Cʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ

3 2 0
                                    

"Hoy fren para kang tanga diyan. Anong ginagawa mo diyan? Tanga ka ba? Dito ka nga."



Tawag sa akin ni Jes pagkalabas niya sa classroom nang prof namin sa Algebra. Tapos na pala ang klase nila sa Algebra at di ko man lang napansin. At bakit parang ang tagal nila lumabas? Kala ko ba three minutes nalang ang natira sa klase niya. Yung totoo? Three minutes nalang ba talaga ang natira o ayaw lang talaga nang prof namin na papasukin ako?



At di ko man lang nadinig ang campus bell. Masyado na ba akong lutang? O sadyang papunta pa lang dun? Nakaupo ako ngayon dito sa may railings nang 4th floor habang nakalabas ang dalawang binti ko tsaka pinipilit kong ikasya ang ulo ko sa gitna nang dalawang kabilya at nakatingin sa kalangitan.



Wag niyo ako husgahan at may iniisip lang talaga ako ngayon kaya nagagawa ko ang mga ito.



"Talaga tinutoo mo ang sinabi nang prof natin na anak nang dragon na magbilang ka nang ibon na dadaan?" natatawang sabi nito sa akin habang inaayos ang kaniyang bag.



Kakalabas lang din nang mga ibang kaklase ko ngayon papunta sa next subject nila. Di naman talaga ako nagbibilang nang ibon eh. Honestly, Im just counting kung ilang araw na ba ako late sa klase ni Prof. G. Kung pwede paba yun bawiin? Sa bilang ko 27 times na akong late sa kaniyang klase simula pa nuong midterm. Nakakatakot lang kasi na baka ibagsak ako nito o di kaya di ako maka graduate dahil sa kaniya.



Si Jes ay isa sa mga kaibigan at bestfriend ko dito sa loob nang campus simula pa nang 1st year kami dito. Lahat naman nang nagiging kaklase ko ay nagiging kaibigan ko pero siya lang talaga ang super kaibigan ko. Yung super ka close ko at super ka bonding ko sa lahat nang bagay araw araw. Oh diba naging superhero pa siya. Naging super kaibigan pa siya para sa akin.



"Teka lang. Bakit ka nga late? Ay hindi, ang dapat kong tanong ay bakit ka always late? As in always in the morning."



Parang insulto naman ang always late at ang pagkasabi nito pero totoo naman yun so wala akong karapatan mahu-hurt. Sa araw-araw na pagsasama namin ni Jes sa campus ay palagi nitong tinatanong sa akin kung bakit ako late palagi at kung may balak paba ako na pasukan ang subject na Algebra.



"Eh lintik kasi yung alarm clock ko sa bahay eh. Usapan namin maaga pa niya ako gigisingin at nag-alarm ako nang 6 a.m. Tapos alas siyete na pero di parin tumutunog." naiinis na paliwanag ko sa kaniya na ikinataas nang isang kilay nito. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pinagpagan ang skirt ko.



"Chineck mo ba kung may battery? O di kaya sira? Oh di kaya lowbat? Baka umaasa ka lang na tumunog yun pero sira pala?" tanong niya sa akin ulit at mukhang hinuhusgahan ako. Parang sinasabi nito sa akin na isa akong napakalaking tangang tao na di marunong mag-check nang isang bagay.



"Ewan ko? Ba't ganiyan ka makatingin? Mukhang hindi naman ata yun sira at tsaka tuyoin lang siguro yun. Tumunog pa nga yun nang isang araw eh. Hayaan mo na nga, papalitan ko nalang yun kapag nakapadala na nang allowance ang mga tita ko." sagot ko sa kaniya at ikinatango niya.



Pagnagka allowance talaga ako number 2 sa shopping list ko ay bwesit na alarm clock na yan. Susunod ko ito sa mga bigas at pagkain. Di rin naman kasi ako makaka-alarm sa phone ko dahil mabilis ito malowbat. Wala na talagang pakinabang ang mga gamit na mayroon ako. TV nga namin sa bahay ay naging radyo na eh. Wala nang tao pero may boses parin. Pero imyberna ako sa radyo ko dahil ang radyo ko sa bahay ay may TV. Di na nagsasalita at puro ubo nalang ang maririnig mo. Ganun ka sira ang radyo ko.



"Hayaan mo na yun. Proceed na lang tayo sa mga next class natin total tapos naman ang klase niyo sa dragonan iyon." dagdag ko na agad kinontra naman ni Jes.



Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon