It’s been exactly five years simula nung magkahiwalay kami ni Jommel. Well… it’s my decision to move to Australia para makalimutan sya at maghilom ang sugat na dulot ng pag-ibig ko sa kanya..
Masyado bang emo ang dating? Wala eh. Yun talaga ang nararamdaman ko.
Akala ko, kapag lumayo ako at tuluyan ko na syang hindi makita, mawawala na lahat ng sakit, mawawala na ang pagmamahal ko sa kanya, ngunit.. nagkamali ako. Nandito pa rin lahat sa dibdib ko..
Parang kahapon lamang nangyari ang lahat……
****
“Marj, bilisan mo naman, mahuhuli na tayo sa school!”
Sabi ni Jommel.
“Oo, wait lang, eto na nga oh, nagsasapatos lang.”
“haha.. ang bagal mo kasi”
nang-iinis pang sabi nya.
“hmmp! Tse! Tara na nga!”
kunwari ay naiinis kong sabi sa kanya.
Hindi ko matandaan kung kailan nagstart ang closeness namin. Basta nakamulatan ko na lang na sya ang lagi kong kalaro nung bata ako kasama ang mga pinsan ko. Magkalapit din kasi ang mga bahay namin. Hanggang sa nag kinder at elementary, naging magkaklase kami ni Jommel at lagi pa ring magkasama. Araw araw ay sabay kaming pumapasok sa school, lagi syang pumupunta sa amin pag may assignments kami at sabay namin yun ginagawa.
Close na close din ang mga magulang namin, minsan nga tinutukso nila kami sa isa’t-isa. Natatawa nalang kami sa mga biro nila. Pero deep inside, nangangarap din ako na matupad yon, na sana maging totoo iyon lahat, dahil lingid sa kaalaman nila, mahal ko sya. Hindi ko din alam kung kelan nag-umpisa ang feelings ko sa kanya, basta.. nagising na lamang ako isang araw na hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya. Akala ko nung una crush lang, katulad ng normal na mga bata..pero sa pagdaan ng panahon na kasama ko sya, naramdaman ko, iba na. Alam ko, higit na sa paghanga lang ang nararamdaman ko.
Hanggang sa mag-highschool na kami, lalo kaming naging close sa isa’t-isa. Nagsasabihan kami ng mga crush namin at sa tuwing sasabihin niya kung gaano kaganda si Janel, (his ultimate crush) kung gaano katalino si Janel, kung gaano kaperfect si Janel, unti unting nadudurog ang puso ko. Syempre, hindi ko pinapahalata yun, nagkukwento din ako ng mga tungkol sa mga crushes at manliligaw ko.
“Jommel, what do you think of Edward?”
Ang sabi ko kay Jommel habang nakaupo kami sa seat namin sa classroom habang hinihintay yung teacher namin na dumating. Si Edward pala eh yung classmate namin na nanliligaw sa akin.
“Ok lang.”
“Ok lang? Yun lang? Wala ka man lang bang mas mahaba-habang comment dyan?”
Haayy..nakakainis naman to’ di man lang magselos! >.<
“Wait, I have an idea, pagselosin natin!”
ang biglang sabi ni Jommel.
“Hmm..sounds exciting, sige..sige *O*”
Excited ako dahil magkakalapit kami lalo ni Jommel.
Nagulat ako ng bigla syang humilig sa balikat ko.
“Sshh..sumakay ka lang, nandyan sya sa likod natin, nakatingin. Akina yung kamay mo”
“Ha? Bakit?”
ang naguguluhang sabi ko.
“Basta, akina”
ang sabi niya.
Nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko na nasa desk ng upuan ko. He intertwined his fingers into mine. Nagholding hands kami. Wow. It was a strange feeling.. Di ko maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (One Shot)
Teen FictionPaano kung mainlove ka sa bestfriend mo? Handa ka bang sumugal at ipagtapat ito? O habambuhay mo na lang itong itatago?