Not an a Happy Ending

676 42 10
                                    


"Girlfriend ko.." pagtawag sakin ni Darren. Habang nilalaro ang buhok ko.

"hmmm?" sagot ko.

Eto kasi kami ngayon nagmumuni muni.. Nasa park kami.

Nakahiga ako sa damuhan at si Darren naman nakaupo. Nakapatong yung ulo ko sa lap nya para magsilbing unan

almost 9 months and 13 days na kami ng Boyfriend ko..

Marami mang pinagdaanan.. pero eto kami patuloy na nagmamahalan.

"Girlfriend ko.. uuwi na daw si Mommy bukas galing japan" sabi nya at napatigil sa paglalaro sa buhok ko.

"Talaga? Edi.. finally makikita mo na sya sa personal? after 14 years.. Magkikita na kayo!" excited ako para sa boyfriend ko. Niyakap ko sya para maramdaman nyang masaya ako para sakanya.

"Girlfriend ko.. samahan mo ako bukas ha.. hindi ko kasi alam gagawin ko pag nakita ko sya eh" sabi nya sakin habang nakayakap ako sakanya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya

"Boyfriend ko, wag ka ngang ganyan.. namiss mo rin naman sya eh! Namiss karin nya. So mutual lang. wag kang mailang mommy mo yun e" sabi ko sakanya at niyakap ulit ako.

"Girlfriend ko.. Sana makita mo na rin yung Mommy mo noh, para ipakilala mo na ako sakanya.." saad nya

"Ay naku! ang drama na masyado boyfriend ko, Uwi na tayo mag gagabi na eh. Baka hinahanap na ako ni Kuya" tumayo na ako at lumakad palayo.. Namiss ko si Mama.. kaso ayun kailangan nyang magtrabaho sa Japan para mapa aral kami ni Kuya dito.. namimiss ko na sya. Siguro nagkikita sila ng mommy ni Darren dun.

"Girlfriend ko..." paghahabol sakin ni Darren.

"Boyfriend ko.. bukas pag nagkita na kami ng mommy mo.. pakilala mo ko ha" sabi ko habang naglalakad

"Oo naman no. Tara na ihahatid na kita" hinawakan nya yung kamay ko at naglakad na rin.

Malapit lang ang bahay namin dito kaya konting lakad lang nasa bahay na kami.

"Babye girlfriend ko.." pagpapa alam ni Darren saakin.

Hinalikan nya ako sa noo at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Boyfriend ko good night!" pahabol ko.

Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko si kuya na may kasama nanamang mga babae.

Hindi ko nalang iyon pinansin at umakyat na sa kwarto ko.

--

7am na nang magising ako.. maya maya may tumawag sakin.

"Bella! Nandito si Darren bumaba kana" sigaw ni kuya mula sa baba.

Bumaba ako at nakita ko si Darren na naka bihis na.

"Sorry hindi pa ako ready" bungad ko sakanila

"Its okay.. 9 pa naman yung arrival ni Mommy." sagot ni Darren

Naligo naman agad ako at nag ayos.

Bumaba ako at inaya na si Darren na umalis.

Sumakay kami sa kotse nya.

--

Nandito na kami sa airport at inaantay nalang ang mommy ni Darren. Kitang kita sa mata nya na excited na syang makita yung mommy nya.

"Ah Darren CR lang ako sandali" pagpapa alam ko sakanya

"Tara samahan na kita"

"Ay wag na intayin mo nalang dyan yung mommy mo" sabi ko sakanya

Pumunta na ako sa CR.

Maya maya may natanggap ako text galing kay Darren

'Kasama ko na ngayon si Mommy, nandito kami sa Jollibee'

Agad naman akong pumunta sa jollibee. nakita ko si Darren na tumatawa. kasama nya na siguro yung mommy nya.

Lumapit ako sakanila.. agad naman ako napansin ni Darren

"Ah mommy ayan na po sya. Girlfriend ko po.. Si Bella" bungad agad ni Darren.

Tumayo sya para hatakin ang upuan sa tabi nya.

Umupo ako dun.

"Hi po ti-" napatigil ako. Eto na sya?! Nakita ko si Mommy.. bakit sya nandito?! Wag nyang sabihin na sya ang Mommy ni Darren?! ano to iba tatay? shit Nagulat ako.

"Oh Girlfriend ko may problema ba?" tanong ni darren

Napailing nalang ako.

Si Mommy nakatingin lang sakin at parang nagsasabing 'namiss kita anak'.

"Mommy sya po yung girlfriend ko" Pagsasalita ni Darren.

Ano to?! Lokohan? Anak ng nanay ko si Darren? si Darren na Boyfriend ko?

"A-anak... girlfriend mo sya?" nanginginig na tanong ni Mommy kay Darren

"Opo. sya po yung ikinukwento ko na yung mommy nya taga japan din. Namimiss nya nga daw po yung mommy nya eh. " Saad ni Darren

"Darren.. Darren tama na" hindi ko alam kung bakit lumabas yan sa bibig ko pero shit lang. Hindi pwede to!

Lumabas ako sa fastfood at umiyak. Hays bakit sa lahat ng magiging kapatid ko Boyfriend ko pa? Bakit kasi ganun si Mommy.

"Bella ano bang nangyayari" tanong ni Darren sakin.

Grabe.. wala syang ka alam alam, naawa ako sakanya pero isa nalang talaga ang nararapat naming gawin.. ang nag hiwalay.

"Darren itigil na natin tong relasyon natin huhu mali itong ginagawa natin.." sabi ko sakanya habang umiiyak ako

"Girlfriend ko.. ano bang pinagsasabi mo? bat kaba umiiyak at bakit ka nakikipag hiwalay sakin?" naluluhang sabi ni Darren

"Darren! Ang Mommy mo at Mommy ko ay IISA! Magkapatid tayo Darren! Kaya itigil na natin to! ang tagal ng tinagal ng relasyon natin tapos sa huli magkapatid pala tayo?!" sabi ko sakanya halata naman sakanya na naguguluhan sya.

"Pero" dyan na sya umiyak ng sobra.

"Darren Sorry. Break na tayo" sabay lakad ko paalis.

Naiwan ko syang umiiyak. Tama nga sila lahat ng japayuki malandi! (nadala ng emosyon)

[Joke lang yan ah sa character lang yan at part ng story.. siguro kaya lang yan nasabi ni bella dahil dala ng emosyon. Sana po nagustuhan nyo)

THE END!

Andrama noh? hays.

Not an a Happy Ending (Oneshot) [Darren Espanto Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon