Cʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴇɪɢʜᴛ

1 1 0
                                    

"We fight, We roar AU always rock the court. GO GO GO Black Tigers."



Sigaw at cheer nang mga Alfonsians na nandito ngayon sa may Philippines Sport Center. Nasa right side kami ngayon nang PSC at halos mapuno na ang mga upuan dito sa loob dahil sa mga students na galing sa magkalaban na school.



Nakasuot kami ngayon nang black na T-shirt at may mga puting stripes na desenyo bilang simbolo nang Black Tigers samantala naka-pula naman ang mga students nang kalaban naming school bilang simbolo nang Red Mambas.



Dela Fieles National University o mga Red Mambas ang magiging kalaban nang school namin ngayon sa finals. Halimaw din ang mga Red Mamba pagdating sa court kaya nakapasok ito sa finals.



Alam kong intense ang labanan ngayon galing sa magkalaban na team dahil best of the best na talaga ang magiging labanan mamaya. At sana man lang manalo ang school namin ngayong season dahil last year na ni Trex sa team niya at dagdag mo pa na graduating pa siya ngayon.



Three years siyang nagtraining para maabot at makapasa sa Black Tigers kaya sana manalo sila this season para worth it naman. Nakapasok ang Black Tigers sa finals this season sa PUB kaya todo handa at training ang ginawa nila this past months. PUB stands for Philippines University Battle kung saan maglalaban-laban ang mga kilalang Universities dito sa Pilipinas in every different sports.



Alfonso University, Dela Fieles National University, University of Cargas, Lipa University and University of Saint Diego.



Pasok sa finals ang Alfonso University sa sports na basketball at football. Nakamit rin nang AU ang gold sa larangan nang gymnastic, dance sport at maraming pang iba which is nakaka-proud dahil isa akong Alfonsians.



"Matagal paba bago magsimula? Punong puno na ang Sport Center oh." pabulong na reklamo ni Jes sa akin.



Oo nga naman at punong puno na ang PSC pero di parin nagsisimula ang laro. Marami ring mga students na nakapula sa kabilang sides kaya ang ingay ingay ngayon dito sa loob. Mabuti nga at walang pasok muna ngayon at pinayagan ang mga students na pumunta dito sa may PSC para manuod nang laro.



"Bakit ba tayo pumunta dito? Sa pagkaka-alam ko ay pareho tayong walang hilig sa basketball pero ba't tayo naka-Black Tiger T-shirt ngayon." naiinis na tanong naman sa akin ni Jes.



Sa totoo lang naiinis rin ako kapag naalala ko ang rason kung bakit kami nandito ngayon naka-upo sa upuan na malapit sa court kahit wala naman kaming kaalam alam at hilig sa basketball. Nandito kasi ang mga pangalan namin sa bandang harapan at ito ang pwesto nang biniling VIP ticket ni Trex para sa amin. May pangalan pa talaga namin ha.



Wala naman akong choice eh. Kapag pinili ko ang ikalawang option na babayaran ko siya sa ticket na binili niya kapag hindi ako pupunta ay mawawalan naman ako nang pera at ipon para sa payment sa final exam at gastosin sa bahay.



Mas lalong hindi ko pipiliin ang ikatatlong option, no! Maging girlfriend niya? Ano yun? Maging isa sa mga babae niya sa buhay at lolokohin man lang? Hell no. Mas okay na ako sa unang option na umupo nalang dito at makinig sa sigawan nang mga estudyante na nandito.



"Ahh basta. Isipin mo nalang na nandito tayo ngayon para i-cheer ang mga players nang school natin. Nandito tayo ngayon bilang Alfonsians." sabi ko sa kaniya pero di parin ito kumbisido.



"Tapos nandito pa tayo sa harapan. Paano pag natamaan tayo nang bola dito? Edi nakakahiya pa." dagdag na reklamo nito.



"Mas maganda nga na nasa harap talaga tayo para makita natin ang mga mukha nila kapag naglalaro. Tapos kung paano tumulo ang mga pawis nila at kung may sapakan bang magaganap mamaya." sabi ko naman na ikinataas bigla nang kilay niya.



Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon