CHAPTER 15 - Treat

303 32 0
                                    


BLAZE ASHER'S POV

Hindi ko rin alam kung bakit niyakap ko nalang siya bigla kanina. Basta ang alam ko , gumaan ang pakiramdam ko ng niyakap ko siya.

Ugh! I hate this feeling!

Bwis*t kasi 'tong Asthmanorysis na 'to. Bakit kasi hindi pa ako tuluyang gumaling sa sakit na 'to , para magawa ko na lahat ng gusto ko.

Bata palang ako meron na akong ganito , sa twing napapagod , nalulungkot , nagagalit , at nasasaktan ako hindi ako makahinga ng maayos. Kaya dinala ako nina Mom and Dad sa States para makahanap ng gamot sa sakit na 'to , sobrang thankful naman kami dahil meron , kaso hindi agad-agad nito mapapagaling ang Asthmanorysis ko.

Sa twing iniinom ko ang gamot na inirekomenda sa akin ng Doctor ko , bumabalik ang maayos na paghinga ko.Pero kapag hindi ko agad 'to nainom mawawalan ako ng malay , hindi lang basta mawawalan ng malay. Dahil 3 days ako bago magising.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang magising si Grace na nakaupo dito sa tabi ng kama ko. Nakakahiya talaga yung ginawa ko! Grrr baka kung anong isipin ng panget na 'to.

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan ha? Maglinis kana." Masungit kong sabi sakanya. Kinunotan niya ako ng noo. Aba may balak pa yatang magreklamo 'tong panget na 'to.

"Baliw kaba?! Pagkatapos kitang tulungan ganyan kana agad?" Reklamo ng panget na 'to.

"Tulong na ba yon? Maglinis kana nga lang don." Masungit kong sabi at tinalikuran siya.

"Hmmm , ano ka? Sinuswerte ? Utot mo." Palaban na sabi niya , hindi talaga nagpapatalo ang panget na 'to.

"Siguro , nahihiya ka 'no?." Pang-aasar niya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"N-nahihiya? Ako? Asa ka naman."

"Sus! Halata naman eh!."

"Shut up!"

"May payakap-yakap pang nalalaman. Asus." Natatawang sabi niya. Hinarap ko siya.

Hinila ko ang kwelyo ng damit niya papalapit sakin."Manahimik ka."

"Mukha mo manahimik. Ikaw ha masyado ka ng nakakachansing sakin." Pang-aasar niya. Binitawan ko siya at bumalik ako ulit sa pagkakahiga.

"SHUT UP! ANG INGAY INGAY MO!"Sigaw ko.

"Nye nye chansingero ka pala ah!" Sigaw niya sa tenga ko.

"Arghhh! Don't touch me." Masungit kong sambit. Ano bang nakain ng babaeng 'to at biglang naging makapal ang mukha.

"WOW? Don't touch me? Eh ikaw nga may payakap-yakap ka pang nalalaman dyan." Natatawang sabi niya. Nakakainis!!!

"MAGLINIS KANA."

"A.Y.O.K.O."

"Wala kang karapatang magreklamo dahil hindi ka maganda." Nakangising sabi ko.

"Eh kung sampalin ko kaya yang mukhang libag mong mukha?" Seryoso sabi niya sa tenga ko. Biglang nanayo ang balahibo ko.

Oh! Oh! Hindi ako takot sa panget na 'to ha!

"Eh kung ibalibag kaya kita dyan." Sambit ko. Pumalakpak siya.

"Baka pagbinalibag kita ay mabalian ka." Mayabang na sabi niya. Napakareklamodor na napakayabang pa.

"Wag mo akong yabangin panget." Walang ganang sabi ko.

"Chansingero!"

"Hindi ka ba talaga titigil na panget ka!" Inis kong sigaw. Ibabalibag ko na talaga 'tong babaeng 'to!

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon