"Alfonso University baba na kayo."
Sigaw nang konduktor nang jeep na sinasakyan ko ngayon. Makasigaw naman itong si kuya sa amin mga estudyante parang di kami nagbabayad ah. Makasigaw siya parang sumakay lang kami tapos tatakas lang kami nang di nagbabayad.
Maaga akong pumasok ngayon araw dahil ngayon na ang deadline nang payment para sa exam namin sa endterm. Nang makababa ako ay agad akong pumasok sa main gate nang University. Alas 6 palang nang umaga pero madami na ang mga students na pumipila ngayon para magbayad nang exam. Mabuti nang maaga kaysa maghihintay pa ako nang matagal mamaya dahil sa dami nang mga students na hindi pa nakabayad nang exam.
Sabado na ngayon kaya wala kaming masyadong klase maliban sa Health and Physical Education namin mamaya na may pa long quiz at summative assessment pa. Samantalang mamayang hapon ay Political Science lang ang klase namin kaya ibig sabihin dalawang subject lang ang klase namin ngayong araw.
7:45 na nang umaga nang makabayad ako sa may Teachers Office dahil duon kami pinapabayad nang final exam. May binigay sila sa aming na isang form at ang sabi nila ay mag pa-pasign raw kami sa mga professor namin. At kung sinong professor lang daw ang nag-sign nang form namin ay kung anong subject lang raw nang professor na nagsign sa amin ang mata-take namin sa exam.
Gets niyo? For example kung si Prof Alogera lang ang nagsign sa form namin ibig sabihin Language and Literature lang na subject ang mata-take namin sa final exam. Pero kung nagsign naman ang lahat na professor sa form namin edi mas maganda.
Kaya ibig sabihin sa mga professor parin namin nakasalalay kung ilang subject ba ang mata-take namin sa final exam. Alam kong hindi rin pipirma ang prof namin sa form kung hindi pa namin na su-submit ang mga outputs at performance na binibigay nila. Which is so very unfair dahil kami ang nagbabayad tapos sa kanila rin pala nakasalalay kung makaka-take ba kami sa subject nila. Edi sana hati kami sa bayad kung ganuon naman palang sistema.
Makatapos kung makabayad ay agad na muna akong naghanap nang ma-uupuan. Masyado pang maaga tapos mamaya pang 8:30 ang klase namin sa History. Nagpapasalamat din naman ako dahil wala kaming klase ngayon sa Algebra. Pino-problema ko din ang Algebra namin dahil di ko alam kong pi-pirma ba si Prof. G sa form ko eh ang dami dami kong late sa klase niya.
Napatayo ako bigla nang dumaan si Rodriguez na ka-klase ko sa History sa haraoab ko kaya daling dali kong pinuntahan siya. Bigla kong naalala na ka-team pala niya si Trex at balak kong manghingi nang tulong sa kaniya kung paano namin ma-contact ito.
"Rodriguez." sigaw ko na ikinatigil niya sa paglalakad. Napalingon siya sa akin at napataas ang kilay nagtataka siguro kung bakit ko siya tinawag na kahit di naman kami close. Ewan ko lang kung kilala ako nito.
"Good morning diba kilala mo naman ako? Kristine? Lico?" sabi ko na ikinatingin niya sa langit at mukhang nag-iisip nang malalim.
"Yeah I remember. I remeber na hindi pala kita kilala. Dahil hindi kita kilala do you mind if I excuse myself? Wala akong oras makipag-usap sa isang stranger." sabi nito sa akin at tatalikod na sana kaso pinigilan ko ito.
"Grabi ka naman maka-stranger sa akin. Kilala mo ako. Ako to! Si Natoy na mahal na mahal ka." biro ko kaya napairap ito at tuluyan na ngang umalis.
Ang seryoso naman niya. Wala ba siyang sense of humuor? Wala ba siyang five senses. Di ba siya nakaka-intindi nang jokes. Kaya hinabol ko ulit siya para sabihin na talaga ang sadya ko sa kaniya.
"Teka lang naman Rodriguez. Seryoso na. May balita kaba kay Trex? Nakausap mo ba siya? May phone number kaba niya?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya kaya nagtaka ito.
BINABASA MO ANG
Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)
Teen FictionWhat if ang taong inakala mong siya ay di pala. What if kung nagpapanggap lang pala siya? Mamahalin mo parin ba siya? Tatanggapin mo parin ba siya? This is the story of Kristine Lico and Trek Sean Vallarde. This story witness how these two person me...