Prologue

1 0 0
                                    

I know my place in his life. I know where I stand and limitations. Bata pa lang ako tinuruan na akong lumugar sa buhay and there's no place for mistakes. Kailangan sumusunod ako sa lahat ng inuutos sa akin, dapat laging 'oo' ang sagot ko.

I can't say 'no' din naman lalo na kapag galing sa Daddy ko ang nag-utos. Kaya naman when he asked me to get married in young age, without thinking twice I said yes.

Papasok ako sa mundo ng pagaasawa na walang kaalam-alam kung sinong poncio pilato ang makakasama ko. Kung mabait ba siya? Maalaga? Gentleman? O katulad lang siya ng lalaking minsang mataas ang tingin ko.

Nung una ko siyang nakita, halos huminto ang mundo ko dahil ang lalaking minsan kong hinangaan ay ang makakasama ko pala habang buhay. Pero hindi ko inakala na kung anong ganda ng mukha niya kabaligtaran naman ng pag-uugali niya sa AKIN. Oo, sa akin lang.

I'm just a tool for him to get what he wants.

Nung araw nang kasal namin akala ko maayos ang unang pagsasama namin kahit alam kong wala naman siyang interes sa akin at wala akong balak na ipilit ang sarili ko sa kaniya kasi ginamit lang naman ako ng sarili kong pamilya. His Dad needs my Dad and my Dad needs his Dad.

Tinatanggap ko ang pananakit niya nang wala naman dahilan. Ang tanging alam ko lang naman ay galit siya sa akin dahil iniwan siya ng first love niya. Iniwan siya dahil ipinilit siya sa akin ng Dad niya. Gustuhin ko man makipaghiwalay hindi pwede dahil ayaw ko magalit si Daddy sa akin.

Satuwing lasing siya at nakikita niya ako lagi akong may pasa kinaumagahan. Takot kaming lahat sa kaniya dito sa bahay. He treated me like maid whenever his friends are here. I have to play deaf and mute when he bring girls here to fuck.

Tulad ngayon, disoras na ng gabi at puro ungol ang naririnig ko sa kabilang kwarto. Kaya naman nanuod na lang ako ng TV para hindi marinig ang ungulan nila. I have to endure it for an hour or two matatapos din sila at mapapagod.

Nasa kalahati na ako ng pinapanuod ko nang mauhaw ako kaya I paused the movie. I noticed na natahimik na sa kabilang kwarto, siguro tapos na. Kaya naman kinuha ko na ang cellphone ko at napagdesisyunan ko ng lumabas. Nasa dulong parte ang kwarto ko at madadaanan ang master's bedroom kapag pababa ng hagdan. Bungad kasi pag-akyat ay ang pinto ng master's bedroom.

Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng maiinom at makakain. Sinigurado kong wala akong ingay na magagawa dahil mahirap na kung magigising si Theo. Maingat akong lumabas ng kusina na ultimo paglangitngit ng pinto ay iniingatan kong tumunog.

To my horror, Theo is leaning at the partition of the dining area. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang mga dala ko at nabasag ang platito at pinggan.

"S-sorry. Kumu...kumuha lang a-ako ng tubig" sabi ko.

Nakailang hakbang lang siya papunta sa akin at agad hinila ang buhok ko.

"What did I fucking told you?!" his voice roared around the house.

"Sorry... p-please... Iinom lang naman ako" nanginginig ang boses ko.

Hinila niya patingala pa lalo ang ulo ko. Hawak ko ang braso niyang nakahawak sa buhok ko.

"Answer me! What did I fucking told you?!" sigaw niya sa tenga ko.

"Na... Na h-huwag... Na-"

"What?!"

"Huwag lalabas ng kwarto kapag may kasama ka" sagot ko

He slap me hard. Naabutan ako ni Nanay Lori na nasa sahig hawak ang pisngi ko.

"Eh nasaan ka ngayon?! Nasa loob ka ba ng kwarto mo?!" sigaw niya

"Tama na iho" sabi ni Nanay Lori kay Theo

"Huwag kang makielam dito Manang!" sabi ni Theo

Hinawi niya si Nanay Lori at hinablot ako sa braso at kinadlakad palabas ng kusina. Nasa hagdan kami ng sabunutan niya akong muli para makahakbang paakyat ng hagdan.

"Ang sabi naman ng Tito mo nakatapos ka ng pag-aaral. Eh bakit tanga ka?!" sabi niya.

Puro iyak at hikbi lang ang nagagawa ko.

"You don't follow my rules Arabella! You stupid bitch!" sabi niya

Nang makarating kami sa pinto ng kwarto ko ay inihagis niya ako sa may dingding ng malakas. Napaigik ako sa sakit na naramdaman ko sa kanang braso ko na tumama sa wall.

"Pasok!" sigaw niya sa akin.

Malabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nakaharang sa akin mga mata. Nangingig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang doorknob para buksan ang pinto. When the door is finally open, he push me hard and I tumbled to the floor.

"Next time, FOLLOW. MY. RULES." Sabi niya at malakas na isinara ang pinto.

Magdamag akong umiiyak dahil sa sakit na natamo ng aking katawan. Ganito naman ako palagi eh, umiiyak lang kapag gawing punching bag ni Theo ang katawan ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog basta ang alam ko masakit ang ulo at ang braso ko. Nagising na nga lang ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. Kahit di ko kayang bumangon dahil hanggang ngayon ay masakit pa din ang ulo ko ay bumangon pa din ako. Napahawak ako sa ulo ko nang umiikot ang paningin ko at sabay na pagkirot ng braso ko.

I sighed and counted into five to calm myself. Tuluyan na akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo.

Bumalot sa akin ang sobrang lamig na tubig galing sa shower, and that's fine with me. HInayaan ko lang na umagos ito sa katawan ko.

Hindi pumasok sa isip ko o sa panaginip ko na ganito ang matatamo ko sa buhay. My Mommy used to tell me that one day, I will meet my prince and he will treat me the way she treated and loved me. She lied to me and I was fool to believe that.

I never saw my Mom hurting by Dad. They are not sweet to each other but their casual. I always seek for my Dad's attention. Wala akong matandaan na nilambing niya ako the way na nilalambing niya ang mga Kuya ko. Kaya ganon na lang ako magpakitang gilas sa kaniya na kahit ayaw ko ay gagawin ko para lang masabi kong napapansin niya ako.

Now, I have the attention I want. Everyone knows that I am Vladymir Velasquez's niece, the niece from my Mother's cousin. Only family members of Velasquez knew about the real me. And only the Velasquez clan believed that I am not Vladymir's child to Maddy Omaque Velasquez.

I am living in pain since my Mom died, and now I am living in hell because I am married to Theodore Bennett.

Everyone in your life will hurt you sooner or later. But it's for you to decide which is more important, the pain or the person.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pain in Arabella's EyesWhere stories live. Discover now