"Ang sakit sakit lang fren. Ang sabi niya sa akin ay focus muna daw siya sa pag-aaral niya pero tanginang pag-aaral yan bakit may kayakap na babae sa Free Fall."
Maluhang luha na pagkuwento ni Jes sa akin ngayon. Nang tumakbo ito kanina palayo sa amin ay agad akong sumunod sa kaniya para malaman kung bakit itong biglang tumakbo. Sinundan ko ito sa pagtatakbo hanggang makalabas na ito nang university.
Nandito kami ngayon nakaupo sa may seaside na malapit lang dito sa may Alfonso University. Napagod siguro ito sa kakatakbo kaya napatigil ito dito sa may seaside. Total may event naman sa campus ay malaya kaming makaka-labas pasok dito sa campus kahit anong oras basta palagi mo lang dala ang i.d mo.
"A-ang sakit lang dahil nuong nagtapat ako nang feelings sa kaniya ang sabi niya sa akin ay di pa siya d-daw ready magkaroon nang relasyon. Focus raw muna siya sa pag-aaral and as a sister lang daw ako sa kaniya." tumigil muna siya sa pagsasalita at huminga muna nang hangin.
"May pa focus-focus pa siyang nalalaman eh bakit di nalang niya sabihin sa akin na di niya ako type o di niya ako gusto? Bakit di niya nalang sabihin sa akin na ibang taste niya sa mga babae. Yung hindi ganito pumorma. Yung hindi isahan ang kulay kung pumorma?" sigaw nito sa harap nang dagat kaya napatingin sa amin ang ibang napapadaan rin dito. Baka iniisip nila na baliw din tong kaibigan ko. Madadamay pa ako eh.
Kanina pa ito iyak nang iyak nang tumigil kami dito sa seaside. Nakita raw niya kanina ang crush niya na since childhood sa Free Fall na may kasama at may kayakap na babae. Sa ibang University nag-aaral ang kaibigan nito pero dahil may activity ngayon sa University namin ay pwede maka-pasok ang ibang mga studyante at mga outsiders.
Nakuwento niya sa akin nuon na may gusto raw siya sa kababata niyang si Dodge simula pa nang Grade 6 pa sila. Matagal na raw silang magka-kaibigan at matagal na raw may sekretong pagtingin si Jes sa kaibigan nito and when the day she confessed her feelings ni-reject ito nang kaibigan niya at ang sabi pa nito ay as a sister lang daw ito sa kaniya at kapatid lang daw siya kung ituring. Focus muna raw sa pag-aaral at sa goal in life si boy.
Akalain mo yun loyal magmahal si Jes. 11 years din niyang sekretong minahal ang kaibigan niya pero ang ending kapatid lang pala ang tingin sa kaniya. Ang sakit nun ha, literal. Never kong na-experience yun pero I think nakaka-hurt yun.
"Alam mo fren kung hindi talaga kayo para sa isa't isa ibig sabihin hindi talaga kayo. I mean kung kapatid man lang ang turing niya sayo edi ituring mo din siya na parang kapatid mo. Ituring mo siya bilang kuya mo." napatingin ito sa akin na parang nagtataka sa mga sinasabi ko.
"Humingi ka palagi nang pera sa kaniya. Diba ganiyan ang mga kapatid sa mga kuya nila. Palaging humihingi nang barya at bente." Napakunot ang nuo nito. "Wow! Thank you fren ha. Ang tindi nang support mo sa akin, nakaka-lakas nang loob. Actually, okay na nga ako ngayon eh." pilosopong saad nito.
"My point is wag kang mawalan nang pag-asa. A true love will find a way para ma-meet niyo ang isa't isa. Not now or maybe not tomorrow but the next day or in the next month or something like that. There are many fish in the ocean sabi nga nila diba. Marami pa diyan mga lalaki sa paligid at hindi ka mauubusan." nakita kong napaawang ang labi niya sa mahabang lintaya ko sa kaniya.
"Wow! Parang expert ah. Sanay na sanay ganern? Pano mo naisip ang mga yun?" namamanghang tanong nito sa akin.
"Wala nabasa ko lang sa facebook. Shared post nang isa sa mga friends ko sa FB. Ayan oh basahin mo." sabi ko sabay pakita sa kaniya nang cellphone ko. Pinakita ko sa kaniya ang shinared na daily post nang isa sa mga friends ko sa facebook.
BINABASA MO ANG
Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)
Teen FictionWhat if ang taong inakala mong siya ay di pala. What if kung nagpapanggap lang pala siya? Mamahalin mo parin ba siya? Tatanggapin mo parin ba siya? This is the story of Kristine Lico and Trek Sean Vallarde. This story witness how these two person me...