Lahat tayo may crush. Lahat tayo may hinahangaang tao. Lahat tayo may minamahal. Pero ang pinaka-masakit is yung One-sided Love. Isang unrequited love.
Kapag stalker ba? Pangit na agad?
Paano naman yung magandang taong nag-iistalk?
Syempre, ADMIRER yun.
Pero kahit ano pa man ang tawag dyan, isa lang lang ang bottomline masakit sa puso maging stalker/admirer.
Yung feeling na lagi mo syang sinusundan sa school.
Alam na alam mo ang schedule ng klase nya. Alam mo kung saang room sya.
Alam mo kung saan sya tumatambay. Alam mo rin kung saan sya nakaupo sa Canteen.
Alam mo rin kung sino-sino ang mga friends nya.
Alam mo ang Facebook Account nya pati pa nga Twitter eh.
Stalk ka ng stalk kulang na lang tumambay ka na sa profile nya buong magdamag.
Kahit nasa school, thank you sa wi-fi at navivisit ko pa rin ang profile nya. Nakakapag-update ako kung anong nangyayari sa kanya kapag hindi ko siya nakita sa school.
Pero mahirap pa rin kasi kada nag-sscroll ka may makikita ka na kasama nya ang babaeng minamahal. May wall-to-wall post sya ng girlfriend nya. May mga sweet conversation sila.
Alam ko halos 3 years na akong stalker/admirer. Kailangan may may admirer kasi di ko tanggap na stalker ako. Haha. Oo 3 years ng ganito ang routine ko.
Crush ko sya sa tatlong taon na yun o masasabi ko pa kayang paghanga yun kung umabot na ako ng tatlong taon at nasasaktan in silent mode. Haha. Siguro nga mahal ko na sya.
Mahirap kasi syang abutin. Mahirap talaga kapag ang crush mo, crush ng bayan.
Pero ang pinakamahirap sa lahat yung malalaman mong *toot* is in a relationship with *toot*.
Pero kapag nakita ko na ang relationship status nya na *toot* went from being in a relationship to single, hindi maipalaiwanag na saya ang nararamdaman ko. Sayang kahit kailan ay di nya malalaman dahil hindi nya alam ang existence ko.
So ngayon si crush ay single at paano ko nalaman nandito ako sa isang computer shop at iniistalk na naman ang profile nya. Lunchbreak ngayon kaya nandito ako.
Nakita ko nagchange na naman sya ng status at ayun In A Relationship na naman. :(
Ang sakit. Sino na naman kaya ang lucky girl? Infairness 5 months bago ulit sya magkaroon ng bagong gf.
Biglang may nag-poof na notification sa Facebook ko.
You have a request from *CRUSH* to add a relationship with him.
OH MY GOSH! Tama ba 'tong nakikita ko?! >////////<
"Kapag inaaccept mo yan, ibig sabihin tayo na."
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
Nahigit yata ang hininga ko. Hindi alam makapagsalita ang lakas ng kalampag ng puso ko. Shit. Pwede na akong himatayin.
"Eto, para nga pala sa number 1 admirer ko." Binigyan nya ako bouquet of red roses. Nagulat ako ng makita ko ang nakalagay sa card.
"I have loved you from the day you admired me. Stalking is not a term suitable for you because I returned the favor. I always admired you from the day I laid my eyes on you. I love you forever and always."
Yours truly,
Your Secret Admirer.
Nagulat ako lalo dahil sya pala yung stalker este admirer ko. Sya yung nagpapadala ng chocolates and roses sa akin twice a week. Hindi ko akalain na sya pala yun. Yung inaadmire ko, inaadmire din pala ako.
"Hinihintay ko ang sagot mo. Will you be my girlfriend?" Nakangiti nyang tanong sa akin. Tinutukoy nya ang monitor sa harapan ko. Hindi na ako makahinga. Namumula na ako.
Walang pag-aalinlangan na clinick ko ang Accept Button. May magagawa pa ba ako nasa harap ko na sya ang pinapangarap ko.
Tumayo ako at niyakap sya. Nagpapalakpakan ang tao sa loob ng computer shop. -//////-
Isa akong stalker pero meron din naman akong SECRET ADMIRER.
Kaya kung inyong bibisitahin ang aking Facebook Profile.
I'm proud to say,
"I'm In A Realtionship With *CRUSH*"
A/N: Just some random thought and feeling about this. Wala, I feel like writing it. Keke. Trying hard ako pagdating sa mga One-Shot. Hindi, trying hard talaga ako mag-sulat. Keke. Pero sana basahin nyo pa rin. Ang sakit kasi dahil naka-In A Relationship si Crush kaya nagawa ko to. Hayst. Until then! :)