---
YMSD. Chapter 20
@CCCchan
---
Maagang nagising si Ashlee. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi o mas tamang sabihing natulog nga ba siya kagabi? Sa dami ba naman ng iniisip niyang 'kamanyakan'. Chos!
ASHLEE'S POV
Biro mo kasing nasa kabilang kwarto lang si Van, ewan ko na lang kung makakapag-isip ka nga ng matino.
Para akong sinisilaban kagabi -___-
*Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang halayin si Van. Hay nakoo, Ash, masyado ka ng nagiging manyak ngayon.
Hiyang-hiya naman ako sa 'yo!
Pumunta ako sa lababo para wisikan ng tubig ang mukha ko. Baka sakaling mahimasmasan ako at matanggal ang sumanib na demonyong espiritu sa 'kin.
"Goodmorning Baby."
"Ay punyenye ka!" Napapitlag ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod with matching bulong ng 'goodmorning'. Nahampas ko siya sa braso 'pag harap ko. "'Wag mo nga 'kong ginugulat, Van!"
"Nerbiyosa ka pala, Ash." sabay tawa. "Sorry baby." pagkasabi niya nun, hinalikan niya ko sa noo. Sweet. "What's for breakfast?" tanong niya habang naghahalungkat ng kung ano sa dining table.
"Anong breakfast? Umuwi ka na sa inyo. 'Dun ka na kumain. Baka malate ka pa mamaya, may pasok pa tayo."
"Hindi na 'ko uuwi. Nilabhan ko na kagabi 'yung uniform ko including my undergarments." tumaas baba pa ang kilay ng unggoy. "Eto nga oh, suot ko na ulit. Nilagay ko 'to sa dryer kagabi tsaka ko sinampay sa banyo. Kaya pagkagising ko kanina, tuyo na. So ang mangyayari ngayon, sabay na tayong papasok. Ang galing ko 'no?" nakangisi niya pang sabi.
Dinampot ko ang kutsara sa mesa saka binato sa kanya. Sapol sa noo niya. Tanga!
"Aray! Ba't mo naman ako binato?" sabi niya habang hawak ang noo at nanlalaki ang mata.
"Ibig sabihin, wala kang kahit na anong suot kagabi?"
"Nakakumot naman ako eh. Tsaka ako lang naman mag-isa sa kwartong 'yun. Bakit ba?" nagtatakang tanong niya.
Impaktong lalaking 'to. Kaya pala iba 'yung aura ng dingding na nakapagitan sa kwarto namin kagabi. May ginawa pa lang kababalaghan.
Nararamdaman kong namumula na naman ang pisngi ko. Nakita ko naman na nakatitig lang si Van sa 'kin at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya.
Humalukipkip siya at sumandal sa may lababo. "'Wag mong sabihing inimagine mo ang itsura ko habang walang damit, Ash, kaya ka namumula ng ganyan?"
"Tigilan mo ko sa kababuyan mo, Van." mag-wo-walk out sana ako ng bigla niyang hinarangan ang dadaanan ko. "Ano 'yan?" sabay turo ko sa braso niyang nakalapat sa dingding. It means na-corner ang lola niyo.
"Affected ka rin pala sa mga bagay na 'yun, ano? I'm overwhelmed. Kasi nalaman kong may pagnanasa rin pala ang girlfriend ko sa 'kin." hinahaplos niya ang pisngi ko habang sinasabi 'yun.
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...