Ako naman ang nagmaneho ng biglang nawalan na ng malay si Denver at agad ko namang pinaharurot ang kaniyang sasakyan papuntang hospital.
Malala na ang kalagayan nito dahil sa natamo nitong saksak sa tagiliran at tama ng baril sa balikat.
Agad din naman itong isinugod sa Emergency Room at sinimulan ng operahan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko dahil parang kinakabahan ako sa kung ano ang magiging lagay ni Denver. Mamamatay na ba siya? Huwag naman sana.
Habang hinihintay ko ang resulta, napagdesisyunan ko munang bumili ng pagkain dahil wala pa akong kain ngayong gabi at nagugutom na ako.
Papalabas na sana ako ng hospital ng biglang may nabangga akong isang lalaki at laking gulat ko ng makita ko kung sino iyon.
"Ivan?!" gulat na tanong at napangiti naman ito. Tama hindi ako namamalikmata, si Ivan nga itong kaharap ko. Pero ano ang ginagawa ng lalaking ito sa hospital na ito?
"Anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka nandito?" tanong ko dito.
"Nung umalis ng Comfort Room kanina, sinundan kita pauwi ng dorm but I saw you with your boyfriend and you are in trouble, paumanhin mahal na detective kung sinundan kita, nais ko lang naman siguraduhin na talagang ligtas ka" malambing na wika nito na naging dahilan upang ako ay mamula.
Did he call me mahal? Posible kayang mahal niya na talaga ako o baka concern lang siya sa akin. Bakit kasi mamulaklak magsalita itong si Ivan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip na ang ganda-ganda ko at isang apo ng isang sikat na detective ang nagkakagusto sa akin. Teka, masyado na yata akong assuming.
"Una sa lahat, hindi ko boyfriend ang lalaking iyon, hinding-hindi ko papatulan ang jerk na gangster na iyon. Ginawa ko lang iyon dahil may ibang taong papatay sa kaniya, gusto ko lang naman na ako ang tatapos sa buhay niya" mataas na boses na turan ko at mahinang napatawa si Ivan.
"Amg cute mo kapag ganyan ka" malambing na wika ni Ivan at hindi ko naman napigilan ang sarili kong mamula sa sinabi niya.
"Tara na Krisan, kailangan na nating umalis sa hospital na ito, magaalas-dyis na at kabilugan pa naman ngayon ng buwan. Ayaw ko pang mamatay Krisan kaya kailangan na nating umalis dito" lumingon kami sa isang nurse na halos maiiyak na habang dala ang mga bagahe nito.
"Pero Kate-"
"Bahala ka Krisan, basta ako ayaw ko na sa Haunted hospital na ito" kinakabang ani ng nurse at nagmadaling umalis palabas ng hospital habang ang nurse na tinawag niyang Krisan ay nagpaiwan at nag-aaalalang tumingin ito sa amin bago mabilis na tumakbo.
"Ano ba ang pinagsasabi nila, talaga bang haunted ang hospital na ito?" tanong ko kay Ivan pero wala akong sagot na narinig sa kaniya. Seryoso lang ito na oara bang may malalim na iniisip.
Natatakot na tuloy ako. Paano kung totoo ngang haunted ang hospital na ito? Matatakutin pa naman ako.
"Tama, isang haunted ang hospital na ito"
Bahagya akong napayakap kay Ivan ng biglang may nagsalita sa likuran namin. Agad naman kaming lumingon ni Ivan sa lalaking biglang nagsalita. Isa itong lalaking kasingtangkad lang ni Ivan at batay sa suot nito, isa itong nurse ng hospital na ito.
"Teka sino ka? Ikaw ba ang multo ng hospital na ito? Bakit bigla ka na lang sumusulpot?" sunod-sunod na tanong ko sa lalaking bigla na lang sumulpot sa likuran namin na nagibg dahilan ng pagyakap ko kay Ivan. But thanks to him, ang sarap kayang yakapin si Ivan.
"I'm Paolo Valdez, a currently nurse in this hospital" pagpapakilala nito sa amin pero pinutian ko lang ito ng mata. Ang ayaw ko sa lahat, ang ginugulat ako. Batay sa itsura ng nurse na ito, nasa 20's pataas na ang edad niya.
"Kayo sino kayo, magpapacheck-up ba kayo? Delikado na ngayon gabi at hindi na ligtas sa inyong kabataan na manatili pa sa hospital na ito" Paolo said.
"I'm Ivan Nicholas Thunder and this is Mayumi Tuazon, my classmate" pagpapakilala ni Ivan at biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.
Classmate? Hanggang classmate lang ba ang tingin niya sa akin?
"Yeah I'm Mayumi Tuazon, his CLASSMATE" wika ko at diniinan ang salitang classmate. Yeah, were classmate at mukhang hanggang doon lang iyon. Masyado lang kasi akong nagpapaka-assuming.
"By the way, pwede mo bang sabihin sa amin kung ano ang mayroon sa hospital na ito batay sa mga sinabi ng nurse kanina" ani ni Ivan. Batay sa reaksiyon nito, lumalabas na naman ang pagkadetective nito at mukhang interesado siya sa isyu ng hospital na ito.
"Well, totoo ang mga narinig niyo kanina na haunted ang hospital na ito" panimulang kwento ni Paolo na naging dahilan upang mapakapit ako sa braso ni Ivan. I hate scarry stories.
"Mahigit isang taon na ang nakakaraan ng mayroong napabayaang manganganak na pasyente ang hospital na ito, kabilugan din ng buwan ng mangyari ang insidenteng iyon. Ang pagkakaalam ko alas-dyis ng oras na nangyari iyon. May nagsidatingan kasi na mga reporters dito nung mga panahong iyon upang malaman ang kasikatan ng hospital na ito at lahat ng dalawampung doktor ang umattend sa interview na iyon. Wala na masyadong pasyente ng mga panahong iyon maliban sa manganganak na babaing iyon. Dahil sa interview, napabayaan na nila ang manganganak na babae sa room 66, maging ang mga nurse din kasi ay nasa interview din dahil ipapalabas daw sa TV ang pag-interview sa sikat na hospital na ito. At dahil sa kapabayaan ng hospital na ito, namatay ang babaing manganganak maging ang sanggol nito at doon nagsimula ang kababalaghan sa hospital na ito. Sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan at sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi, palagi kaming nakakarinig ng iyak ng sanggol sa room 66. May biglaan ding nagpapakita sa isang tv screen ng isang babaing duguan ang binti at hindi lang iyon ang pinakanakakakilabot sa hospital na ito, kundi ang biglaang may namamatay sa hospital na ito sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan" kwento ni Paolo at tuluyan na akong nakakapit kay Ivan.
Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa takot.
Ayaw ko na dito, gusto ko ng umuwi.
#IamVillain_1
YOU ARE READING
Detective Diaries (With A Mysterious pages)
Misterio / SuspensoThunder Series#1 Mystery is like a book. It has many pages that full of excitement and mystery. Hindi mo alam kung kailang matatapos ang misteryo o matatapos pa nga ba? Meet Mayumi Tuazon, an ordinary 17 year old girl but not the typical one. She li...