EPISODE 4: PUMILI

3.7K 44 8
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

EPISODE 4
PUMILI

          
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng maramdaman kong wala akong katabi. Kinusot ko ang mga mata habang hinahanap si Stella. Tiningnan ko sa banyo at pati na rin sa kwarto ko pero hindi ko siya nakita kaya napagpasyahan ko na bumaba.

Agad nanlaki ang mata ko nang makababa ako. Natagpuan ko kasing malinis at tahimik. At hindi lang iyon dahil nasa dining table si Stella kasama sina mama at papa na nagaalmusal.

"Ate!" bulalas ni Stella ng makita ako. Ibinaba niya ang tinapay na kinakain at tumakbo palapit sa akin para yakapin ako. Matapos nun ay hinila niya ako papunta sa lamesita para magalmusal din.

Naiilang ako na tumingin kina mama at papa nang maupo ako sa tabi ni Stella. Nagtama aang mga mata namin ni mama at ngumiti lang ako.

Tahimik kaming nagalmusal at kung minsan ay kinakamusta nila mama at papa si Stella. Nalungkot ako para sa sarili ko dahil hindi man lang naggawang kamusthain nila. Anak pa rin naman niala ako.

Naninibago at nakakapagtaka ang kinikilos ng magulang ko pero ganun pa man ay hinayaan ko na lamang sila. Si mama ang nagasikaso kay Stella mula sa pagligo hanggang sa pagbihis habang si papa naman ay nagasikaso ng gawaing bahay.

Narito ako ngayon sa kwarto ko at nakatilala si kisame. Hinayaan ko na punatak ang mga luha ko dahil naalala ko na naman si Tito Rembert at si Sir Edward.

Nakakatawang isipin na wala man labg akong lakas na loob na magsumbong o ikwento ang nangyari sa akin dahil natatakot ako. Natatakot na may halong pandidiri para sa sarili. At isa pa, hindi ko naman alam kung paano ikwekwento ang pambababoy na ginawa sa akin.

Lumipas ang ilang oras ay narinig ko ang pagbonding nina mama, papa at Stella. Rinig ko ang mga tawa nila mula dito sa kwarto samantalang ako, heto mag isang pinapasan ang problema. Mukhang nakalimutan ata nilang may isa pa silang anak pero ganun pa man ay masaya ako para kay Stella.

...

"Ate, kakain na." nagising ako sa boses ni Stella.

Pagmulat ko ay hinawi pa niya ang mga buhok na humarang sa mukha ko. Nakangiti siya sa akin sabay pisil ng pisngi ko.

"Halika na ate, kakain na." paguulit niya pa.

Tumayo na ako at sabay kaming pumuntang dining area. Nang makarating sa lamesita ay maraming pagkain ang nakahanda. At ang magulang namin ay abala sa paglagay ng mga katamitan sa pagkain. Naguguluhan man pero hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil matagal na ito ng huling nangyari, ang asikasuhin kami ng magulang ko.

Pinagmasdan ko lang ang pamilya ko habang kumakain. Gusto ko pang manatili. Gusto ko pa na magkaroon ng rason na mabuhay.

"ATE!" nabalik ako sa reyalidad ng matagpuan na umiiyak pala ako. Hindi ko alam kung bakit pero basta na lang ako naiyak.

Napatigil sa pagkakain sina mama at papa at tumingin sa akin. "Anong drama na naman yan?" tanong ni papa at umiling lang ako kasabay ng pagpunas ng mga luha ko.

"Maliliit na gagamba,
Umakyat sa sanga.
Dumating ang ulan
At tinaboy sila.
Sumikat ang araw,
Natuyo ang sanga.
Ang maliliit na gagamba ay palaging masaya!" pagkanta ni Stella habang nakayakap sa akin. Ipagpapatuloy pa sana niya ang pagkakanta ng sawayin siya ni mama.

"Stella, tumigil ka sa pagkanta. Kung ano-ano ang itinuturo sa iyo ng ate mo."

"Eh sabi po ni ate kapag naiiyak o nasasaktan kumanta lang daw po ng maliliit na gagamba para sumaya ulit." inosenteng sagot ni Stella at napailing din sina mama at papa.

"Ok lang ako Stella, kumain ka na." sabi ko at sinunod naman niya ako.

Tahimik namin na tinapos ang tanghalian. Matapos nun ay pinatulog ko si Stella dahil kakausapin daw ako nila mama at papa.

Kasalukuyan akong nasa harap nila mama at papa. Nakita ko ang pagtitinginan nila na tila ba ay nagsesenyasan na magsalita na.

Bumuntong hininga ako bago ko mapagpasyahan na ako na ang mauunang magsalita. Nilakasan ko ang loob ko ngayon para sabihin ang nangyari sa akin.

"Ma, Pa. Ginaha–" pinutol ni papa ang sasabihin ko.

"Maghihiwalay na kami ng mama mo. Ikaw ang pumili kung kanino mo gusto sumama. Kung sino man ang piliin mo sa amin ay doon din sasama si Stella." walang emosyon na sabi ni papa.

Tila huminto ang mundo ko sa narini. Sa hindi inaasahan ay tuloy tuloy na nagsitulo ang nga luha ko. Paano nila naggawang sabihin ito sa akin?

"Pumili ka." utos ni mama.

Sa sobrang galit ay naihampas ko ang dalawang kamay sa lamesa ng malakas na siyang dahilan para magulat sila.

"Wala akong pipiliin."

"Ni minsan ba naisip niyo na may anak na maaapektuhan sa mga desisyon niyo. Sumagi ba sa isip niyo na nasaaaktan kami ni Stella. Sa mga away at bati ninyo, naisip niyo ba na nakikita namin kayong nagkakagulo?"

Isang malakas na sampal ang nakuha ko kay mama.

"Sumasagot ka na at ngayon kwinekwestyon mo pa ang pagiging magulnag namin."

Imbes na sumagot ay umalis na kamang ako at patakbong pumunta sa kwarto. Agad akong nahiga at itinaklob sa buong katawan ang kunot.

Hindi ko kwinekwstyon ang pagiging magulang nila ang kwinekwstyon ko ay kung minsan ba ay sumagi sa isip nila na may anak silang naapektuhan sa tuwing magaaway sila.

Ayokong mamili dahil magulang ko sila, wala dapat pagpipilian. At alam kong sa oras na mamili ako ay nakasasakay na din doon ang magiging buhay namin ni Stella.

Sa ilang beses na pagkakataon, muli na naman akong nagisip kung paano papatayin ang sarili. Sa loob ng utak ko ay namimili ako kung ano nga ba ang pipiliin kong papatay sa sarili.

Lubid.
Sleeping pills.
Blade.
Kutsilyo.
Lason.

Napakarami kong pagpipilian at anumang oras ay pwedeng kong kunin ang isa sa mga iyon at gawin ang isang bagay na matagal ko nang gusto...

ang mamatay.

Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga.

Wala ng rason na natitira para mabuhay ako.





M I S T E R C A P T A I N

Salamat sa pagbasa!

Professor










Hdjdvdjdks

TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon