DOS

433 11 0
                                    

WARNING: SPG

"Hoy tabi. Dadaan ang sugo ng lagim." Pang uuyam ni Rebecca sa akin. Isa siya sa dati kong kaibigan na kumampi kay Lisha tatlong taon na ang nakararaan.

Nagtawanan ang mga nakapalibot na mga babae. Habang ang mga lalaki naman ay pinagtanggol ako.

"Kung siya ang sugo ng lagim, sa kanya na lang ako. Maganda at maputi pa. Eh kayo? Libagin na nga, maiitim pa yung mga gilagid nyo!" Saad ng isa. Nagtawanan naman ang mga lalaki.

"Baka nga kayo ang sugo ng dilim eh!"balik pang uuyam ni Gerald. Ang ex ni Lisha.

Napipikon na sinugod ng mga babae ang mga lalaki at pinaghahampas sila.

Tinulak lang ng mga lalaki ang mga ito nang makita akong papadaan.

I just smiled at the boys then quietly walked passed them. Sumaludo pa sila at kinawayan ako.

"See you tomorrow Amaia!" They chorused.

"Don't worry. Akong bahala sa kanila!" Gerald shouted bago ako makalabas ng gate.

Hindi ko na sila sinagot pa. Hanggat maaari ay hindi na ako nakikipag usap kahit kanino.

Naglakad ako papuntang paradahan ng tricycle. Nang makasakay ay nagpababa ako sa may bukana ng gubat.

I walked quietly.

Lumipas ang apat na taon na hindi nawala ang pagpaparinig nila. It even ended into  physical fights.

Nasa College na kami. We were supposed to be mature pero wala akong makitang maturity sa mga tao sa lugar namin.

Kung nandito lang sana si Kelsey.. i whispered.  Namimiss ko na siya.

Two years ago, nang matapos ang high school namin ay lumipad patungong Manila ang pamilya nito. Sinuwerte daw na makahanap ng trabaho ang papa nito kaya buong pamilya ay iniluwas sa Manila.

Nag iyakan kami noon. Halos ayaw nitong iwan ako. Pero wala namang kaming magagawa. It was also for his future. Matalino din kasi siya kaya nakakuha ng scholarship mula sa kilalang university di gaya ko na hindi gaanong matalino. Parang nasa gitna lang ako. Hindi matalino, pero hindi rin naman nahuhuli.

Nang makarating ako sa may tulay ay  naupo ako at tinitigan ang aking repleksyon sa tubig.

Hindi ko alam kung maganda bang maging katulad ko.

Dahil sa kaputian at pagmumukha ko ay marami akong nakukuhang atensyon mula sa mga lalaki. I was friends with boys before dahil sila lang naman ang mabubuti ang pakita sa akin.

Then the bullying and physical fight started. I tried to defend myself pero ano bang laban ko sa walo? Ang mas masakit pa, lahat sila ay dati kong mga kaibigan.

When I asked them why they were doing these, ang sabi nila, mang aagaw daw ako. Malandi. Mangkukulam at demonyo.

Then I realized that my closeness to boys aggravated them more to be nasty to me kaya pinili kong umiwas.

Then the boys got angry and talked to them. Parang napahiya sila so ang balik, ako naman ang pinahiya nila. Then I got worse treatment than before. Kung may isasama pa ang pakikitungo nila sa akin.

It even escalated to the Dean of the college. Pinatawag ang mga magulang namin.

Since my father hated the idea of me studying, si Ina ang nagpunta. Magmula noon, they stopped hurting me. Pero nagpatuloy pa rin ang pagpaparinig.

Ginawa ko ang alam kong tama, I stopped talking to anyone para makaiwas. Then sa bahay naman, mas lalong umigting ang kagustuhan ni Itay na patigilin na ako dahil wala naman daw akong mapapala dito. Pero nakiusap ako kay ina kaya walang nagawa si Itay. Sa huli nagbanta siya na oras na maulit ang kaguluhan sa college ay papahintuin niya na ako.

AMAIAWhere stories live. Discover now