Taliwas man ang buong mundo
Sa pagmamahalan natin sinta,
Ikaw pa rin ang laman ng aking puso
At alam kong alam mong mahal na mahal kita.
Simula pagkabata
Di ko mawari, anong mali sa akin.
Alam kong relasyon natin ay iba
Dahil ibang iba ka kapag ako'y papatahanin.
Sa mga panahong kailangan kita
Ika'y palaging nandiyan.
Ngunit nasaan ba ako,
Nung ikaw naman ay may pangangailangan?
Taun-taon akong bumibisita,
Sa kinakatakutang bahay.
Araw-araw akong ginagambala,
Ng mga ala-ala natin noon sa Barangay Mabuhay.
Bakit pa ba ako pumupunta dito,
Sa nasunog at nasirang bahay?
Ay, pasensya ka na, mali pala ako.
Ito pala ay sinunog at sinirang bahay.
Ang bahay niyong punong-puno ng kulay at kasiyahan noon,
Ngayo'y abo na't alikabok.
Ang mga magulang mong iginagalang at nirerespetong parang Panginoon,
Ay pinaslang at pinaulanan ng paputok.
Bata pa lang tayo noon,
Ngunit alam na nating marahas ang mundong ginagalawan natin.
Kaya kinailangan mong lumisan dahil sa mga alegasyon.
Tayo'y nangakong di magbabagong ating pagtingin.
Nasaan ka na kaya?
Alam kong nasaktan ka namin.
Alam kong nagdurusa ka.
Malaki ang aming kasalanan, ito'y aking inaamin.
Pasensya ka na
Kinailangan mong lumisan.
Ngunit patuloy akong umaasa
Ako'y iyong babalikan.
BINABASA MO ANG
Blood and Tears (Sa mga Dugo't mga Luha)
Teen FictionBayolente. Kasamaan. Kademonyohan. Kamundu mundong buhay. Maliit pa lamang sila, kanilang naiintindihan na nila ang paggalaw ng mundo. Ang mundong mapaghusga. Ang mundong puno ng kasamaan. Subalit may konting kabutihan ang mga tao, nananaig pa rin a...