang paper bag.

"Bakit ka na andito ng ganitong oras? Lagot ka kay paps kung makikita ka nya ngayon sa kwarto ko. Off limits ang mga lalaki dito." banta ko sa kanya.

"Napunta ako dito para tignan ka at maninigurado lang sa batas mong off limits " sabi nya. Napansin kong itinali nya ang buhok nya pero magulo parin, bagay naman sa kanya ang messy hair. Gwapo parin naman.

"Kaya ko naman ang sarili ko. Di mo naman kailangan pang bantayan ako, wala ka bang tiwala sakin?" tanong ko sa kanya. "Sa'yo meron, pero dun sa Damiano wala." sagot nya. Mapagbiro talaga tong' si Basilio. "Ano ba yang dala mo?" tanong ko sa kanya.

"Tignan mo, Commander!" masaya nyang sabi at pinanood akong buksan ang paper bag. Kinuha ko ang kuwintas na may itim na bato. Tinitigan ko ito bago mapadpad ang mga mata ko sa tingin nya.

"Isa yang charm para lagi kang safe sa mga bad energy. Pwede mo din yang gamitin pang tawag sakin kapag may kailangan ka, paluin mo lang ng tatlong beses ang sahig at nandito na agad ako" sabi nya.

"Bakit mo naman ako binigyan ng ganito?" sabi ko saka sinuot ang kuwintas.

"Kontrolado ko ang kuwintas na yan kaya di mo na ako matatakbuhan ulit." wika nya. "Wala naman akong maibibigay sayo pabalik" biro ko. "Di naman ako na hingi ng kapalit sa pagbibigay ko nyan." dagdag nya.

Humikab ako dahil nakakaramdam na ako ng antok, "Mukhang antok ka na, mabuti pa kung umuwi na ako. Magpapanday pa kami ni Crispin dahil sira parin yung bubong namin" sabi nya at umalis sa pagkakaupo sa hamba ng bintana ko. "Ngayong gabi?" tanong ko at tumango sya.

"Oo, teka.. Bakit may bawang dyan sa gilid ng bintana mo?" tanong nya sabay turo sa bawang na nakasabit sa bintana ko. "Para di ako pasukin ng Aswang, mas okay na protektado" sabi ko. Napangiwi sya, "Kaya naman pala na iinis ang ibang Aswang na pumunta dito, bawang pala ang pang welcome nyo sa kanila. Di nyo manlang ginawang adobo" sabi nya sabay tawa.

"Sige ingat, Commander. Sana maging okay na kayo ng erpats mo" sabi nya at kumaway bago umalis. Sana nga, Basilio. Sana nga...

--------------

'Goodmorning Commander!' yan ang text na bungad sakin ngayong umaga galing kay Basilio. Kakatapos ko lang maligo kaya may nakatapis pang tuwalya sa buhok ko.

Na sa harap ako ng computer ko at nagbabasa ng mga article at balibalita tungkol sa nangyaring pagkamatay ng doktor. Nagsisilipanan na ang mga haka-haka mula sa mga tao.

In'update naman ako ni Crispin sa nangyari, may koneksyon ang doktora at si Nova Aurora.

Bumaba ako papunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Hinigpitan ko ang bathrobe ko at kumuha ng malamig na tubig sa Ref. Sina paps at Damiano naman ay kumakain na ng agahan, "Hindi ka ba kakain, cous?" tanong ni Damiano. Hindi na lang ako sumagot at tumaas na ulit sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pintuan ko napa sigaw ako sa takot, alam kong narinig din iyon nina paps at anumang oras ay tataas na ang mga yon dito. Pumasok ako saka ni lock ang pintuan.

Americana // Reader x Basilio // FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon