Face the Music
(chapter 1)
Author's Introduction:
Marami ngayon ang hindi naniniwala sa forever at true love at isa na ako dun.
To be honest, di ko rin alam kung bakit. Siguro gusto ko lang makiuso, haha! Biro lang. Ang totoo niyan naniniwala naman ako sa true love at forever in the right time and with the right person.
Pero seryoso bakit nga ba maraming bitter ngayon sa Forever?
Dahil nasaktan na sila before? Naiwan? Napangakuan pero hindi naman natupad?
Eh dibuh sa love ganun talaga.
Kakambal na ng love ang sakit, hindi na sila mapaghihiwalay! Forever na yun!.
Haha! Oh sabi ko sa inyo totoo ang forever ee.
Gaya nalang ng kuwento ni July at ni Jap.
(isingit ba naman)
Samahan natin sila sa isang paglalakbay na puno ng kilig, pagsubok at katatagan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Subaybayan din natin kung totoo nga ba ang forever. ^__^
* first scene: dance studio ng school
(july's pov)
Nagprapractise ako ng sayaw sa studio, bang bang ni jessie j., ariana grande at .nicki minaj ang kanta, kaya halong jazz at hiphop ang prinapraktis ko.
Umupo ako saglit para ayusin ang sintas ng black vans shoes ko ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang pagod na pagod na si Shaina.
Pinatay ko ang ang speaker para makausap siya ng maayos.
Halatang tumakbo ng ilang floor pero kahit pawisan nakuha niya pang ngumiti sa akin ng pagkalaki-laki. Tumayo ako kaagad at tinanong ko siya
''^________^''-shaina
'' oh bat ganyan itsura mo? saan ka ba galing? o___O'' tanong ko habang naka-cross arms.
Nagpahinga siya saglit at huminga ng malalim na tila binabawi ang nawalang hangin sa baga niya dahil sa pagtakbo.
Bago magsalita ay binuksan niya muna ang isang long bond paper mula sa pagkakatiklop at saka ito binasa.
''Ms Maria Julyka Hope D. Mercado a.k.a. July na patoots ko. You are qualified for the national audition organized by PDA(Philippine Dancer's association)''
O___O
''no! You're kidding me right?'' di makapaniwalang sabi ko sa kanya
''of course not! at eto pa! gaganapin lang naman ito sa.... Wahhhhhhh!!! Dito mismo sa school natin''nagtitiling sabi niya.
Agad na akong lumapit sa kanya para basahin ang sulat at siguraduhing totoo ito pero tinago niya ito sa likod niya.
''hep hep!! after nito libre mo ko ah''-shaina
''oo na!!''- napilitang sabi ko
Nang makuha ko ang letter agad ko itong binasa. Totoo nga! Hindi ako makapaniwala.
One year, since first year college palang hinihintay ko na ito, a year ago nung nagpasa ako ng mga requirements na napakarami, sa wakas nagbunga din.
Kaya ako nagpasa dahil nabalitaan ko na kapag nakuha ako sa limang masusuwerteng estudyante, ipapadala kami sa school in New York na only for the gifted in dancing, full scholarship, lodging at allowance. Lahat yun supportado ng PDA.

BINABASA MO ANG
Face The Music
RomanceA story of two different people from two different fields of art but connected by music. A rapper and a dancer, let us join their journey in following their dreams