Nagpunta ang buong batch namin sa Baguio para sa isang seminar. Dagdag certificate kaya sumama ako tutal day trip lang naman ito.
I was the first one to come out of the bus the moment we arrived at school. Dito kasi ang pick up point ng mga magulang para sa mga anak nila.
Madilim na ang paligid kaya wala ng mga tricycle na makukuha. Sakto namang nagrequest ako na pick up-in dahil na rin sa dami ng dala dala kong pasalubong.
Isa isang nagsi alisan ang mga kasamahan ko.
I sighed then I looked at my watch for the nth time.
Ang tagal ng sundo ko!
Napapadyak na ako dahil may isang oras na ata akong naghihintay sa tapat ng school. Nagsara na rin ang gate at natapos na ang huling klase may tatlumpong minuto na ang nakararaan.
Nang may makita akong tricycle na papadaan ay pinara ko na ito.
Luckily, walang laman.
"Kuya sa may bukana po." I said. Sa tagal naming naninirahan dito ay alam na nila ang ibig kong sabihin.
Tinulungan niya akong ipasok ang aking mga dalahin at pinaandar ang tricycle.
Nang makarating kami sa bukana ay napakunot ako ng noo.
I smelled something burning and I saw some light from the woods. It was like a big fire.
"Nako.." untag ng driver habang nakatingin sa aking tinitignan.
"K-kuya.. baka po pwedeng pahatid na ako sa looban.." nanginginig kong sabi. Malakas ang kabog ng puso ko.
Kahit nag aalangan ay tumango ito.
I went back in the tricycle then he drove off.
Pagkarating namin sa may tulay ay umiiyak na ako. Kita ko ang nasusunog naming bahay. Maraming tao ang nakapaligid at pinapanood lamang ito.
Bakit hindi nila patayin ang apoy? Tanong ko sa aking sarili.
Bago pa makahinto ang tricycle ay tumalon na ako palabas.
"Ano hong nangyayari!" Umiiyak kong tanong sa isang lalaki malayo sa mga taong nakapalibot sa nasusunog. Ramdam ko ang init mula sa apoy na hinahangin.
Namukhaan ko siya. Isa siya sa mga napagaling ni Ina. Yung may kasamang batang babae apat na taon na ang nakararaan. He looked better compared from my memories of him.
Nanlaki ang mga mata niya at hinila ako palayo. Nagpumiglas ako.
"Manong.. saglit lang po."pilit kong makawala.
"Iha.. baka mapaano ka doon."
"Hindi ko po maintindihan! Ano bang nangyayari?!" Sigaw ko. Ngunit nilunod lamang ito ng ingay ng natutupok na mga kahoy.
"Sina Ina at Itay! Bakit walang tumutulong para iligtas sila?! Tulong!" Patuloy kong pagsigaw.
Nang makarating kami sa tricycle ay pinilit akong pasakayin ni Manong at sinabihan ang driver na idiretso kami sa terminal ng bus.
"No! Sina Ina at Itay ko!" Umiiyak kong sabi.
"Iha, makinig ka sa akin. Mas makabubuti sayong lumayo ka na dito sa lugar nyo. Hindi ka na ligtas dito.."mahinahon niyang sabi.
"Bakit po..?"umiiyak kong pinanood ang unti unting paglayo namin sa nasusunog na kabahayan.
"Maraming may galit at inggit sa inyong mga Viray."
"Ano po bang ginawa namin sa kanila..?"i choked out.
"Maling akala. Umakto ang mga kalugar nyo dala nang galit at panunulsol ng isang tao. Ang balita ko, si Melba ang nagpasimula nito. Siya ang nanggatong sa mga kalugar nyo na may karumal dumal at illegal kayong ginagawa sa inyong tahanan. Isinuplong niyang kayo ang may pakana sa mga batang nawawala sa lugar nyo at sa karatig bayan. Na pinapatay nyo sila para isakripsiyo kay Satanas."
YOU ARE READING
AMAIA
RomanceCLUB ZERO THREE AMAIA SPG/ R18 "That bad? You missed your billionaire husband that bad?" **** Coming across a man who made you forget all your problems was great. Not until you found out he was a billionaire. A billionaire who was out for his reve...