CHAPTER VII - THE STOLEN SOUL

40 2 0
                                    


*

Dali-daling bumaba si Eneru sa mundo ng mga tao para hanapin si Mia. Shit. Bakit mamamatay na siya ngayon? Hindi pwede.

Napatigil siya.

"Bakit ko ba ginagawa ito? Kung nakalista na siya, wala na akong magagawa 'dun."

Humakbang ulit siya ng ilang ulit, pero umatras ulit.
"Shit."

Bigla niyang naramdaman ang charge sa kamay niya. Ang kamay ni Mia.

Pagkatapos nag-teleport na siya.

**

Alas-singko na ng hapon.
"Buti na lang maaga pa." Ani Mia.

Hinawakan niya ulit ang labi niya. Naalala niya 'yung halik. Ang sarap pala ng halik ng isang demi-god. Aniya.

Napangiti na lang siya bigla. Umiling. "Ano ba naman 'to oo."

Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Tapos, may napansin siyang nakaputing babae na umiiyak sa gilid ng daan. Nilapitan niya ito. "Okay ka lang ba? Anong problema Miss?"

Nagsalita ang babae, kahit na hindi nakatingin.
"Pwede bang pakibuhat 'yang basket sa likod mo, pagod na kasi ako."

Nagulat siya sa sagot nito at napakamot na lang sa ulo niya. Tumalikod siya para tingnan ang basket.
Wala naman ito kanina ah.

"S-sige, saan ko ba dadalhin 'to?"

Ang babae kanina was changed into a demi-god, si Schylla ang demi-god ng kamatayan. Inilabas niya ang sandata niya, ang scythe at sinaksak ang walang kamalay-malay na si Mia.

Naramdaman ni Mia ang pagsaksak sa kanya. Unti-unti siyang nawalan ng malay.

Tinangay ng demi-god ang kaluluwa niya.

"E-Eneru..."

**

Biglang naramdaman ni Eneru ang kaba. Nakita niya agad ang nakahigang katawan ni Mia. Walang pulso. Shit.
"Nahuli na ako ng dating."

Binuhat niya ang katawan nito. Pero bago siya umalis, may naamoy siyang bakas.
"Shit. Shit na Schylla! Sinong nag-utos sa'yo!"

Si Schylla ang namamahala sa mga taong mamamatay kung makakapasok sila sa langit o sa infernos. Pero hindi siya ang may responsibilidad sa pagkuha ng mga kaluluwa sa mundo ng mga tao.
Liban na lang kung...

Dinala niya ang katawan ni Mia sa bahay niya. Tinitigan niya ito at napabuntong-hininga.

Dalawang beses ng nakabalik si Eneru sa White Portal. Kailangan niya pang maghintay ng isang buwan para makabalik ulit doon. Para humingi ng tulong kay Einstenius.

Pero mabubulok na ang katawan ni Mia kapag hinintay niya pa ang susunod na buwan.

At kapag hindi siya nakagawa ng paraan...
"Hahayaan na lang ba kitang mamatay?"

Wala na siyang ibang maisip na paraan.

"Mia."

*

My Demi-God Fox (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon