5

67 5 0
                                    

"Reese! Tapos na kayo?" Si Zillah na nakangiting lumapit sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang paggawi ni Art sa likod ko.

"Hindi pa. Mag-o-overtime kami ngayon eh. Inutusan din kasi kami" kaswal kong sabi na para bang hindi man lang iyon kasinungalingan.

Agad na napasimangot siya. Sumulpot naman ang ibang kaibigan.

"Hanggang 4:30 lang sila bukas! Habol ka na ngayon, Reese!" Si Aaron.

Hindi ko alam kung nagmamaan-maangan lang sila na ayaw ko na talagang magsign-up sa club o gusto nila talaga akong pinipilit. Ilang beses na akong tumanggi, ilang beses na rin silang namilit

"Hindi na talaga ako magsa-sign up. Malapit na din ang laban kaya kailangan magfocus" sagot ko naman at pasimpleng kinagat ang loob ng pisngi.

"Kahit hindi ka naman umattend araw-araw! Basta sumali ka! Sayang naman kasi, Reese. Isipin mo naman" si Jandy na sinang-ayunan pa ni Aaron.

"Busy na talaga ako" sagot ko at bahagyang kinalabit si Art sa likod ko. Ayaw man lang ako tulungan!

"Matalino ka naman, Reese. Hindi mo naman siguro kailangan magfull-time sa pagrereview"

I look at them unbelievably. Kulang ba sila sa vitamins noong baby sila o kulang sa ire?

Kumunot ang noo ko. "Hindi gano'n kadali ito, Jandy."

"Iyon na nga! Hindi nga madali pero pinapahirapan mo pa sarili mo. Tara na at ihahabol ka namin--"

"Uh, Alliana baka hinahanap na tayo ni Sir" si Art nang kurutin ko ulit siya nang marahan sa likod.

Napatingin sa kaniya ang mga kaibigan ko at tila kumalma agad ang mga mukha.

Bumuntong hininga ako sa mga kaibigan. "Hindi na ako magsa-sign up sa clubs. Magigipit ako lalo na oras, sana maintindihan niyo" I said, preventing myself to show that I cringe to what I said.

"Ikaw ba, Art? nagsign up ka din ba sa clubs?" Si Jandy na ngiting ngiti kay Art.

"Hindi eh, busy ako sa review namin ni Alliana" I felt him neared me.

"Wow, laging magkasama" si Aaron na ngumiti sa akin nang matamis.

Hinawakan naman ako ni Zillah sa braso. "Mauna na kami, Reese. Galingan niyo sa pagrereview ah?" Aniya at hinatak ang mga kaibigan paalis.

Huli pang lumingon si Aaron. "Isama mo na lang si Art kapag gagala tayo, Reese! Nang makabawi ka man lang!" Anito at kumindat pa kay Art.

Nang makaalis sila ay nakahinga ako nang maluwag at nagsimula nang tumungo sa kabilang gate. Papunta sa junior high.

"Gano'n ba talaga sila?" Nagsalita si Art nang nasa hilera ng mga puno na kami ng mahogany. Kami na lang din ang nakikita kong tao doon. Mga ibon lang din ang nag-iingay at tuyong dahon sa sahig.

Kinunotan ko ng noo si Art at nilingon. Nanatili ang seryoso niyang mukha sa akin.

"Namimilit talaga sila?" Paglilinaw niya.

Natawa ako nang mapait. "I don't really like being with them"

"Ilang beses ko na 'yon sinabi sa kanila na ayaw ko pero pinipilit nila ako. Para bang hindi sila makaintindi?" Unti-unti akong naiirita habang iniisip.

"Kaibigan ka nila kaya dapat suportahan ka nila, hindi ba?" Tumango ako sa kaniya.

"Hindi eh. Gusto nila ako ang sumunod sa kanila. Hindi rin naman ako tanga para sumunod sa kanila lalo na't ayaw ko ang gusto nila" I said bitterly. Remembering some times they always do that. Papakosensyahin nila ako sa hindi ko pagsama o pagsunod sa kanila.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon