Buwan ng agosto Linggo ng wika usong uso ang balagtasan, pag awit ng mga makalumang pilipinong awitin at higit sa lahat sayawan at ang tema ngayon taon ay pista sa pilipinas, at etong mga pabida kong classmate e sasali na naman samantalang nung TLE month halos matanggal ang mga balakang namin kakasayaw ng trumpets na yan, dahil grade 7 kami ayon natalo pero masaya kami kasi ginawa namin best namin naalala ko ang dapat mag champion nun ay grade 8 kasi napakahusay ng gawa nila napapaisip ako "sino kaya nag turo sa kanila?", kahit matitigas katawan ng iba hindi nahalata dahil sa blockings na ginagawa nila. "Good afternoon class" magandang bati ng teacher namin sa filipino "Good Afternoon Bb. Tilapia" sagot ng pangkat namin "Dahil buwan ng Agosto ipag didiwang ang ating paaralan ang Linggo ng Wika at Gusto ko ay sumali kayo sa mga patimpalak ilista niyo kung sino sino ang sasali...." habang pinapaliwanag ni Bb.Tilapia ang criteria biglang bumulong si jasper sakin "sali tayo sa Indak Pista" "sige sali tayo babawi tayo sa pagkatalo natin" sagot ko sa kanya. Unti unting nabuo ang grupo namin na sasali sa sayaw "Piliin mo ang pilipinas" yung pyesang binigay samin teka teka anong gagawin namin dito? wala naman marunong bumuo ng sayaw sa amin pero kahit walang marunong lalaban padin kami, kinabukas nag meeting kaming mga kasali sa grupo "anong gagawin natin?" tanong ko sakanila "kuha tayo ng mag kokoryo satin!" sagot ni rica "e sino kukunin natin my kilala ka ba? o si kuya ace nalang ulit kaya?" sagot ng isa namin kagrupo "nakita niyo ba yung sayaw ng grade 8 nung tle month? di ba maganda sayaw nila tiga samin lang yung nag tuturo sakanila" pabidang sagot ni rica, so dahil sa pag pupumilit ni rica pumayag na ang lahat at pinag usapan na mag sisimula na yung practice bukas. Di ako nag punta ng unang araw ng practice namin at madami silang kwento tungkol sa koryong kinuha nila "grabe yung koryo talagang pinahirapan kami andaming bawal at strikto" kwento ni rainne sakin, sa mga salitang binibigkas nila e medyo natakot ako "ano pangalan nung koryo?" tanong ko kay rainne "si kyah" pangalan palang e nakakatayo na ng balahibo inimagine ko kung anong itsura at base sa kwento ni rainne may kagwapuhan daw tong si kyah, Pangalawang practice na ako nag punta at nalate ako inabutan kong nag sisimula na sila eto ang unang nakita ko ang koryo namin kagaya ng sinabi ni totoong nakakatakot siya dahil pala mura, strikto pero napaka husay neto magturo at nabalitaan kong wala pang talo ang mga tinuturuan niya kundi mag champion e 1st place lang ang pwesto niya so pressured kami mga teh, lumipas ang ilan araw hanggang naging isang linggo patapos na ang pageensayo namin at buo na ang pyesa medyo na mangha ako sa taong to dahil sa husay niyang bumuo ng konsepto at pyesang sayaw walang duda kung bakit nanalo ang nga tinuturuan neto "Kahit anong mangyare manalo o matalo kayo ang mahalaga ginawa ninyo makakaya niyo wag niyo asahang mananalo kayo" ang sabi niya sa amin at grabe yung mata niya, unang beses kong natitigan ang ganda ng mata niya brown na brown ito at natuwa ako di ko alam kung ano yung gayak na nararamdaman ko, naging matalik kaming magkaibigan ni kyah at sa sobrang close namin e kinagaanan ko siya ng loob ibang iba siya kapag nag tuturo at humaharap samin dito ko na patunayan na ang dragon ay may puso at kaluluwa din, malambing, mabait at maalaga siyang tao sabi niya ganon siya sa lahat dahil gusto niyang maramdaman namin na special kami, dumating ang araw ng patimpalak nagawa nmin ng maayos ang lahat ng naituro niya at nasungasungkit namin ang 1st place sabi niya sa amin "job well done" na kinagaaanan namin ng loob dahil mula sa isang koryo na di namin kaano ano e tinuring kaming pamilya. Di pa dito natapos yung pagtturo niya sa amin dahil bawat contest namin ay siya na ang kinukuha namin tigapag turo at habang patagal ng patagal di ko namamalayan na nahuhulog na ako sa kanya pero di pwede lalaki ako dapat babae ang magustuhan ko sino ba naman ang di mahuhulog sa isang tao na napaka sweet naramdaman ko special ako sakanya kahit alam kong ganon siya talaga sa lahat at malabong magkagusto siya sa sakin.
BINABASA MO ANG
Tama Nga Ba Ang Mali?
Random"Love Is Universal, You Can't Define One" Pano kapag buong akala mo simula ng bata ka ay isa kang tunay na lalaki, pano kung sa isang iglap ang puso mong matigas ay biglang lumabot at nagising ang babaeng kaluluwa sa pagkatao mo? pano? bakit?,