𝔠𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 6

45 3 3
                                    

Detective Guerrero's POV

Dumating kami sa presinto at ibinigay ang mga dokumento kay Sargeant Tapia. Nahuli ko pa syang naglalaro ng solitaire, hays. Nakikipagtalo din ako sa iba pang mga kapulisan dito dahil kulang-kulang at nagkakagulo kapag wala si Paps.

"Ho!? Papunta na po kami dyan ngayon Captain!" sigaw ni Sargeant Tapia ng matapos kumausap sa tumawag. Lahat kami ay natigil sa pagtatalo ng marinig ang sigaw nya.

"Detective, sa ABC-ZNN po ang location" sabi nya kaya tumango ako. Hihilahin ko na sana si Damiano ng bumitaw sya, "Ayoko makita yung nakakatakot mong boyfriend," sabi nya at itinaas ang kamay na parang sumu'surrender na.

"I'm cool here, I'm good. Ikaw na lang," dagdag nya. Nakumbinsi naman nya ako kaya sumabay ako kay Sargeant. Pinuyod ko ang buhok ko gaya ng pagkakatirintas ko kay Basilio.

"Detective" rinig kong bumulong sakin sabay rinig ng napaka tining na tunog. Tumagal iyon ng tatlong minuto saka umayos, bakas ang pag aaalala ni Sargent sakin at nagsabing ihihinto muna ang sasakyan ng umiling ako.

"Akala ko lang kasi tinawag mo ako, tinawag mo ba ako?" tanong ko sa kanya. "Hindi po, Detective" sagot nya. Hindi naman nakabukas ang radyo kaya imposibleng walang tumawag sakin.

Nakarating kami sa location at sinalubong kami ng ilang ambulansya. Naka salubong ko pa si Nova Aurora na puno ng dugo ang damit.

Nakita ko si Hank na nakatayo malapit sa puno at nakatulala. Pupuntahan ko sana sya ng may humila sa braso ko, wala namang iba kundi si Basilio iyon na may nakakalokong ngiti.

"Alam ko naman na miss mo ako, Commander" sabi nya. Sasagutin nya sana ako ng makarinig na naman ako ng tumatawag, sa sobrang sakit sa tenga napa hawak ako sa tenga ko at pilit na pinahihinto ang nangyayari.

"Nova Aurora... Tyanak! " na patingin ako sa gawi nya pero nakasakay na sya sa Police vehicle paalis. "Commander! Commander!" sigaw ni Basilio sakin habang hawak ang mga balikat ko.

"Anong nangyayari dito, Basilio?" tanong ni Ate Alexandra. Biglang nawala ang tinig ng dumating si Ate Alexandra, na pasapo ako sa noo ko.

"Saan galing itong kuwintas? Isa itong tiger's eye" tanong ni Ate Alexandra habang nakatingin sa suot kong kwintas. "Sa akin, Bossing" sagot ni Basilio na may pag aalala. Nagbago ang ekspresyon niya ng sabihin iyon ni Basilio.

"Kung ganon..." hindi na natapos ni Ate Alexandra ang sinabi nya ng dumating si Paps. "Ano na ang plano sa tyanak, Trese?" tanong ni Paps. "Tyanak?" tanong ko at tumango si Ate Trese.

"Habang sumasakit ang tenga ko may bumubulong sakin, binulong nya ang pangalan ni Nova Aurora at ang tyanak" sambit ko. "Dahil yan sa Tiger's eye. Saan mo nakuha yung kristal, Basilio?" tanong ni Ate Trese sa kay Basilio. Si Paps nakatingin lang samin at hindi alam ang nangyayari.

"Pumunta ako ng Binondo, tapos nakita ko yun. Binili ko syempre tapos ginawa kong charm, ako ang nag charm nyan" sabi ni Basilio. "Tama ang iyong ginawa ngunit hindi ka ata nag cleanse bago gawin yon" sagot nya.

"Kailangan ba dapat? Demi God naman ako," dagdag ni Basilio. "Kahit na, oo mapoprotektahan sya ng charm mo pero dapat nag nag cleanse ka muna" medyo galit na sabi ni Ate Trese. Ni wala din akong ideya sa pinagsasabi nila.

Napabuntong hininga si Ate Trese, "Ako na ang bahala sa tyanak, Detective.. Hangga't maaari huwag mong huhubarin yang kuwintas" sabi ni Ate Trese at tumango ako.

"Huwag ka mag alala, Commander. Kapag na sa akin ka ligtas ka" sabi nya. "Basilio!" sigaw ni Paps at inakbayan ito. "Opss, one meter apart sa anak ko, baka nakakalimutan mong pulis ang ama nya" sabi ni Paps kay Basilio na di komportable sa tayo nila.

Americana // Reader x Basilio // FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon