Kabanata XLIII: Ang Pagkawala Ng Bai
--
Ireah's PoV
Inis kong ibinagsak ang sling bag ko sa tiles na lababo ng comfort room, at humarap sa salamin. Nakakainis talaga ang Huadelein na 'yon, napahiya tuloy ako sa maraming tao, bwiset! At hindi ko rin alam kung anong tinawag niya sa'kin kanina "uripon" ? Di ako sure basta naiinis ako sa kanya.
Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha ko ang make-up ko, at nagretouch. Nawawala ang kagandahan ko dahil sa mga tomboy at mga bakla na feeling magaganda, eh! walang-wala naman sa kalingkingan ko ang mga 'yon. Lalo na si Huadelein na kinababaliwan ni Dos, kainis!
"Nandito pala ang babaeng napahiya ni Huadelein." Wika ng babaeng kapapasok lang.
Wow! Isa pa 'tong bruhang 'to na inggit sa kagandahan ko!
"Ano naman sayo kung napahiya ako? Huwag mo naman sabihin na naiinggit ka rin sa kagandahan ko!" Wika ko sa kanya.
Nakatingin siya sa harap ng salamin at inaayos ang buhok niya, atsaka naglipstick pagkatapos ay nagsalita siya.
"Excuse me, Ireah. Kung may dapat na mainggit sa'ting dalawa dito, walang iba kundi ikaw dahil ako ang girlfriend ni Dos, eh ikaw? Gumamit ka lang ng gwapong lalaki para may matawag kang boyfriend." Wika niya atsaka ipinasok sa cheap niyang sling bag, ang lipstick niyang kasing cheap niya.
"Oh! Bakit Lyka pinagmamalaki mo na ngayon ang likas na pagiging malandi mo? Eh di ba nakuha mo lang naman si Dos, dahil sabi mo libre kang gamitin ni Dos na panakip butas, at gamitin ka para pagselosin si Huadelein? Ang tanong effective ba? Atsaka hindi ka itinuturing ni Dos na girlfriend. So, meaning wala talaga kayong relasyon at anytime pwede ko siyang maagaw sayo." Saad ko, atsaka ko naglagay ng chili M.A.C redlipstick sa lips ko.
"Eh di makakarating kay Argo 'tong mga pinagsasabi mo ngayon!" Wika nito na humarap sa'kin, habang ako nakaharap pa rin sa salamin at hawak ang lipstick ko.
Tinatakot niya ba 'ko? Oooh! Scared ako girl!
"Si Argo? Wala kang alam sa relasyon namin, pwede ko siyang palitan anytime pwede kong gawin, ang gusto kong gawin! Kahit sabihin mo pa kay Argo ang usapan natin ngayon, magkikibit-balikat lang 'yon kung gusto mo samahan pa kita." Ani ko sa kanya atsaka inayos ko na ang lipstick ko at ipinasok sa bag ko.
"Hindi ko alam na ganyan ang ugali mo Ireah, kung malandi ako mas malandi ka!" Wika nito sa'kin.
Inalis ko naman ang mga lampas na lipstick sa gilid ng lips ko habang nakaharap pa rin sa salamin, atsaka 'ko nagsalita.
"Ooohps! Dahan-dahan sa pagsasalita Lyka, di ba ikaw 'tong kab-break pa lang ni Dos sa girlfriend niya umiksena ka agad, ako may nag offer sa'kin na pwede ko siyang maging rebound. Tinanggap ko lang, so ika nga 'grab the opportunity' pero 'yong sayo, ang tawag sayo 'the abangers' so, sino sa ating dalawa ang mas malandi?" Tanong ko at hindi naman na siya nakapagsalita pa.
Ipinasok ko na ang make-up ko sa bag at isinara ito, at lumakad na 'ko palabas. Ang gaga na si Lyka naiwan na naka tanga sa comfort room.
"Munch..." Tawag sa'kin ng kilala kong boses.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Teen FictionManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...