Hapon na at malapit na ding lumubog ang araw, I'm wearing my bikini right now. Lalangoy at mag bo-bonfire daw kasi kami ni Clifford ngayon. Dito na din kami magluluto ng hapunan.
Nakatayo ako ngayon sa tabi ng dagat at hinahayaang hampasin ng alon ang paa ko ng biglang yumakap si Clifford mula sa rikuran ko.
"Hmm?"
"Let's swim?" aya niya sakin kaya agad akong sumagot.
"Sure," tumatangong pagpayag ko dito.
Kinalas ko ang kamay niyang naka akap sa bewang ko ngunit ayaw niya itong pakawalan.
"Akala ko ba magswi swimming tayo?"nakakunot noong tanong ko kahit alam kong di naman niya ito makikita.
"Ah-huh," he answered as a matter of fact.
"Eh bakit nakayapos ka padin?Bitawan mo kaya ako para maka langoy na tayo,"singhal ko sa kanya na agad naman niyang tinawanan dahilan ng mas lalo kong pagka inis.
Hindi naman talaga ako maiinis dapat per6i bigla na lang akong nainis,tss,mood swings.
"Who told you that I let you go? Let's swim together,as in together,like this," sabi niya habang mas hinigpitan pa ang akap saakin.
"Huh?Paano?Lalangoy ka habang naka yakap sa bewang ko?Aba na aabo kana ata, Clifford," natatawa kong sabi agad naman niya akong sininghalan at binuhat.
"Like this,"sabi niya saka siya lumusong sa tubig habang hawak hawak padin ako,mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka kapit sa kanya pero tawa lang siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa braso na naging dahilan ng paghinto ng tawa niya,napalitan ito ng pigil na tawa.
"We can swim together without hugging me, Clifford, I'll assume that you already like me too if you continue acting like this,"biro ko habang natatawa,he chuckled.
"Well, maybe? Let's see,"nakangiting sabi nya na naging dahilan ng pagkatigil ko sa pagtawa.
"What do you mean?"I asked while laughing awkwardly.
"That I might like you, let's say I'm half way in liking you back,"he said while smiling genuinely,I saw how his eyes shine in happiness. I'm overwhelmed,I never thought he might like me again.I mean he lose his memory,he might lose his love for me as well.
"So you mean,nagugustuhan mona din ako?"nanunuksong tanong ko.
"Uh-huh,"he answered while slightly nodding.
I hugged him tightly, I'm so happy to know that there's still a chance for the both of us.
Hindi na ako nagpumilit na kumawala sa kanya at magsolong lumangoy,hinayaan ko siyang akap akap ako hanggang sa napag desisyonan naming umahon na para makapag luto ng makakain.
Pagkatapos magpalit ay ako ang nag prepare ng mga pagkaing iihawin o lulutuin namin habang siya ay inayos ang tent na tutulugan namin,naglatag din siya ng blanket sa buhanginan na may mga unan kung saan kami hihiga habang nag s-star gazing.
Nag sisimula nakong mag ihaw ng lumapit siya saakin saka ako yinakap mula sa likod.
"Hmm?"
"Nothing,I just wanna hug you," he said huskily,his breath sent shivers down to my spine.
"You can hug me later,nagluluto ako oh.Tapos kanina mo pa kaya ako yinayakap habang lumalangoy tayo,"natatawa kong sabi pero sininghalan niya lang ako kaya mas lalo akong natawa.
"I want to hug you 24/7,Wife," saglit akong natigilan sa tawag niya saakin ngunit mabilis din akong nakabawi. Hindi parin talaga ako sanay sa mga pinapakita niyang kilos saakin.
"You're being clingy now,Mr.Clifford,huh?" natatawa kong asar.
"Tsk! So what?I don't give a damn as long I'm with you,"deretso niyang sagot kaya mas lalo akong napangiti.
"Really? You know what magluto na lang tayo para makakain na,"natatawa kong sabi.
"Alright,"napipilitan niyang sabi saka kumawala sa yakap saakin na parang labag ito sa loob niya, mas lalo tuloy akong napatawa.
"Tss!" singhal niya saka ako sinamaan ng tingin,inilingan kona lang siya saka pinagpatuloy ang pag luluto.
Kukunin kona sana yung iniihaw ko sa ihawan ng bigla siyang kumuha,saglit niya itong inihipan saka dali daling sinubo na para bang maagawan,sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinawanan nya lang ako habang ngumunguya.
"Kanina kapa kuha ng kuha jan, Clifford,mauubos na pero dipa tayo nakakain. Hintayin mo kasi munang matapos tayo para makakain na," naiinis kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako,nakarami na siya tas ako nag iihaw palang.
"Nagugutom na ako,eh,"natatawa niyang sabi.
"Kung nagugutom kana pala edi sana sinabi mo para mas inagahan natin ang pagluluto,ayaw pa kasi akong pakawalan kanina pero gutom na naman pala,"natatawa kong pang iinis sa kanya pero sinamaan nya ako ng tingin na naging dahilan ng pagkatawa ko.
"Whatever,"natatawa niyang sagot.
Pagkatapos naming magluto ay agad kaming kumain sa mesa na inihanda namin kanina.
Kumakain kami ngayon habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Kasama ko siya sa pag lubog nito at sana sa pagsikat nito sy siya padin ang kasama ko.
"Precious,"basag niya sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya.
"Hmm?"tanging nasabi ko dahil ngumunguya pa ako.
"Can I ask?" he awkwardly asked.
Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago nagsalita
"What is it?"I asked while creasing my forehead out of confusion.
"You know that I'm half way liking you,right?"
"Yes,why?Is there something wrong?"
"Nah, it's just uhm...Kaya mo bang hintayin hangang sa tuluyan na kitang mahalin?"naiilang niyang sabi saka bahagyang nag iwas ng tingin.
"Ofcourse I will,"nakangiti kong sagot.
"Kung darating man yung time na mapagod ka sa kakahintay,please wag kang susuko dahil hindi ko alam kung makakaya ko bang mawala ka pa,"seryoso niyang sabi,nakita ko kung paano nag ningning ang mata niya dahil sa emosyon habang sinasabi niya ito. I smile at him wholeheartedly.
"Alam mo namang kahit anong sakit ang pinaramdam mo saakin ay nanatili parin akong nakakapit kahit mahirap,ngayon pang alam kong malaki ang posibilidad na mahalin mo din ako, mahalin ako ng lubos gaya ng dati," nakangiti kong sabi pero ramdam ko ang pait sa bawat katagang sinasabi ko,pabulong kong sinabi ang huling linya dahil ayaw kong magroon siya ng hint sa nangyari sa nakaraan.
"I'm happy to know that, Precious,nasa point ako ngayon na parang lahat ng nakikita ko ay familiar at connected sa buhay ko pero hindi ko maalala kung bakit.Andami kong tanong na hindi masagot sagot kaya sana habang inaalam ko ang kasagutan sa mga tanong kong iyon ay manatili ka sa tabi ko,"seryoso niyang sabi na naging dahilan ng pagkatigil ko.
Ang ibig sabihin ba nito ay malapit ng bumalik ang mga alaala niya?
"I'll stay no matter what,"nakangiti kong sabi,napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan.
Agad akong napangiti ng malawak ng nagtungo siya saakin saka ako yinakap ng mahigpit.
Pagkatapos naming kumain ay nag presinta siyang magligpit ng pinagkainan namin,umangal ako ngunit wala ding nagawa dahil mapilit siya.
Nakahiga ako ngayon sa blanket na nakalatag sa buhanginan habang nakaunan ang ulo ko sa dibdib niya at ang isa niyang braso ay naka akap sakin.
Pinagmasdan namin ang mga bitwin sa langit saka namin napag pasyahang matulog na sa loob ng tent.
Sana nga ay tuluyan na siyang makaalala para bumalik na kami gaya ng dati.
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomancePrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...