RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide...
EPISODE 6
ANGHEL
Isang malaking braso ang pumulupot sa katawan ko bago ako tuluyang lumubog sa tubig at mawalan ng hininga. Sa pag-angat niya sa akin ay sunod sunod kong nakita ang mukha ni Stella sa aking isipan.Binuhat niya ako papuntang batuhan at ilang sandali ay nagtama ang mga mata namin. Kitang kita ko ang pagaalala sa kanyang mata at wari'y bang nagtatanong kung bakit ko ginawa ang pagtalon kanina.
Napatingin ako sa paligid ng marinig ang boses ni Stella pero hindi ko siya nakikita. Marahil guni-guni ko lamang ang boses niyang iyon. Nabigla naman ako nang bigla akong niyakap ng taong sumagip sa akin. Niyakap niya ako dahil hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Wag mong gagawin ulit iyon. Hindi ka nagiisa." bulong niya sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin. Sa hindi maintindihan ay niyakap ko rin siya at inilabas lahat ng bigat at sakit.
Isa siyang anghel. Iyon ang maitatawag ko sa kanya. Sinagip niya ako at ngayon ay labis na dinadamayan ako kahit isa lamang kaming estranghero sa isa't isa. Sa kabila nun ay hindi ko maiwasan ang makadama ng mga paru-paru sa aking tiyan.
Ilang segundo ang itinagal ng yakapan namin pero naghatid ito ginhawa sa buong sistema ko. Muling nagtama ang mga mata namin nang hubadin niya ang jacket at ipinasuot sa akin.
"Nandito ako." sabi niya at tinulungan akong tumayo. Matapos nun ay umakyat kami pataas at nakita ko ang isang sasakyan sa tapat ng lugar na pinagtalunan ko.
Sinenysan niya ako na sumunod sa kanya at ginawa ko naman pero bago iyon ay kinuha ko ang cellphone na inilapag ko kanina sa mismong pinagtalunan ko kanina.
Nang makasay sa kanyang sasakyan ay nakita ko ang pagpatay niya sa aircon ng sasakyan. Sinundan ko lang siya ng tingin at nakita ko ang paghalungkat niya sa mga gamit sa likod ng sasakyan.
"Nilalamig ka. Magpalit ka muna." sabi niya sabay abot ng isang kulay puting tee shirt at isang kukay dilaw na hoodie. Kasama rin sa inabot niya ang isang boxer brief na mukhang sa kanya at short na mukhang kanya rin. Kinuha ko ang iniabot niya at lumabas siya ng sasakyan.
Ang basang damit na hinubad ko ay inlagay ko na lamag sa paahan. Lumabas ako ng sasakyan para sabihin sa kanya na tapos na akong magbihis at tumango naman siya. Sabay kaming pumasok sa sasakyan at nabalot ng katahimikan.
"I'm Aiden and you are?" nahihiya akong tumingin sa kanya ng magsalita siya pero umiling na lamang ako at mas minabuting wag magpakilala sa kanya.
"Ayaw mong magpakilala? Fine, tatawagin na lang kitang Yellow." nakangiti niyang saad at binuksan ang makina ng sasakyan.
Para tawagin niya ako ng Yellow ay wala sa aking problema pero nakakapagtaka lang dahil ang inabot din niyang hoodie sa akin ay kulay yellow, paborito din kaya niya ang kulay yellow?
"Ihahatid na kita pauwi Yellow, saan ba ang bahay mo?"
"Yellow din ba ang paborito mong kulay?" pagiiba ko dahil nakuryoso na sa pagkatao niya.
"Oo."
"Hindi ba't ikaw ang estrangehero nagbigay sa akin ng panyo at nagdikit ng sticker na smiley face noong nasa convenient store ako?"
"Ako nga. Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo at kahit kailan ay hindi kita nakitang ngumiti bukod doon ay ikaw ay natatangi dahil sa tuwing nakikita kita sa labas ay nakasuot ka na yellow hoodi me na siyang nakakiha sa akin ng atensyon." paliwanag niya.
"Stalker" mahinang bulong pero narinig pa rin niya
"Hindi ako stalker at para sabihin ko sa iyo at mukhang parehas nga tayo ng paboritong kulay. Color Yellow."
"Sasama ako sa iyo." sabi ko pa at nawala ang ngiti sa kanyang labi.
Pinilit niya ako pauwiin pero hindi ko sinabi sa kanya kung saan ako nakatira. Ang akala ko ay alam niya kung saan ako nakatira pero tulad nga ng sabi niya ay hindi ko siya stalker at palagi lang talaga akong nakikita.
Ipinilit ko ang gusto ko na sumama sa kanya dahil ayokong umuwi ng bahay sa kadahilanan na baka masaktan lang lalo ako sa nangyayari.
Nagsimulang unandar ang sasakyan at wala siyang naggawa kundi ang sundin na lang din ang gusto ko. Habang nagdadrive siya ay hindi ko maiwasan na magisip kung saan ba kami patungo. Hindi ko man lang naisip na baka may importante siyang lakad at baka nakakaabala ako.
Huminto kami sa isang convenient store na lagi kong binibilhan at sa lugar unang beses ko siyang nakita. Nauna siyang bumaba at sumunod lang ako.
Naupo kaagad ako habang siya ay namili ng pagkain. Ilang saglit pa ay naupo na rin siya sa tapat ko na may dalang pagkain. Isang kape at tinapay ang inilahad niya sa akin tulad ng sa kanya.
"Saan ka ba papunta?" nahihiyang tanong ko nang makahigop ako ng kape na siyang nagbigay init sa katawan kong kanina pang nilalamig.
"I'm into 24 Hours Roadtrip." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nailang ako sa kanyang titig kaya iniwas ko ang mga mata mula sa kanya..
Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya sa kanyang sasabihin. Nabanggit niya sa akin ang dahilan ng 24 Hours Roadtrip niya. Ang kanyang dahilan ay aalis na siya ng Pilipinas upang tupadin ang pangarap sa ibang bansa. Kasama niya daw sana ang kanyang mga kaibigan ngayon ngunti busy daw ang mga iyon sa kanya kanyang pamilya.
Matapos maubos ang tinapay at kape at muli kaming bumalik sa sasakyan niya. Nanigas naman ang buong katawan ko ng lumapit siya sa akin at konti na lang ang distansya ng mga mukha namin.
"Seat Belt" natatawa niyang sabi at tsaka naman ako nagkaunadaga na ikabit ang seat belt ko. "Are you ready Yellow?" tanong niya pa bago buksan ang makina ng sasakyan.
Pinagmasdan ko muna ang kanyang mukha bago tumango bilang sagot sa kanyang katanungan. Nagsimulang umandar ang sasakyan at tanging naisip ko lamang ay tama ba ang ginawa kong pagsama dito sa isang estrangehro?
AIDEN. Banggit ko ng kanyang pangalan sa isipan at sa di malamang dahilan ay tila ba iba ang dating nito sa akin. Isa lamang siyang estrangero pero ang kaligtasan ay ramdam ko mula sa kanya.
24 Hours Roadtrip, ito ang unang beses na mararanasan ko at hindi ko na maitagao ang kasabikan na nararamdmaan. Sa huli ay wala akong ibang inisip na sana ay tama ang naging pasya ko na sumama kay Aiden.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat sa pagbasa!
For more update you can follow the MisterCaptain on facebook page.
You can also follow me on my twitter and tiktok account: @MisterCaptainWP
BINABASA MO ANG
TWENTY FOUR HOURS (YOUTH SERIES #1)
Fiksi UmumRATED 18+ Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide You CAN SEE the PAIN in HER EYES. YOU CAN HEAR the PAIN in HER CRIES. But YOU'LL NEVER understand HER PAIN. TWENTY FOUR HOURS is a fictional story that tackles tough, rea...