CHAPTER 32

8.9K 221 2
                                    

Ynna's POV:

WARNING: To my sensitive readers out there if you are not comfortable with this scene and if you find it disturbing you can escape this part and proceed to the next chapter. Violence ahead❗

Palipat-lipat ang tingin ko sa mga kalalakihan sa loob ng bahay namin, pagkatapos ng labing-labing namin ni Czech ay sabay rin kaming naligo doon na rin ako nagbihis ngunit si Czech ay sa bahay na nagbihis.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko o kung anong sasabihin ko. Umalis ako nang bahay upang maligo tapos pagkarating ko may mga tao ng nandidito sa bahay, tapos mga lalaki pa. Hindi lang isa kun'di tatlo at kilala ko ang mga ito dahil minsan rin naming nakasabay ni Rheyo sa pangingisda.

Palagi rin nilang tinutulungan si tatay mag buhat ng mga kahon na naglalamang isda. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila rito sa bahay, hindi ako nagulat dahil nandito sila dahil ang totoo niyan sanay na akong minsan nandito sila sa bahay.

Ang ikinagulat ko ay bakit ang dami nilang bitbit, tapos may pa-bulaklak pang nalalaman, ano 'yon may kamag anak ba silang namatay at kailangan may bulaklak?

Jusko naman 'di ko sila maintindihan, bukod sa dala nila purmado rin ang kanilang suot. Naligaw siguro eh, 'no?

Napatingin ako kay Tiya ng may sinabi ito na di'ko naman naintindihan ng maayos dahil mahina lang ang pagkakasabi.

"Y-nna, ang ganda mo lalo ah..." Napabaling ang tingin ko kay Ares ng magsalita ito, isa siya sa tinutukoy kong buwesita.

"Pumuti kana rin." Ani naman ni Janny.

"Para sa'yo , Ynna. Sana magustohan mo." Napangiwi ako ng may inabot sa akin si Weng na isang supot na hilaw na mangga, bigla akong natakam dahil paborito ko talaga ang mangga lalo na kung hilaw tapos sawsawan niya ay mahanghang na baguong. Sarap!

Hindi ko alam kung kaninong supot ang aabutin ko dahil sa dami nun, may hawak pa akong tatlong bungkos ng bulaklak. Kahit nagugulohan ako sa pinnggagawa nila ay inaabot ko na iyon dahil sayang naman diba?

Ikaw na nga 'tong nilalapitan ng grasya tatanggihan mo pa. Napatingin ako kay Riana ng tumikhim ito at ngumuso na para bang may itinuturo, sinundan ko ang direksyong iyon at ayon na naman ang nakakamatay niyang tingin, kulang nalang humandusay ang tatlong pugo sa sama ng ipinupukol niyang tingin. Hindi lang silang tatlo kun'di pati na rin ako.

Lalong nagdilim ang mga mata ni Czech ng bumaba ang tingin nito sa hawak kong bulaklak bigla naman akong nataranta at nabitawan ko ang mga 'yon.

May bumangga sa likuran ko at walang awang inapakan ang mga bulaklak at dahil malaki siyang tao ay nagkapira-piraso iyon.

Wasak na wasak ang bulaklak dahil sa ginawa ni Czech ni minsan hindi pumasok sa isipan ko na magagawa niya 'yon. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa bulaklak, ang ganda ng pagkakaayos niyon kanina pero ngayon parang tinamaan ng ipo-ipo.

Pati iyong isang supot ng mangga na hawak ko ay nahulog na rin, pakiramdam ko may kung anong masamang espirito ang pumasok sa katawan ko at pinulot ko ang isang pirasong mangga at binato ko kay Czech na agad naman niyang nasalo kahit nakatalikod siya sa amin.

Mas lalo akong nainis at sunod-sunod kong binato iyon sa kaniya. Inaawat na rin nila ako ngunit nilamon na ako ng pagkainis sa kaniya hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito, hindi ko alam kung ano bang problema ng kulang-kulang na'to!

"Bweset ka talaga kahit kailan! Naiinis ako sa'yo!" Sigaw ko sa kaniya at hindi pa ako nakuntento at binato ko siya ulit ng pagkalakas-lakas, sa pagkakataon na'to ay tinamaan na siya malapit sa kaliwa niyang kilay.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon