UNO

287 53 49
                                    


"ISANG bus na naman ang nadisgrasya kaninang madaling araw dahil sa pangho-hold up ng isang nagpapanggap na pasahero. Lahat ng sakay ng bus kasali na ang suspect ay patay."

"SA ibang panig naman, isang dalawangpung taong gulang na dalagita na naman ang nabiktima ng isang nakakagimbal na panghahalay at pagpatay. Nagtamo ng dalawangpong saksak ang dalagita. Nakita ang na lang na walang saplot at walang buhay ang dalaga sa madilim na parte sa bayan ng Cantillo."

Na naman?

Bakit ba sa tuwing uuwi at papasok ako ng paaralan ay ganito na lang ang nakikita kong balita sa lahat ng building na may public Television?

Kailan ba magbabago ang mundo?

Kailan magbabago ang mga tao?

"Isang milagro kung ang lahat ng tao ay magbabago sa isang iglap lang. Isang malaking kalukuhan"

Araw-araw na lang may namamatay, mga inosenteng tao, mga bata, matanda, babae man o lalaki. Hindi ko lubos maisip kung bakit pa ba ako ipinanganak sa mundo na ganito ang kalagayan. Hindi ko rin naman pinangarap na mabuhay ako sa gitna ng kaliwa't kanang krimen na ayaw na ayaw ko sa lahat.

Nakakainip! Napakawalang kwenta naman, halos lahat naman kasi ng tao ay may tinatawag na dark side.

Dahil ang mundo. Ay natural nang nabubuhay sa impyerno.

***

"GRABI! Ang galing-galing mo talaga Seis. Ikaw na naman MVP natin ngayon. Hanga talaga ako sayo tol' sabihin mo nga anong sekreto mo ahh?"

"MVP na Top one pa, grabi ka Seis uso magbigay ng biyaya!"

Napangiti na lang ako. Kahit naman itanggi ko na hindi ako gifted ay i-insist lang nila na gifted ako at binigyan ako ng malaking biyaya ng panginoon. Ang iba naman sinasabi na gifted daw ako dahil sa mga magulang ko na napaka devoted sa panginoon.

Ang alam ko ay simula nang ipinangak ako ni mama ay wala ng liban sa pagsisimba ang mga magulang ko. Pasasalamat daw nila 'yon dahil noong araw na ipinanganak ako ay muntikan na ding naging date of death ko. "Wala naman sigurong connection ang mga bagay na 'yon hindi ba? Hindi ba pupweding ginawa ko lang ang best ko all of the time?Pero anong magagawa natin iyon talaga ang iniisip nila"

Ang sabi pa nila isang milagrong dumating ako sa buhay ng mag asawang Dalton dahil halos lahat ng tao na malapit sa mga magulang ko ay may alam na hindi kayang magdalang tao ni mama.

"Ilibre mo naman kami ngayon Seis." Si Drew. Isa sya sa mga matalik kong tropa sa team, simula noong nasa middle school ako.

"Uuwi ako. May prayer meeting kasi sa bahay kaya next time na lang." Tanggi ko sa kaniya.

Ayaw kasi ni mama na hindi kami kompleto, may paniniwala s'yang kulang ang grasya pag kulang din ang pamilya kung nasaan naroon ang poon na pinagpapasahan ng mga kapitbahay namin every Sunday. Maliban na lang kay kuya dahil wala naman siya rito, kaya lagi siyang exempted sa prayer meeting.

Agad akong pumunta sa assigned locker room namin para magbihis. Inter-high kasi namin ngayon at kami ng representative sa division namin.

"Ang aga mo naman atang umuwi Dalton? Ayaw mo bang sumama sa happy time?" Ang manager naming si Mr. Lopez.

Panalo kasi kami ngayon at diretso na kami sa semi-finals para sa upcoming summer cup next year. Masyadong mahirap makuha ng lining sa event na iyon kaya naman pinagsisikapan naming mapanalo lahat ng laban.

Ningitian ko siya saka ko sinuot ang T-shirt ko. "May prayer meeting kasi sa bahay manager. Gusto ni mama kasali ako sa prayer meeting, kilala mo naman si mama manager siguradong pagagalitan niya ako kung hindi ako aattend."

THE SOULLESS PATRIOT VOL. 1 [PUBLISHED UNDER PIP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon