Page 10: Haunted Hospital Case (Part 2)

17 13 0
                                    


"Namamatay?" interesadong tanong ni Ivan at tumango naman si Paolo.

"Sa tuwing kabilugan ng buwan at sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi, may namamatay sa hospitak na ito, hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi higit pa sa tatlo at pawang mga doctor at nurse ang nabibilang sa mga namamatay. Ang dating dalawampung doktor, ngayon ay apat na lang. Natatagpuan ang mga bangkay ng mga namamatay sa room 66. Nakanganga lang ang mga ito, mulat ang mga mata at walang murder weapon ang nakikita mula noon kaya malakas ang kutob ko na naghihiganti na naghihiganti ang namatay na babaing manganganak isang taon na ang nakararaan. Kaya mas mabuti pang umalis na kayo rito hangga't hindi pa sumasapit ang alas dyis ng gabi lalo na ngayon na kabilugan ng buwan at June 13, 2021 na ngayon, anibersaryo ng pagkamatay ng babaing manganganak na iyon kaya mabuti pa umalis na kayo hangga't hindi pa huli ang lahat" kwento ni Paolo at para lang akong tuko na sobrang higpit ang pagkapit kay Ivan.

Bakit ko ba kasing naisipang pumunta sa Haunted hospital na ito? Dapat pala pinabayaan ko na lang ang Denver na iyon na bugbugin ng mga mukong iyon. Edi sana, payapa na akong natutulog sa dormitory ngayon.

"Alam ba ito ng awtoridad o kahit ng mga pulis man lang?" seryosong tanong ni Ivan kay Paolo.

"Nope, hindi dapat iyon malaman ng awtoridad alinsunod sa utos ng may-ari ng hospital na ito dahil tiyak na masisira lang ang image ng hospital na ito kapag nangyari iyon" paliwanag ni Paolo at nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Ivan.

Bahala siya kung interesado siya sa haunted hospital na ito, basta ako ayaw ko na dito, uuwi na ako.

Agad naman akong tumakbo paalis pero bago man ako nakakalayo ay biglang may nabangga akong isang lalaki. Batay sa suot nito, isa itong janitor ng hospital na ito. Nasa 30's na din ang edad nito. Galit na tingin ang ipinukol nito sa akin.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo!" nakakatakot at galit na sigaw sa akin ng janitor na nabangga ko na naging dahilan upang ako ay mapaatras sa takot. Hahampasin na sana ako ng janitor na iyon pero agad na dumating sina Ivan at Paolo, at hinarangan ako.

"Pasensiya na po, hindi po sinasadya ng girlfriend ko" pagpapaumanhin ni Ivan at bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito. Girlfriend niya ako? Teka classmate niya lang ako kanina ah. Ang bilis naman yata.

"Siya si Mang Fernan, ang adopted child ng nagmamay-ari ng hospital na ito. Palagi talaga siyang galit dahil hanggang janitor lang ang posisyon niya sa hospital na ito" bulong sa amin ni Paolo sa amin at sapat na iyon upang marinig namin iyon ni Ivan.

"Fernan, anong karapatan mong tumigil ka sa pagtatrabaho mo?" sigaw ng isang kakarating na doctor.

"May tatlong tunay na anak ang may-ari ng hospital na ito at siya si Doc. Michael, ang pangalawa sa tunay na may-ari ng hospital na ito" bulong muli ni Paolo.

"Anong binubulong-bulong niyo diyan?" nakakatakot na sigaw ni Doc. Michael na naging dahilan upang mapakapit ako kay Paolo. Agad naman akong hinila ni Ivan at doon pinakapit sa kaniya.

"Wala po" ani ni Paolo kay Doc. Michael.

"At ikaw hampaslupang janitor, bumalik ka na sa pagtatrabaho mo!" sigaw ni Doc. Michael kay Mang Fernan.

Grabe naman pala ang sama nitong si Doc. Michael. Kahit konti lang, hindi niya man lang itinuturing na kapatid si Mang Fernan kahit ampon na anak lang ito.

Napatigil na lang kami ng bigla kaming nakarinig ng isang sigaw na para bang may pinapagalitan. Mabilis namang tumakbo si Doc. Michael papunta sa kinaroroonan niyon. Maging kami nina Ivan at Paolo ay sumunod din kay Doc. Michael habang si Mang Fernan ay nagpaiwan na lang.

"Kahit kailan talaga Dennis, palpak ka palagi sa mga pasyente mo!" sigaw ng babaing doktor sa kapwa niya na doktor na tinawag niyang Dennis.

"Ang babaing iyan ay si Doc. Charity, ang panganay na anak ng nagmamay-ari ng hospital na ito at ang doctor naman na pinapagalitan niya si Doc. Dennis, ang doctor na anak ng kaibigan ng nagmamay-ari ng hospital na ito" bulong muli ni Paolo sa amin ni Ivan.

"Charity, itigil mo na nga iyan!" sigaw ni Doc. Michael kay Doc. Charity.

"Huwag ka ngang mangialam Michael, baka gusto mong ibuking ko ang sikreto mong ginagamit mo sa pagsusugal ang pera ng hospital" pagbabanta ni Doc. Charity at naglabas ng isang mapang-asar na ngisi kay Doc. Michael

"Ang sabi ko, tumigil ka na!" galit na sigaw ni Doc. Michael at napatawa lang si Doc. Charity.

"Pwede ba huwag kayong mag-iskandalo dito" wika ng isang kakarating na doktor.

"Iyan naman si Doc. Philip, ang bunso sa kanilang magkakapatid  at siya rin ang tagapagmana ng hospital at kasalukuyang namumuno sa hospital na ito. Malubha na kasi ang sakit ng kanilang ama at nagpapagamot pa ito sa ibang bansa" bulong muli sa amin ni Paolo.

"Wow, nagsalita ang nagmamagaling kong kapatid. Nagpapasikat ka na naman ba? Diba kaya ka lang naman naging tagapagmana ng hospital na ito ay iyon ay dahil sipsip kay ama" sarkastikong wika ni Doc. Charity at napayuko naman si Doc. Philip.

"Pwede ba Tita Charity, tama na. Hindi na kayo mga bata para pag-awayan ang mga ganyang bagay" saway ng isang bagong dating na dalaga at nilapitan si Doc. Philip.

Kasama pa nito ang nurse na naencounter namin kanina at ang pagkakaalam ko, Krisan ang pangalan ng nursa na ito.

Nagulat na lang ako ng mapansin kong galit na nakatingin sa akin ngayon si Krisan. Teka, anong ginawa ko sa kaniya?

"Ang dalagang nakisingit ay si Lory, ang anak ni Doc. Philip at ang nurse na kasama nito ay si Krisan Alcantara, actually si Krisan ang collagemate ko" muling bulong sa amin ni Paolo.

"Sige Lory, kampihan mo yang papa mo, diba diyan ka din naman nagmana, pareho kayong pasikat!" galit na sigaw ni Doc. Charity.

"Sumusobra ka na tita Charity!" sigaw ni Lory kasabay ng pagtulo ng mga luha nito. Agad naman itong niyakap ni Doc. Philip.

"Magsama kayong lahat. Magsama-sama kayo, ikaw Michael, Philip at Lory, magsama-sama kayo. Isama niyo na din ang palaging palpak na doktor na ito na naging dahilan ng pagkamatay ng babaing manganganak isang taon na ang nakararaan. Ikaw Dennis ang dahilan kung bakit naging haunted ang hospital na ito" galit na sigaw ni Doc. Charity.

"Teka, kasalanan natin iyon lahat" sigaw ni Doc. Dennis kay Doc. Charity.

Para lang akong nasa sinehan na nanonood ng drama slash with a liitle bit horror. Lumingon ako kay Ivan na seryoso lang na pinagmamasdan ang bawat kilos ng bawat isa.

Malamang iniisip nito na maaaring isa sa mga tao sa hospital na ito ang may kagagawan sa lahat ng misteryo sa hospital na ito.

Pero sino?

Mukhang hindi magiging madali sa amin ni Ivan ang paglutas sa misteryo ng Haunted Hospital na ito.

#IamVillain_1

Detective Diaries (With A Mysterious pages)Where stories live. Discover now