Kabanata 7

13 3 0
                                    

Dumating ang hapon at tapos na rin kaming mag decorate ng simple para sa birthday ni yaya. Nagpaalam rin siya kay mommy at pumayag naman sila.

Nagpaalam ako kay yaya na aakyat muna ako saglit upang maligo. Pumayag naman siya at sinabing maliligo na rin siya.

Dumiretso na agad ako sa banyo upang makaligo na. Hindi naman pwedeng mangamoy ewan ako sa harap ni Nikolo namaya.

Pangiti-ngiti pa ako habang nag shashampoo.

Pagkatapos ko ay nagsuot lamang ako ng simpleng white puff dress at white doll shoes. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko dahil basa pa naman. Pinatakan ko rin ng kaunting liptint ang aking labi upang pumula naman kahit papaano.

Sinilip ko ang aking cellphone para tignan ang oras, 6pm na pala. Kaya naman bunaba na agad ako upang tulungan si yaya.

Nakita ko siyang nagbubuhat ng pagkain para ilagay sa lamesa, kaya naman dali-dali akong lumapit upang tulungan siya.

"Birthday girl, ako na po!" Maligayang bati ko sakanya

"White Lady, ako na. Nakakahiya namang pagbuhatin ka at napaka puti ng iyong suot," humalakhak pa ito.

Kaya naman naupo nalang ako sa isang upuan na naroon sa lamesa.

Makalipas lamang ng ilang minuto ay ayos na ang lahat. Narito na rin ang iba pang mga kasambahay na inimbita ni yaya at pati ang mga drivers.

Ako naman ay nasa lamesa na at kumakain na habang si yaya ay naghihintay pa ng mga bisita niya.

"Mabuti't nakarating kayo, Gemma!" Maligayang bati ni yaya kaya naman napatingin ako sa kanila.

Halos mabulunan ako ng makita ko si Nikolo na naka gray shirt at pantalon. Kasama rin nila si Sean na naka polo shirt naman at naka shorts lamang.

Ngunit ang mas tinignan ko ng maigi ay ang babaeng nakahawak sa braso ni Nikolo at may dala itong paperbag sa isang kamay, regalo niya siguro kay yaya.

"Maligayang kaarawan, Biring!" Sabi noong nasa midst forty na babae na kung hindi ako nagkakamali ay nanay ni Nikolo.

"Salamat, Gemma. Ay halikayo't umupo kayo roon sa lamesa para makakain," wika ni yaya. "Ipapakilala ko rin sainyo ang alaga ko."

"Happy Birthday po, nay Biring!" Bati naman noong kasama ni Nikolo, sabay abot ng paperbag kay yaya. "Para po sainyo ito. Sana po ay magustuhan ninyo," ngumiti pa ito kaya naman napairap ako.

"Naku naman Noryze, nag-abala kapa. Halina kayo't para makakain na," kaya naman ibinalik ko ang aking mata sa kinakain ko para hindi nila mahalatang nakinig ako sa usapan nila.

Nang makarating ay napatingin sila sa aking gawi, kaya naman napatayo ako.

"Heto nga pala si Lylanie, ang alaga ko," wika ni yaya. "Lylanie, si Gemma, ang nanay ni Nikolo," nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ng nanay ni Nikolo habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakayuko tuloy ako.

"Magandang araw po," sabi ko at tumingin sakanila upang ngitian.

"Magandang araw din, Lylanie! Napakaganda mo naman!" Maligayang bati sa akin ni Noryze kaya naman nakagat ko ang loob ng aking pisngi dahil sa bati niyang iyon.

Nakasuot siya ng itim na skirt at puting tube. Hulmang-hulma ang kaniyang katawan... She's beautiful too.

"Uh, salamat. Ikaw din..." Pahina ang boses kong sabi.

"Oh siya, umupo na tayo't para makakain na,"

Umupo naman sila kaya napaayos ako ng upo. Katapat ko si Noryze at katabi niya si Nikolo. Si along Gemma naman ay katabi ni Sean at si yaya naman ay katabi ko.

"So hija, nag-aaral kapa ba?" Napatingin ako kay aling Gemma dahil sa tanong niya.

"Uh, yes po. I'm a grade ten student po... Sa First Asia."

Tumingin ito kay Nikolo. "Aba pareho pala kayo ng pinapasukan nitong si Nikolo,"

Ngumiti ako. "Yes po."

"So kumusta naman ang anak ko? Marami bang umaaligid rito? Sa gandang lalaki nito ay paniguradong marami!"

Nagkatinginan kami ni Nikolo. Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga dahil sa sinabi ng kanyang nanay.

"Naku tita! Malabo po 'yan. Bantay-sarado ko yata 'to!" Wika ni Noryze at siniko pa niya si Nikolo kaya naman kumunot ang noo ko.

Marami pa silang pinag-usapan at ako nama'y patuloy lang sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako upang kunin ang cake ni yaya.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday my dear yaya, happy birthday to you!" Pagkanta ko habang papalapit sakanya na nakaupo.

Kita ko naman ang paiyak ng mga mata ni yaya.

"Ikaw talagang bata ka, oo!" Pumikit siya at inihipan na ang kanyang cake.

Nagulat ako ng dumampot si Sean ng kaunting icing at ipinahid ito sa pisngi ko.

"Ayan ma'am, mukha ka ng cake!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin at sabay dumampot rin ako ng icing para ilagay rin sa kanyang mukha.

"Sali naman ako!" Si Noryze at kumuha rin ng icing at nakipaghabulan na rin sa amin.

Hanggang sa nalagkitan na kami bago kami tumigil. Kita ko naman ang tatawa-tawang si yaya at si aling Gemma. Habang ang mukha naman ni Nikolo ay hindi maipinta habang nakakrus ang kanyang mga braso.

Ilang minuto pa bago kami huminto. Nakita kong sinamaan ng tingin ni Nikolo si Sean. Inabutan ko naman ng wipes ang dalawa at sinimula naring linisin ang sarili.

Ngunit pag silip ko kay Noryze ay nakapikit siya at nakabusangot ang mukha ni Nikolo habang pinupunasan ang mukha nito.

"Sorry na. We enjoyed! Kj ka kasi."

"Paling sa kaliwa," rinig kong iritadong bulong ni Nikolo.

Napairap na lamang ako habang pinupunasan ang sarili ko.


Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now