Nang makabalik na kami sa New York, nagtrabaho na agad ako, napilitan din akong kumuha ng nanny aa isang agency kasi walang mag-aalaga sa kambal nagpaiwan sa Pilipinas sila Ryker at Ruiz at hindi ko alam kung babalik pa sila dito.
When we get back, ganun pa din sila pero hindi ko inaasahan na parang may kulang. Nagsimula na din sila ulit na tanungin ako kung nasaan ang tatay nila at bakit hindi nila ito nakita sa Pilipinas. I just smiled to them and kept silent, matapos ang nangyari bago kami makabalik parang wala na talagang pag-asa na makilala pa nila ang tatay nila o pag-asa na makilala pa sila ng tatay nila.
"Uyy 'te! Ba't nakabusangot ka na naman diyan? Ano wala ka ng mahanap an abogado?" sinamaan ko ng tingin ko ang kasamahan ko sa trabaho. Siya yung parating may problema saakin sa pagiging tulala ko sa trabaho taga tampal din ng mukha ko. Kahit na nagresign ako sa dati naming airline sa Pilipinas, napunta ako sa dream airline ko hanggang dito sa New York nandito pa din siya kasama ko. And I'm thankful that this happened mukhang pinagsasama talaga kami sa iisang airline.
"Wala. May iniisip lang," sagot ko sakanya. Ngumiwi naman siya at umupo sa tabi ko. Nasa cabin kami ngayon, kakatapos lang namin magbigay ng snacks sa mga passengers. At pabalik na din kami ng New York Airport.
"Sus. Kelan ka ba nawalan ng iisipin ha? Alam mo kasi lahat naman ng tao may iniisip araw-araw o kahit pa minu-minuto, kahit ako may iniisip ako ngayon pero hindi naman ako katulad mo na nanakawan ng titulo ng lupa 'no! Ang sagwa mo tignan kapag nakasimangot ka, nagiging mas maganda tuloy ako. Flight Attendant ka pa man din." she remarked. Hindi talaga magpapatalo saakin ang babae na ito.
Parehas naman kaming maganda, lamang lang ako ng isang ligo.
"Kasi naman naghahanap ng tatay mga anak ko." I sighed.
"Flight attendants, prepare for landing please."
"Cabin crew, please take your seats for landing."
The Captain announced.
"Edi kausapin mo yung tatay. Kilala mo naman 'diba?"
"Ayaw nga ako kausapin. Wala akong magagawa doon. Nakiusap na ako't lahat lahat matigas pa din ang puso saakin." I tell her the truth.
She sighed. "Naku mare. Mahirap yan pero tandaan mo na habang lumalaki ang mga anak mo, hindi mo maalis sakanila na maghanap ng tatay. Hanapin man nila sayo o hindi, nasa puso nila na gusto nila ng tatay. Sa bansa pa naman na ito halos lahat ng makikita mo na lumabas na tao, complete family. 'diba pumapasok sa eskwela ang mga anak mo? I'm sure lahat ng mga kaklase nun complete family."
Pagkabalik namin dito inenroll ko sila sa nursery class para kahit papano 'di sila mabored lalo pa't nanny lang ang nag-aalaga sa kanila.
"Ang dami mong satsat mo? Hindi ko alam kung ano talaga ang point mo dito. Parang giniguilt-trip mo lang ako kasi di ko sila mabigyan ng complete family." she rolled her eyes at umayos ng upo.
"Hindi naman sa ganun. Ang saakin lang e, kung hindi mo ipakikilala sakanila ang tunay nilang ama, maghanap ka ng bago at iyon nalang gawin mong ama nila." she laughed at it. Hindi ko naman sineryoso iyon.
Nung mga unang araw siguro na naging nanay ako, inisip ko kung sino ang ipapakilala kong ama nila but days went nakalimutan ko na. Kahit alam ko na may magiging kulang sa pagkatao nila alam ko na sasapat na ang pagmamahal ko para sakanila at kahit papano mapunan iyon.
"Pumunta ka pala sa birthday nila a. Sa makalawa na yun. Nasa bag ko yung invitation. Bigyan na lang kita after natin maglanding." pag-imbita ko sakaniya.
"Ayy gusto ko yan. Asahan mo na ako. Magpapagawa na ako ng isusuot. Magpared carpet ka na rin para sulit ang magiging OOTD ko." Pagtili niya buti hindi naalibadbaran ang iba naming kasamahan na hindi siya naiintindihan.
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
Aktuelle LiteraturAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...