#LAFK4-Naku! patay!

232 14 3
                                    

Xyriel POV

Luh! Ang sama ng tingin sa'kin ni Ayn.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong niya at ang seryoso niya.

"Anong ginawa? Wala akong ginagawa." Sabi ko tapos tumingin ako kay Lean na nakaupo pa din. "Uy Lean, ano bang pinagsasabi mong tinulak kita?" Sabi ko.

"Tumigil ka na xyriel. Kilala kita." Sabi ni Ayn.

"Ganun naman pala Ayn eh. Sa tingin mo magagawa ko yun?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya na ikinatawa ko.

"Ah ganun? Sige, paniwalaan mo gusto mong paniwalaan, basta ako wala akong ginagawa." Sabi ko at lumakad na ako palabas ng canteen..

Anong kadramahan naman yun ni Lean??

*

Dismissal,

Inaayos ko na gamit ko dahil uwian na..

Matapos yun, lumakad na ako palabas ng room.

Si Ayn, Ewan ko dun, di na ako pinansin. Simula ng nangyari kanina..

Pero wala siyang magagawa, magkakasabay din kami.

Ang takot lang niya Kay dad...

Hindi ko siya kasabay lumabas baka nauna ng lumabas...

Pagdating ko sa labas, nakita ko na siya.,.

Pero Omo!

Nakaangkas sa likuran niya si Lean at ilang sandali,

O_____O

Waaaaaaaaah!

Umalis na sila.

"Ayn! Sandali!" Sigaw ko at hinabol ko sila..

"Ayn naman eh! Ayn wag mo akong Ewan!" Sigaw ko pa din hanggang mapagod ako Kakatakbo kaya napahinto na ako...

Hingal na hingal ako pero di sila huminto.

Sinundan ko na lang sila ng tingin..

Tss. Ano ba yang si Ayn? Kinalimutan ako o sinadya niyang iwan ako dahil sa ginawa ko Kay lean kahit wala naman talaga...

Alam ko na! Magpapasundo na lang ako at lagot yang si Ayn..

Kinuha ko ang phone ko sa backpack ko at..

O___O

Waaaaaaah! Lowbat!

Nakagat ko ibabang labi ko sa inis..

Hala! Pano na ako? Di ko pa naman kayang umuwing mag-isa.

T____T

Kasalanan 'to ni Ayn eh.

Ah Alam ko na, siguro naman babalikan niya ako. Siguro, hinatid na muna niya si Lean bago niya ako balikan.

Tama! Dapat think positive lang xyriel.

Lumakad ako pabalik sa school dahil for sure dito niya ako babalikan diba?

At isa pa,, para makapagcharge na muna...

At isa pang isa pa, para makapaglinis narin sa room.

*

Ayn POV

Leanna Pazz: Anong ginagawa mo?

Ayn Toress:Ito kachat ka ^__^

Waaaah! Lalaki ako, pero kanina pa ako kinikilig dito Kay lean.

Kanina ko pa kasi siya kachat habang nakadapa ako sa Kama ko.

At Ito pa, pumayag na siyang ligawan ko.

Kung babae lang ako, kanina pa ako nagtatalon sa sobrang saya.,.

*phone ringing*

Kinapa ko ang phone ko sa tabi ko ng bigla itong tumunog...

Sinagot KO yun ng Hindi ko tinitingnan kung sino yung tumawag at habang hinihintay KO reply ni lean.

"Hello?" Sagot ko sa tumawag.

[Hello Ayn,]

Napaupo ako ng marinig ko yung boses ni Tito.

"Oh Tito, napatawag po?" Sabi ko.

[Gusto ko lang itanong kung nandiyan si Xyriel?]

O____O

Naku! Patay!

Nakalimutan ko si Impakta.

Balak ko siyang balikan sana kanina kapag naihatid ko si Lean sa kanila, kaso masyado akong natuwa sa sinabi ni Lean na patay siyang ligawan ko siya..

Bumalik ang diwa ko ng magsalita si Tito sa kabilang Linya..

[Oh Ayn, andiyan ba?]

"A-ah.. A-ah opo." Nasabi ko at nakagat ko pang ibabang labi ko. "Gumagawa po kasi kami ng project." Isa pang pagsisinungaling ko.

[Ah ganun ba? Teka, gusto ko siyang makausap.]

O__O

Patay!

Sige Ayn. Isip ka pa ng dahilan.

"A-ah nandun po siya sa may living room eh. Nandito po ako sa kwarto ko. Malolowbat na po kasi ako, saktong tumawag kayo. At isa pa, ayaw niyang padisturbo eh."

Nice one Ayn!

[Ganun ba? Kaya diguro, hindi ko siya macontact eh.]

O____O

Ano daw? Hindi macontact? Hala, asan na ang impaktang yun?

[Sige ganito na lang, igahatid mo na lang siya mamaya ah?]

"Opo." Wala Kong sasariling sagot dahil iniisip ko si Impakta.

Matapos yun, binaba na niya phone niya..

Lintik! San na kaya nagpunta si Impakta?

Di ako nag-aalala 'no? Natatakot ako Kay Tito..

Pinatay ko muna yung laptop at Kinuha ng jocket sa closet ko, tapos lumabas na ng room ko.

Hahanapin ko si Impakta at tiningnan ko oras sa wrist watch ko at shete magteten na pala ng Gabi......

--------------------------------------------------------------

Continued....

Vote and comment, para makaproceed sa next chapter kung saan magaganap ang KISS hahaha ^_______^

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon