Chapter 35

56 4 0
                                    


Hirap na hirap sa pagpili si Mr.Faust pero sa huli ay napagdesisyonan niyang kailangan niyang manghingi ng tulong...

....

"Hi Mich!" 

biglang bumukas ang pinto kaya nakahinga si Mich

"Sino ka?" nanghihina niyang sabi dahil hindi maaaninag kung sino ang tao na iyon dahil walang ilaw

"Ouch! Di mo na ko kilala Michelle?"

Nanggagalaiti sa galit si Mich, kung di lang sana siya nakatali ay baka nasugod na niya ang babae "Tanga ka...Eh sabihin mo nalang kaya sakin kung sino ka"

"Joanna Ursula Nelphine Emilia. Kilala mo na ako?" aniya at natawa na parang nasisiraan ng bait

"June?"

"Hahaha mabuti naman at nakilala mo pa ako"

"Malamang. Hininga mo palang mabaho na, kasing baho ng ugali mo!" agad linapitan ni June si Mich at sinakal

"I will make sure that before you die. I'll let you taste what hell is. Kagaya ng pinaramdam mo sakin noon"

Natawa si Mich na para bang nanunuya "Oh really? Don't worry mukha mo palang mukhang sinunog na, so I believe na nanggaling ka na doon"

pero sa sinabi na iyon ni Mich ay sampal ang umabot sakanya "Sa wakas dumapo narin ang kamay ko sa pisnge mo. Ilang taon ko ng gustong gawin ito. At ngayon ay pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko hahaha!"  umalis na ito kaya maiiwan na naman si Mich sa silid na iyon na wala kang ibang makita kundi ang kadiliman

"King ina yung babaeng yun! Sinampal ako?! Hmp! Kung makakaalis ako dito sisiguraduhin kung hindi lang sampal ang aabutin niya sakin!

-------

Nakadekwatrong umupo si Harisse sa isang silya habang pinapaikot niya ang hawak na shuriken

"Guys! Laro tayo!" Caleb exclaimed out of nowhere

"Anong laro?" nababagot na tanong ni James

"Operation... Patayin si Jayden" napatigil sa pagtawa si Caleb ng binato siya ng isang kutsilyo

"Ito naman di mabiro!" natatawa niyang sabi

Pero napatigil silang lahat ng nagring ang phone ni Harisse

"Hello?"

(Harisse...I need you)

"Mr.Faust. Anong maipaglilingkod ko sainyo?" umayos ng upo si Harisse dahil may kutob siyang hindi maganda 

(si Myrtle and Mich... Kinidnap)

Pagkarinig ng binatilyo sa pangalan ni Mich ay parang gumuho ang mundo at tinapon ang shuriken sa dingding

Bumaling siya sa kanyang mga kasamahan at ngumiti "We have a mission to do"

Busy ang lahat sa pag-aayos ng mga dadalhin na mga armas. Si Clayton ay naghahanda sa kanyang mga sandata habang si James ay sakanyang wushu stick at si Jayden naman sakanyang bows and arrows samantalang si Caleb ay sakanyang bombs and grenades at ang bida? Naghahanda sakanyang baril at  ang kanyang shuriken

"Teka sino pala ililigtas natin?" tanong ni Caleb habang patungo sa garahe

"Mich and her sister"

She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon