Chapter 5

17 2 0
                                    

Sunghoon Pov.

"Napaka kupad mo talagang hayup ka, ANO BA BILISAN MO NA!" Mas binagalan ko pa lalo para mainis sya.


Paalis kami ngayon bonding daw. Susunduin kami ni jay para pumunta sa condo ni jake. Dadaanan din namin si riki. Sila jungwon daw kasi gamit nila kotse ni sunoo. Hirap pag commute ka lang dapat talaga magipon na ko para sa kotse eh. Siguro mga tatlong araw din kaming di nagkita nila jay dahil nga halloween break syempre family muna pinapagalitan na nga ako ni mama di na daw ako nauwi.


"Sige bagalan mo pa." Mahinahon na sabi nya. HAHAHAHAHA kaya naman binilisan ko na baka magwala pa to.


"Oh bakit binibilisan mo na? Bagalan mo lang tutal mukhang nananadya ka eh." Masungit na sabi nya. Pikon!


"Pikunin ka, tara na nga!" Sabi ko. Umirap naman sya agad.


"Hey jay bro! riki! Himala nakasama ka tapos na requirements mo?" Tanong ko sakanya. Madalas kasing mag pass si riki pag inaaya kasi daw busy sa acads.


"Oo hyung! Tinulungan na ko jake hyung naawa na ata sakin. Di ko naman kasi alam na ganto kahirap mag engineering." Natatawang sabi nya.


"Ganon talaga! Tyaga lang talaga tsaka dasal tapos sipagan mo pa makakatapos ka din." Paliwanag ko. Siguro mga isang oras din bago kami nakarating sa building ni jake traffic ngayon dahil uwian ng mga nagholiday.


"Hey jake!" Niyakap nya agad si heeseung kaya tinulak ko sila.


"Tabe! Umay na umay na ko sa kaharutan nyo tapos dito pa kayo sa pinto maglalampungan? Ano kayo ahas?" Bwiset tong mga to masyado akong iniingit. San na ba kasi si sunoo. Tagal naman jowang jowa na ko oh hehhehehe charot!


Umupo agad ako sa living room. May mga alak at pulutan na din, aba aba mukhang galing to sa tatay ni jake ah puro hard andito.


"Jake galing ba to kay tito? Bakit puro hard to lalasunin mo ata kami eh." Sigaw ko sa kanya.


"Crazy! You can pass naman eh. Super dami kasing natirang drinks sa house kaya dinala ko na." Paliwanag ni jake.


"Wag mong pansinin yan jake, nagrereklamo pero mamaya sya pa pinaka maraming nainom satin." Sabat naman ni heeseung. Tumawa naman sila.


"Wala pa ba sila jungwon, riki?" Tanong ni heeseung. Oo nga ang tagal nila siguro naipit sa traffic.


"Malapit na daw sila hyung natraffic lang, mabagal kasi mag drive si jungwon hyung eh badtrip tuloy si sunoo hyung." Kwento nya. Pero maya maya nakarating na din sila.


"Hey hyung!" Bati agad ni jungwon kay jay. Ngiting ngiti si loko mukhang tinamaan na talaga kay jungwon.


"Hi guys! Tara dito na tayo mas maganda kung maaga palang magsimula na." Sabi ni heeseung. Lasinggero talaga.


"Uhaw na uhaw ka ba ha? Bakit ka nagmamadali! Hindi pa nga nakakaupo sila jungwon." Hinampas ko agad sya sa braso.


"Jungwon ka dyan! Sabihin mo si sunoo talaga inaalala mo! Pabebe kang hinayupak ka." Pangaasar nya. Tumingin naman ako kay sunoo at nginitian sya tinaasan nya lang ako ng kilay. Sungit talaga.


Nagsimula na agad kami, ako ang taga tagay. Lagi na lang akong ginagawang utusan ng mga to pag nagiinuman. Palibasa ako pinaka bata saming apat.


"Hey sunoo oh ikaw na..." binigay ko yung shot glass sa kanya. Walang gayuma yan bebecakes.


"Thanks." Aba improvement may pa thanks na si cutie.


Palagi? Palagi.Where stories live. Discover now