Cʜᴀᴘᴛᴇʀ ɴɪɴᴇ

1 1 0
                                    

"Hindi parin pumasok si Mr. Vallarde? Two weeks left before the final exam pero hindi ko parin siya nakikita. May gana pa ba siyang pumasok? I really hope talaga na may isasagot siya sa upcoming exam natin."



Seryosong sabi ni Professor Alogera na prof namin sa subject na Language and Literature. It is our third subject this morning at magka-klase kami nila Jes at Trex dito but pagkatapos nang finals sa PUB ay di ko na nakikita si Trex na pumapasok.



Lumipas ang mga araw at mga linggo nang natalo ang team nila Trex ay di ko na siya nakikita sa loob nang campus at balita ko ay hindi na raw ito pumapasok araw-araw. Nagtatanong narin ang mga ibang professor daw tungkol sa kaniya kung bakit hindi ito pumapasok. Wala rin naman daw itong pinapadala na excuse letters o parents consent. Bakit kaya di nila itanong sa lolo ni Trex?



"Baka naman na-depressed at di parin natatanggap ang pagkatalo nila kaya nagkulong sa kwarto. Kasalan to kasi nang lalaking bumangga sa kaniya eh. Kung di lang sana siya binangga nang lalaking yun eh sana di sumakit ang tuhod ni Trex at tuloy-tuloy parin ang pagpapa-ulan nito nang three points. Panalo pa sana sila." mahinang bulong ni Jes sa akin dahil nasa harap namin ang prof namin sa Language.



Magkatabi kami nang upuan ngayon ni Jes sa Language and Literature class at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi nang prof namin. Nagdi-discuss siya nang mga pointers na lalabas sa exam next two weeks at mga performance task na gagawin namin before ang exam.



"This is your last performance task to be submitted on the day before the final exam. This performance work must be submitted by five members per group. So maghanap na kayo nang grupo niyo ngayon din." sabi nang prof namin kaya nagtayuan na kami para maghanap nang grupo.



Dahil mag bestfriend kami ni Jes ay siya na ang pinili ko kaagad na kagrupo at naghanap nalang kami nang dagdag pa. Pinili namin na kag-grupo si Shiela na magaling sa chukchakan at pagde-debate at si Carlos naman na isa sa bakladesh naming ka-klase na matalino rin pagdating sa reasoning.



Naghanap pa kami nang isa pero mukhang nakahanap na sila nang grupo at kumpleto na sila. 40 kaming magka-klase ngayon sa Language and Literature kaya walong grupo ang magaganap. Kaya nang nagtanong si prof sa amin kung sino ang group ang may apat lang na miyembro ay tinaas naming apat ang mga kamay namin.



"Dahil apat lang kayo ibig sabihin sa inyo babagsak si Mr. Vallarde. Total siya lang naman ang absent ngayon. Contact him in social media or in any ways na maka-kausap niyo siya regarding of this performance task because each member of your group have an important role in this performance." paliwanag ni prof na ikinatango namin lahat.



Dahil nasa amin si Trex ngayon ay di ko alam kong paano ito ma co-contact. Di nga nagpaparamdam sa klase eh paano pa namin ito makaka-usap. Nakakahiya naman kung pupuntahan pa namin siya sa bahay nila at sasabihing kasama siya namin sa isang project. Balita ko duon daw nakatira si Senior Alfonso. Ang taong nagmamay-ari nang university na ito.



Kung kakausapin kaya namin ang mga ka-teammates niya sa basketball at itatanong kung may balita sila kay Trex? Nakakahiya naman yun at di ko naman sila kilala lahat except lang siguro kay Rodriguez pero di kami ganoon ka-close pero try ko padin kausapin siya para sa grades namin.



Bakit ba kasi naka-private ang facebook account nito? Di ko rin kasi masearch ang pangalan niya sa may instagram. Pero sa totoo lang wala talaga akong Instagram. Nakiki-stalk lang ako kay Jes sa may instagram niya nang mga kung sino-sino. Wala na ngang signal sa amin tapos mag i-instagram kapa. Sinabi ko lang yun para naman magmukha akong Gen Z.



Naalala ko pala na may number si Trex sa akin dito sa phone history ko dahil minsan na itong tumawag sa akin nuon. Hinanap ko ito sa phone ko pero dahil matagal na nuong tumawag siya sa akin ay di ko maalala kung ano ang number nito. Marami narin kasi ang tumatawag dito sa phone ko especially ang mga tita ko kaya siguro di ko na makita at maalala ang number nito.



Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon