Happy ever after

3.9K 95 6
                                    

34

Pamela's

Five months after...

Malakas ang kabog ko habang naglalakad patungo sa altar. Ang mga tao sa loob ng simbahan ay nakatingin sa akin na para bang ako lang ang tao sa loob. Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Limang buwan na ang lumipas nang matapos ang impyernong hinarap ko, o kung tapos na nga ba.

"Girlfriend! Bilisan mong maglakad, may iba pang bridesmaid."

Narinig ko ang pabulong ni Hugo at tinitigan siya ng masama. Hindi siya napasali sa groomsmen dahil masakit ang paa niya. Nginitian niya lang ako na siyang lalong kinainis ko.

"Manahimik ka boyfriend, bakit kasi may ingrown ka! Kalalaki mong tao!" sigaw ko. Rinig ko ang tawanan ng mga ibang tao sa loob ng simbahan.

He just pouted his lips. "Bakit mo kasi ako sinama magpa-pedicure, hindi naman marunong yung gumawa."

Inirapan ko na lang siya at patuloy na naglakad. Napangiti na lang ako nang maalala ang lumipas na mga araw. I stayed with Hugo, and he never failed to show his love towards me everyday. Kahit na kalat-kalat pa rin ang memory ko ay hindi ko pa rin maitatanggi ang espesyal na nararamdaman ko para sa kaniya.

I chuckcled. It's Yandre's wedding, but its me who is more excited than the actual bride.

The ceremony consumes almost an hour. Yung lakad ko ata ang nagpatagal sa kasal. After picture taking, we went to the reception. The reception held in Riguera heights event lounge. The place was fabulous and extravagant.

Nagpasya ang bride na dito ihagis ang bulaklak kay marami talaga ang nag-aabang.

"Whats with the smile, girlfriend? You're creepy as hell." It's Hugo. Kakaupo niya lang dahil may mga kinausap pa siyang mga businessmen.

"Ako ang sasalo ng bulaklak, okay?"

He chuckled. "You don't have to."

"Bakit naman--"

"Because I'll still marry you with or without that bouquet, Pamela."

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pag-iinit ng pisngi ko. Butterflies rumbles inside my stomach and my heart flattered.

Nang-araw na iyon, nang akala kong mawawala na siya sa akin. Hindi ko alam na may isasakit pa pala ang pagkawala ni Dark at ni Ate Pau. And that time, I conclude to myself that Hugo Caspian wasn't just someone I used to know. He's the man I longing after all so many years despite of my memory loss.

"It's now bride's bouquet toss!" sigaw ng emcee.

Nanitili lang akong nakaupo at hindi na nag-abala pang tumayo. Since Hugo already told me about marrying me with or without joining the bouquet toss. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang akbay sa akin ni Hugo. 

His face is looking to the single woman lining up behind the bride. Nagtilian sila nang itapon iyon.

The flowers landed on someone's lap who is sitting with a wine on her hand,and it was really unbelievable. Tumayo ang babae at walang pagdadalawang isip na binalik sa bride ang bulaklak.

"I don't like to get married, so here," anito at binigay ang bouquet.  "..ulitin mo na lang."

"Nica!"

It was doctor Jean. Sinamaan lang siya nito ng tingin at umalis. Nilingon ko si Hugo na napapa-iling. Kinuha nito ang cellphone at tinipa ang ilang numero. 

"Sinong tinatawagan mo?" tanong ko sa kaniya. He smiled at kiss my forehead.

"Si Ryker," anito at muling pumindot, dahil mukhang hindi sinasagot ng kabilang linya.

Behind Every Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon