Prologue

1 0 0
                                    

"Chia, papakabait ka don sa bagong paaralan mo ha?" Pagpapaalala sa akin ni Mama,  nasa hapag kami ngayon at kumakain ng umagahan. Hotdog, tinapay, at scramble egg.  "Tyaka minsan please maawa ka, mag aral ka ng mabuti, wag puro line of 7 ang ibigay mo sa amin." Dagdag pa ni Mama.

"Hindi naman sa grades bumabase dapat Mama, sa natutunan yan." Sagot ko.

"Natutunan pagmumukha mo, pag boboyfriend kumbaga? Nako Chi, pipingutin kita pag nagka line of 7 ka this Quarter. Teacher pa naman ako, at may masabi pa silang may bobo akong anak!"

"Aish! Mama naman, nakabase ka nanaman sa ibang tao. Alis na ako, baka ma late pa ako." Sabay tayo ko.

"Oh siya ito baon mo, tyaka eto pera." Sabay abot ni Mama sa akin.

"Bakit sobra baon ko? Diba 50 lang baon ko? Bakit naging 150?" Takang tanong ko.

"Ay ayaw mo ba? Hala sige, akin na-"

"Joke lang! Salamat mama, alis na ako, babye!" Sabay takbo ko paalis, kinuha ko agad ang bisikleta ko kaso walang hangin yung gulong.

Wala din si Kuya Val kaya walang maghahatid sa akin, naglakad nalang ako papunta sa sakayan ng jeep, habang naglalakad tinignan ko ID ko.

Xavia High, yun ang pangalan ng paaralan ko. Nakasulat din ang maganda kong pangalan. Nang makarating sa sakayan ng jeep, agad akong pumara. Mga ilang minuto ang byahe namin, mga 20 minutes ata bago ako makarating, tapos ma traffic pa kaya, aabutin ata kami ng lagpas bente minutos. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng may pumara ding lalake. Umupo ito sa tapat ko, amoy kopa ang mabango niyang pabango. Ay shucks, mukhang mamahalin tong lalakeng to este yayamanin.

"Yeah bro, may nabangga kaming kotse, kaya wala akong choice kundi mag jeep." Biglang sabi nito na ikinalingon ko, may kausap ito sa cellphone. "Yeah fuck this smell." Bulong nito pero narinig ko. Actually lima lang kaming pasahero at panglima yung lalake, ako kaya naunang sumakay dito.

Pagkadating ko sa paaralan na yun, agad akong bumaba, medyo kabado pa ako, hindi ko pa naman alam kung saang classroom or building man lang ako papasok, basta nalang akong inenroll ni Tito Fritz dito, ni hindi man lang ako tinour sa eskwelahang to. Pagpasok ko agad ako nagtanong sa guard.

"Manong guard!" Tawag ko. Agad naman itong lumapit sa akin.

"Ano yun ineng?"

"Alam niyo po ba yung building ng mga grade 10?" Tanong ko ulit.

"Naku ineng, tatlo ang building ng Grade 10 dito, ano ba section mo? Para maihatid kita?"

"Section 3 po." Sagot ko naman.

"Ahh don yan sa main building ng mga grade 10, halika samahan kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ano nga pala ang pangalan mo? Ngayon palang kitang nakita dito."

"Ahh Chia po, transferee po ako, nilipat ako ng Tito at ni Mama dito kasi puro ako bagsak sa dating school ko. Yung mga teacher kasi may mga favoritism. Favorite naman nila ako, favorite ibagsak." Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Naku may mga ganyang teacher talaga, kapag pasaway ka, pasaway ka na talaga sa tingin nila. Feeling nila hindi kana magbabago." Natatawang sabi niya.

"Yun nga po eh, siguro yung detention, tambayan ko nalang, ayaw din kasi nilang nalelate ako eh. Minsan inuutusan nila ako kaya pagbalik ko late na ako, unfair diba??"

"Hayaan mo na ang mga taong yan, basta wag kang gaganti kasi mas may marangyang buhay ang mga taong mapagpasensya." Napatango tango naman ako sa sinabi niya, may point si manong guard ha.

"Tama ka po jan!"

"Oh siya ito na ang building mo, akyat kalang sa second floor tapos third room sa kanan, goodluck sa first day of school ineng." Ngumiti naman ako at nagpaalam. Umakyat na ako at naabutan ko doon ang isang guro na babae, may hinihintay ata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Highschool EndgameWhere stories live. Discover now