Always (a Jeepney story sequel)

35 0 0
                                    

Pumara na kami sa may pangalawang kanto makalampas ng Chowking sa may bayan.

“ay shit!! Ayun na pala si bossing” –sabi nung isa.

“Hala, lagot tayo.” –sabi nung isa pa.

“boss!! Pasensya na, natrapik kami eh” –sabi ko.

“oo nga sir. Dun banda sa may crossing. Ang trapik talaga sir” –sabi nung kasunod ko.

“hindi. Ok lang. halos kararating-rating ko lang din naman eh” –sabi ni boss.

“ahh, basta sir, sagot nyo alak ha.” –sabi nung isa sabay tawanan.

“oh sige ba. Basta sagot nyo pulutan” –sabi ni bossing.

          Nagtatawanan pa habang sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng restobar. Umorder na si sir ng isang bucket ng stallion at nag order na din kami ng pulutan. Medyo madilim sa loob. Dim lights kasi ang gamit. Medyo mausok din dahil sa mga nagyoyosi. Isa na ko at ang kasama ko doon sa mga nagyoyosi. Nakakatatlong bucket na kami ng biglang may nagtanong:

“pre, nainlove ka na ba ng todo?” –tanung nung isa.

“mainlove ng todo? Oo naman. Eh ang magsayang ng mga pagkakataong ibinibigay sa inyo, naranasan nyo na?” –sagot ko.

“pre, iba na yan. Magkwento ka nga.” –sabi nung isa.

“I was high school back then when I met her. Pre, na-starstruck talaga ako. College na sya non, pero 1 year lang naman ang gap nya sa kin eh. Parang 1st yr college sya then 4th yr high school ako non. Then, sinubaybayan ko sya hanggang magcollege ako.” –sabi ko.

“ang tindi mo pre. Sinubaybayan talaga ha. Hahaha!!” –pang-aasar nung isa.

“ganun talaga pre. Wag ka ngang magulo!” –sabi ko.

“ge ge, tuloy.” –sabi ni boss.

“then nag-enroll ako dun sa university na pinapasukan nya, then, same course then kinuha ko” –sabi ko.

“wow, consistent!” –side comment nung isa.

“talagang I worked for it nung 1st sem namin. Nakipagkaibigan ako sa mga higher level at sa mga prof para lang makakuha ng information about her until I knew her name, age, birthday, address and even her zodiac sign.” –sabi ko.

“kakaiba ka talaga pare!! Wooooh!!!!” –sigawan nila sabay tawa.

“totoo. Even the name of her parents alam ko.” –dugtong ko.

“anung nangyari after?” –tanong nung isa.

“hindi ko muna sya pinormahan nung 1st sem. Info lang talaga. When I gathered a lot of people, which I think, mutual friend namin, dun na ko kumilos. I joined clubs and organizations kung saan sya kasali din, then, we started to talk. Syempre nung una, nagkakahiyaan pa, pero nung naglaon, we exchanged numbers. Tapos nagkakatext na kami. When we were that close, may nagawa akong kasalanan sa kanya.” –sabi ko.

“ano yun pre?” –tanung nung isa.

“may nasabi ako tungkol sa past nya which made her think na stalker ako” –sabi ko.

“bakit, ano ba yung nasabi mo?” –tanung nung isa.

“may nalaman kasi ako tungkol nga dun sa nakaraan nya. Mahal nya pa kasi yung ex nya, tapos, mahal pa din sya nung ex nya tapos meron pa din silang communication even though may girlfriend nang iba yung ex nya. Nagkikita pa din sila that time. Edi tinanong ko kung mahal pa din nya yung ex nya. Dun sya nagulat, bakit daw alam ko yun. Wala akong na-reason out sa kanya, then, she started to walk away” –paliwanag ko.

“ano ba yan pre, bakit mo naman tinanong yun?” –tanung isa.

“syempre pre, gusto ko i-assure yung pwesto ko sa kanya. Mahirap umasa sa taong alam mong may mahal nang iba, diba? Ikaw ba, payag na magmukang tanga kung obvious na yung sagot? Di ba, hinde.” –sagot ko.

“anong ginawa mo non? Tinigil mo na?” –tanung nung isa.

“hinde pre, tinuloy ko. Kahit parang nagda- doubt na ko sa nararamdaman ko, tinuloy ko pa din. Ginawa ko ulit lahat para magka-ayos kami. Siguro mga 2 or 3 months din kami hindi nagpansinan nun. Pero sinuyo ko talaga, kasi sabi ko kasalanan ko naman talaga. Then, naging ok na ulit lahat. Nagkakatext na ulit kami, naguusap, nagkikita. Pero nung mga panahong yon, hindi na talaga ako sure sa nararamdaman ko. Kasi iniisip ko pa din yung ex nya. Alam ko kasing hindi nya makakalimutan yun.” –sabi ko.

“anung ginawa mo?” –tanung nung isa.

“para akong tanga pre. Dahil nga nagkikita pa din sila, ako yung lumayo.” –sagot ko.

“ang bobo mo pre, bakit mo naman ginawa yun?” –tanong nung isa.

“eh kasi nga, pakiramdam ko non, parang hindi ako priority. Alam mo naman tayong mga lalake, gusto natin tayo ang nasa unahan, competitive tayo eh. Eh kaso, pakiramdam ko ngang talo na ko dun sa ex nya, lumayo ako.” –sagot ko.

“laki ng ego mo pre!” –sabi nung katabi ko.

“hindi pre, hindi ko lang talaga ugali na makipaglaban lalo na kung alam kong wala akong laban. Mahal nya pa yung ex nya eh, why would I fit myself in if I know there’s someone already? Diba. Parang, pano ka magsasaksak sa outlet kung puno na yon? Diba? Edi maghahanap ka na ng ibang outlet.” –sabi ko.

“hindi pre, edi magtanggal ka ng isa para makapagsaksak ka.” –sabi nung isa.

“hindi pre, tv yung nakasaksak, eh gusto nyang manuod ng tv, hindi nya tatanggalin yun” –biro nung isa.

“parang ganun na nga yun pre. Kaya lumayo na lang ako. Tapos non, parang after a few weeks, nagtaka sya. Bakit daw ako naiwas. Sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Sinabi ko na parang wala na kong lugar para sa kanya. Then sabi nya, may pag-asa naman daw ako sa kanya. Hindi ako nagsalita after nyang sabihin yun, tapos nagsabi ulit sya na paglalaanan daw nya ko ng panahon. Syempre pumalakpak yung tenga ko kasi bibigyan na nya ko nga time.” –pagpapatuloy ko.

“woooh!! Palakpak dalawang tenga ehh. Hahaha!!” –biro nung isa.

“oo pre. Then siguro mga 2nd sem yun nung 2nd yr ako, bale 3rd yr na sya nun, parang hindi sya Masaya. Ramdam nyo naman yun pre, kung Masaya yung babae sa inyo, diba? Then narealize ko na parang hindi naman sya sumaya sa kin. Parang, all this time, napilitan lang sya. Hindi ko alam kung ganun nga yun pero ganun kasi yung pakiramdam ko non. Then tinapat ko sya, tinanong ko kung mahal pa din nya yung ex nya. Umiyak lang sya, hindi sya sumagot pre.” –sabi ko.

“anung ginawa mo?” –tanung nung isa.

“niyapos ko lang sya. Tapos nagthank you ako sa mga pagkakataong binigay nya sa kin. Sabi ko sa kanya sana maging Masaya na sya. Yun lang. tapos umalis na ko.” –sabi ko.

“nagkikita pa kayo pre?” –tanung nung isa.

“minsan, pag nagkakasalubong. Wala naman, kamustahan lang, tapos alis na. yun lang.” –sagot ko.

“eh bakit parang bitter ka pa rin hanggang ngayon?” –tanong nung isa.

“panong bitter?” –sabi ko.

“wala ka pa ding girlfriend eh.” –sabi nya.

“ahh, sabi ko kasi sa sarili ko dati, kung hindi sya, wag na. mahal ko pa din yun hanggang ngayon pre. Iba tama nun sa kin. Sya pa din eh. Walang makapalit.” –sabi ko.

“always ba pre?” –sabi nya.

“always pre.” Sagot ko.

          Hindi namin namalayan na malapit na palang maubos ang pulutan namin at nakaka-apat na bucket na kami habang nagkukwentuhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always (a Jeepney story sequel)Where stories live. Discover now