Chapter 18 .

103 2 0
                                    

~ Mission 1.2 ~

Prince POV's

Sa sobrang pagod ko kahapon sa ginawa namin ni sandra ay ngayon lang ako nagising late na ako kaya nagmadali na ako kumilos ... pagkapasok ko ng bathroom naabutan ko si kuya na naliligo ..

" hoyyy ! Ano ginagawa mo diyan bat ka dito naliligo ? May sarili ka namang banyo sa kwarto mo ha ? .." tanong ko sa kanya ..

" nasira kasi yung shower ko ee kaya ayun wala akong magamit ... pagamit muna ako ha nagmamadali na rin kasi ako .." sabi niya ..

" ee ano pa ako kuya ? Late na late na ako sa first subject ko at hindi ko pwedeng pasukan yun .. " sabi ko sa kanya .. patay na ako nito sa physics ..

" matatapos na rin naman ako saglit lang talaga .." sabi niya .. tapos lumabas na lang ako at naghintay ng ilang minuto ..

Pagkalabas niya agad agad akong tumakbo sa loob ng cr .." hoyyy ! Baka madulas ka prince .." sabi sa akin ni kuya ..

" kuya pakisarado na lang yung pinto pagkalabas mo ! .." sigaw ko sa kanya tapos naligo na ako ..

Pagkatapos ko nagbihis agad ako at nagayos .. nagmamadali na ako dahil ayokong malate sa subject na yun .. hindi ko na pinansin sila papa dumeretso na lang ako ng labas mamaya na lang ako kakaen ..

..

Buti at walang traffic pagkapark ko deretso agad ako sa classroom ... sakto naman pagdating ko wala pa yung prof namin tska ako umupo sa tabi ni greco ..

" greco, wala pa ba si ma'am ? .." tanong ko..

" wala pa naman .. teka nakapagreview ka na ba ? .." tanong niya sa akin ..

" ako nagrereview ? Hindi naman uso sa akin yun  .." sabi ko sa kanya .

" ayy oo nga pala may tagaturo ka kaya hindi mo na kailangan magreview .." sabi niya ..

" bat hindi mo subukan magpaturo sa kanya ? Malay mo masolve din yung nagraramdaman niya para sayo .." sabi ko sa kanya .

" baka hindi lang ako makafocus .. baka habang nagtuturo siya nakatitig lang ako sa kanya .. sayang naman yung ituturo niya kung hindi naman ako nakikinig diba ? .." sabi naman niya .. sakto naman na dumating na yung prof namin ..

" ok class pakitago na ang lahat ng reviewer , cellphone at iba pang pwedeng pagipitan ng mga kodigo niyo .. " sabi nung prof namin ..

" yes ma'am " sabi namin lahat ..

" ok lets start our first examination in physics .. kung may question kayo sa akin lang wag sa katabi ..ok .. so goodluck my dear students .." sabi niya tapos pinamigay na yung test paper sa amin at agad kong sinagutan .. sus sisiw ee halos ng itinuro sa akin ni sandra ay nandito sa test questioner ...

Matapos ang 30 minutes pinasa ko agad ang papel ko halos nagulat silang lahat dahil agad kong natapos ang exam ... " ohhh mr.teodoro napakabilis mo naman matapos .. bakit hindi ba mahirap ang exam ? .." sabi ng prof namin ..

" naku ! Ma'am sisiw na sisiw lang po yan sa akin .. " sabi ko ..

" ganun ? So tingnan natin .. goodluck sa result ng exams mo .." sabi niya sa akin ..

" sige ma ' am .." kampante kong sagot .." sige greco una na ako .." paalam ko sa kanya .. hindi pa kasi siya tapos magexam ..

Nang makalabas na ako ng classroom nakasalubong ko sila sandra kasama yung mga classmates niya ..

I'm Inlove With A CoC PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon