"Touch down, Baguio Cityyyy!" ani Claire at kaagad na lumabas sa sasakyan. Dali-dali niya namang hinatak si Pau para magpa-picture.
"Huy, Finnlee, bumaba ka na dʼyan! Picture taking lang muna tayo rito tapos pupunta na tayo sa hotel. Naghihintay na ʼyung bride, dali!" aya ni Claire sa akin.
Natauhan lang ako nang kalabitin ako ng mga kasama ko sa team. Gustong bumaba. Wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa kanila dala ang mga gamit ko.
Matapos ang ilang picture taking, bumalik ulit kami sa van para dumiretso sa hotel kung nasaan ang bride. Kakilala siya ni Claire kaya ang team namin ang kinuha bilang wedding planner.
Habang nasa biyahe, nag-initiate ng conversation si Pau. Kinikilig na para bang nagde-daydream pa.
"Ako, kapag kinasal ako? Gusto ko garden o kaya beach wedding. Tapos simple lang ʼyung attire ko and sʼyempre kayo ang wedding planners ko. Bet ko rin church. Basta, nakaka-excite ikasal!"
Biglang nagsalita si Claire na nasa harapan. "Gaga, wala ka ngang boyfriend! Sa edad mo kasing ʼyan, napaka-choosy mo pa rin. Tatanda ka talagang dalaga!"
Nagtawanan naman kami. ʼYung iba, nagkwento na rin sa dream wedding daw nila. May isang gusto raw ng civil wedding lang kasi sikreto sa mga magulang.
Mayroon namang kahit sa covered court at kasalang bayan lang daw, okay na sila.
"E, ikaw Ate Finnlee, anoʼng dream wedding mo?" tanong ng isa kong kasamahan.
Sʼyempre natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko, e.
"Hindi ko alam," diretso kong sagot. Kahit na ganito ang trabaho ko, hindi ko ma-imagine na pinaplano ko ang sarili kong kasal. "Saka marami pa akong gustong gawin na mag-isa," dagdag ko.
"Ang nega!" sabi ni Claire.
"Huwag kang magsalita ng tapos, mareng Finnlee! Malay mo, ikaw ang makasalo ng magic bouquet ni bride mamaya. Oh e ʼdi wala ka nang kawala nʼyan?" pagsang-ayon ni Pau.
Kumunot ang noo ko. "Para sa mga bridesmaid lang ʼyon ah? Wedding planner lang tayo, hindi tayo kasama sa ceremony."
Nagulat kaming lahat nang makisali ang driver ng van na sinasakyan namin.
"Ay, e, ayos lang po iyon Madam. Siguradong mahahanap din po kayo ng makakasama ninyo habang buhay. Hintayin niyo lang po ang pagdating niya."
Nagkantsawan naman si Claire, Pau, at ang iba ko pang mga kasama.
Inilapit naman ni Pau ang sarili niya sa pwesto ng driver. "Ayun oh! Words of wisdom na ʼyon Finnlee! High five nga dʼyan Kuya."
Napaisip naman tuloy ako sa narinig ko kanina. Hanggang kailan ko pa kaya siya hihintayin?
Hanggang sa pumuti na ang buhok ko?
Hays, ewan.
Pagkarating namin sa hotel, sumalubong sa amin ang magulang ng bride at sinamahan kami papasok sa room. Ilang oras na lang din pala at magsisimula na ang seremonya.
"Hello! Nice to see you here po Miss Finnlee! Buti nakarating kayo?" bati sa akin ng bride.
Bakit ang ganda niya talaga kahit wala pa siyang makeup? Ang suwerte ng groom niya.
"Nice to see you rin Miss Fiona. Sʼyempre, kami pa ba mawawala?" I said then gave her a genuine smile.
"Bongga talaga want mong kasal ʼno? Good choice naman kasi we're giving you the best and grand wedding you deserve," sabi ko sabay kindat.