44

20.5K 632 198
                                    

never learned to read my mind... I gave so many signs... so many signs~

______________________________________

It's monday again and that only means one thing... WORK. Wala akong ganang magtrabaho ngayon pero kailangan dahil huling photoshoot na ito para sa hot magazine at pagkatapos nun ay tapos na ang kontrata ko sakanila.

"yes?" pumasok ito sa loob ng silid ko. Kunot noo ko siyang pinagmasdan dahil parang first time niya lang dito sa kwarto "ate baka gusto mo rin mag tour sa loob ng banyo magsabe ka lang" isa isahin ba naman yung mga gamit ko eh puro lang naman mga polaroids, paintings at mga pictures ang nakasabit

"baliw hindi ba pwedeng may tinitingnan lang?" pairap na sabi nito, palusot "spill ate" sabi ko sakanya habang inaayos yung mga gamit na dadalhin ko. Hindi ito umimik pero maya maya pa'y narinig ko ang mabigat nitong pagbuntong hininga.

ang lalim naman nun

"nothing"

"not believing you" sabi ko at tinuloy ang pag aayos

"o-okay... I'm going back to mexico-- for good" natigil ako sa ginagawa ko, dahan dahan kong nilapag ang mga hawak kong mga gamit bago siya nilingon "what do you mean for good?" napaiwas siya ng tingin pero binalik niya rin bago niya ako nilapitan pagkatapos ay iginiya paupo sa kama habang siya ay nakatayo sa harapan ko

"you know what I mean levi"

"know what? hindi ko nga alam, naka shabu ka ba ate?" sinamaan niya ako ng tingin pagkatapos ay nakatanggap ako ng malakas na batok mula sakanya. tsk

"pwedeng magseryoso ka naman paminsan minsan"

"seryoso ako bakit kasi kailangan mo pang umalis ate cass, uuwi rin naman si papa"

"c'mon why don't you just tel-"

"because I have to!" nabibiglang tiningnan ko ito dahil sa pag sigaw niya

"I have to" ulit niya pa but this time mahina na habang hawak niya ang mga kamay ko pero umiling ako sakanya

"dahil kailangan mo?" natatawa kong sambit habang umiiling na ikinayuko nito, pinagmasdan ko siya ng matagal hanggang sa may naalala ako

"magtapat ka nga sakin ate, may kinalaman ba rito yung huling pagtatalo niyo ni mama?" seryoso kong saad, kagat labi itong umiling but based on her body language ay halatang nagsisinungaling siya kaya umiling ulit ako "just tell me the truth ate dahil hindi kayo magtatalo ng ganon ni mama kung walang mabigat na dahilan"

"I think you need to get ready baka ma late kapa sa trabaho mo" pinigilan ko siya ng magtatangka sana itong umalis. Matagal na akong nagsususpetya sa mga kilos nilang dalawa ni mama "hindi mo talaga sasabihin?" hindi ito nagsalita kaya napatiim bagang ako pero alangan namang pilitin ang ayaw diba?

"when?" tanong ko nalang, binitawan ko ang kamay niya pagkatapos ay tumayo ako bago siya tinalikuran dahil nagtatampo ako sa biglaang desisyon niya

"this Wednesday" napapikit akong tumango dahil ayoko talaga sa ideyang aalis siya, nakakadissapoint lang dahil hindi manlang niya sinabi ng mas maaga para makasama ko pa siya ng matagal. Pwede naman siyang bisitahin dun pero matatagalan pa

"hindi mo hihintaying makauwi si papa?" malungkot kong tanong sakanya

"I'm sorry levi"

"o-okay"

katahimikan ang bumalot samin akala ko ay lalabas na siya ng kwarto pero narinig ko ang papalapit niyang mga yabag hanggang sa naramdaman ko ang pagpulupot ng mga bisig niya sa katawan ko. Humarap ako sakanya at sumalubong sakin ang malungkot niyang mga mata pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa hinalikan niya ako.

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon